CHAPTER 9

23.3K 749 199
                                    

Theodore and Atlas

___________________________________Chapter 9

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

___________________________________
Chapter 9


Laurenz Pov

"Hoy!"

Napatalon ako nang biglang sinundot ni Sonya ang tagiliran ko.

Nilingon ako ang kaisa-isa kong kaibigan na kasangga ko sa tanang buhay ko. Ngumuso ako sa kanya at saka binalik ko ang mata ko sa harap, kung saan ako nakatanaw kanina.

Kaka-break lang namin para sa aming lunch, kaya naman nandidito ako ngayon sa ilalim ng puno ng mangga na may mayabong na dahon kaya di kami naiinitan ni Sonya dito. Ang kinaroroonan namin ngayon ni Sonya ay medyo mataas kaya naman mahangin dito.

Nakatutok lang ang mata ko sa malawak na niyogan ng mga Granville at kung saan din kami nagtatrabaho ngayon ni Sonya. Marami kaming mga trabahador dito pero ang iba ay mas piniling doon nalang sa baba at ang iba naman ay umuwi sa kanilang bahay. Iyong mga malalapit lang ang bahay dito.

Umihip ang hangin at napapikit naman ako doon. Nilanghap ko ang sariwa at preskong hangin.

Isang linggo na ang lumipas mula noong biglang dumating si Senyorito Theo sa bahay ko—iyong naabutan niya kami ni Kuya Sandro. Gulat na gulat ako noong nakita ko si Senyorito sa pamamahay ko. Alam ko naman na di na iyon ang unang beses na pumunta siya sa bahay pero di ko lang maipaliwanag ang nararamdaman ko dahil bumabagabag sa akin ang kanyang inamin sa akin. Kahit na ano pang gawin kong baon sa limot no'n ay paulit-ulit lang naman iyong nagre-replay sa utak ko.

"Hulaan ko iniisip mo. Si Senyorito Theo na naman 'yan."

Nagtagpo sa gitna ng noo ko ang aking kilay saka ko binalingan si Sonya na may ngisi at nakatanaw sa napakalawak na lupain ng mga Granville. Iyong lawak ng lupain nila ay ultimo di namin makikita dito ang hangganan noon. May niyogan, may plantasyon ng mangga, saging, at rancho pa sila.

"'Di n-naman." ani ko sa maliit na boses.

"Psh! 'Di pa aminin pero halata naman." Napayuko doon sa sinabi ni Sonya. Noon ay sinabi ko na ayaw kong magpa-apekto sa mga ginagawa ni Senyorito. Saka hindi naman siya ang unang lalaki na nagpapakita ng ganitong mutibo sa akin. Ang kaibahan lang ngayon ay nasasakop niya ang utak ko. Masyado niyang inaakupa ang pagkatao ko. "Pero siguro kahit naman siguro ako o kung sinong babae d'yaan ay magugulat talaga kapag umamin ang isang Theo Granville sayo."

"S-sonya..."

Biglang nawala ang ngiti sa labi ni Sonya at bumaling sa akin.

"Ren alam ko naman at ilang ulit mo na itong sinasabi sa akin na wala lang sayo ang inamin ni Senyorito Theo sayo, pero gusto ko lang sabihin sayo na kung anuman ang desisyon mo...susuportahan kita. Pumayag ka man o hindi nandidito lang ako. Saka hello?" May pa-iling pa siya sa kanyang ulo. "Magt-third year na tayo at di ka na naman bata. Alam ko rin na alam mo na kung papaano mag timbang sa mga bagay-bagay. Kaya kung bibigyan mo nang go signal si Senyorito. Go na!"

El Grande Series 2: Theodore Granville|✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon