CHAPTER 21

19.9K 589 106
                                    

Chapter 21

Laurenz Pov

Binitawan lang ako ni Senyorito nang makapasok na kami sa bahay. Umiigting ang panga niya at nandidilim pa rin ang mga mata dahil sa nangyari kanina sa labas. May inis niyang binagsak ang katawan sa kuwayan kong sofa kaya naman tumunog iyon. Inay! Sisirain niya pa ang sofa ko dito!

Pinagmasdan ko siya kaso galit pa rin siya. At parang anumang oras ay handa siyang makipagsabungan. Uminit talaga ang ulo niya doon sa ginawa ng lalaking tinawag niyang Monzallon na parang ngayon ko lang yata nakita. Kung isang Monzallon ang lalaking iyon kanina ay posibleng magkakilala nga siguro sila ni Senyorito dahil kilalang mga tao ang mga Monzallon dito kaso di ko lang kilala kung sino-sino. At di rin naman ako interesado sa kanila.

Binaba ko ang bag ko sa kabilang sofa at kumuha ako ng tubig sa kusina.

Pagbalik ko sa maliit na tanggapan nitong bahay ko ay nakita kong bukas na ang tatlong butones ng suot ni Senyorito na long sleeves.

Kumukuyom pa rin anag panga niya.

Tinabihan ko siya at kinuha ko ang isa niyang kamay na umuusli na ang ugat kakakuyom niya dito.

Hinimas ko ang kamao niya bago binigay dito ang baso ng tubig.

Doon siya napatingin sa akin at bago sa baso ng tubig.

Hindi siya uminom doon at nilagay niya lang iyon sa maliit ba mesa sa gitna at humawak sa dalawang kamay ko.

Napanguso ako.

"Senyo--"

Nalunok ko ang sasabihin ko sa kanya nang bigla niya akong kabigin at niyakap ng mahigpit.

Gumapos ang kamay niya sa baywang ko at siniksik niya ang mukha sa leeg ko.

Napangiwi ako sa higpit ng yakap niya sa akin. At siguro ay naramdaman niya ang hirap ko kaya naman niluwagan niya ang pagkaka-akap sa akin.

At ilang sandali pa ay parang papel niya lang akong binuhat at pina-upo sa kanyang hita. Nakaside-view ako dito at di niya ako pinapakawalan.

Gumanti nalang ako sa kanya ng yakap at tinapik-tapik ko ang kanyang likod.

"Senyorito." mayamaya ay usal ko habang nagyayakapan kami.

"Baby," anito at ramdam ko nag pagpapakawala niya ng malalalim na hininga at panay ang halik niya sa balikat kong lantad.

Ako na ang kumalas sa yakapan namin at hinawakan ko ang mukha niya gamit ang dalawang palad ko. Kinuha niya naman ang isa kong kamay at hinalkan niya ang palad ko. Napapikit siya doon.

"Senyorito, bakit ba po... galit kayo doon  sa lalaki. Iyong Monzallon," nana nantya kong wika dito.

Muling nanigas ang bagang niya na unti-unti na sanang lumambot kanina.

"I just don't like the guts of that man, baby." aniya at parang nahihirapan pa siya doon.

Hinaplos ko ang noo niyang nakakunot.

"Wala naman pong ginawa ang lalaki." ani ko sa marahan na boses.

Humigpit ang pagkakahawak niya sa baywang ko.

El Grande Series 2: Theodore Granville|✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon