CHAPTER 42

25.9K 615 136
                                    

Last chapter before the epilogue, and I just want to say thank you for making it this far. This story has brought forth so many emotions (for me), just as it has imparted many lessons. I hope that whatever happens at the end of the story, you will always carry Theo and Laurenz within you. I never thought I would receive such great support for this story. Thank you always for leaving comments and votes, everyone! And to the silent readers, thank you as well. I can feel your presence. Until the next installment of EGS. Mahal ko kayo!

_____________

Chapter 42

Third Person POV

"Laurenz, I'm so sorry for doing such a thing. I know that I shouldn't meddle and pull off such an act. But that's the only thing I can think of para lang makabawi sa pinsan ko. He did so much for me back then kaya... gusto ko lang sanang suklian ang mga bagay na ginawa niya sa akin." ang wika ni Aziel kay Laurenz the following day na nakauwi sina Theo at Laurenz.

Huminga ng malalim si Laurenz. Binigyan ng isang malaking ngiti ni Laurenz si Aziel.

"It's fine. Actually, dahil sa nangyari nagkausap kami ni Theo. After so many years, iyon lang pala ang kailangan namin. So, thank you, Aziel. Aaminin kong natakot talaga ako noong una pero salamat pa rin." ang saad naman ni Laurenz.

Sinadya talagang bisitahin ni Aziel si Laurenz sa bahay nito para lang makahingi ng paumanhin sa kanyang ginawang pagkidnap niya rito at sa kanyang pinsan. He put them on a secluded island para lang makapag-usap at nagbunga nga naman ang kanyang ginawa.

Si Aziel din ang isa sa sumundo kina Theo at Laurenz sa isla. At sa nakita niya noong sinundo niya ang mga ito ay sumaya rin siya para sa dalawa. He may not know all the things that his cousin Theo went through back then; however, he knows that it wasn't easy either.

Kahit papaano ay alam niya ang nararamdaman ng pinsan dahil tinaguan din ito ng anak. Alam niya ang pakiramdam no'n. Alam niya ang hirap no'n.

"May kasunod na ba si Tyreese?" pabirong tanong ni Aziel kay Laurenz.

Agad namang ginapangan ng pamumula sa pisngi niya si Laurenz. He can't help but reminisce about the things that happened on the island. Everything happened in just three days. Bumigay kaagad siya kay Theo. Konting haplos, konting kiliti lang ay bumigay kaagad siya at binuka niya kaagad ang kanyang hita para sa lalaki.

Pero wala naman siyang pagsisisi roon. Gusto niya ang nangyari sa kanila ni Theo. Ginusto niya at hindi niya iyon pagsisisihan. He still has feelings for Theo. Sa tagal ng panahon na hindi niya ito kapiling at kahit na kinasal siya sa iba... aaminin niyang minsan ay naiisip niya pa rin ang lalaki. Naging busy lang siya sa buhay niya na kaya na-set aside niya ang nararamdaman dahil sa kanyang trabaho. Pero noong kasama na niya ang lalaki, parang lahat ng nararamdaman niya ay bumuhos sa oras na iyon.

Napangiti na lang si Laurenz at inilingan si Aziel.

"Wala. Hindi pa. We're just enjoying each other's company right now."

Nanliit ang mata ni Aziel. Kung titingnan niya si Laurenz ay iba na ang awra nito. Parang mas naging blooming ito after niyang ilagay ito sa isla kasama ang kanyang pinsan.

"Nagbabakasali lang naman."

"Ikaw? Meron na bang kasunod si Denziel?" tanong naman ni Laurenz kay Aziel.

El Grande Series 2: Theodore Granville|✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon