CHAPTER 20

21.3K 566 82
                                    

Chapter 20


Laurenz Pov

"Senyorito, iwan n'yo na po ako. Kaya ko na naman po." Pagtulak ko sa kanya pauwi dahil gabing-gabi na. Hinatid niya kasi ako dito sa bahay nang magdilim na at nag-insist na alagaan muna ako saglit. Pero ang saglit niya ay nauwi sa ilang oras na pagbabantay sa tabi ko.

"Just rest, baby." aniya na pinagsiksikan ang katawan dito sa higaan ko. Maliit nga lang ito pero pinagsiksikan niya pa rin ang malaki katawan dito.

"May trabaho ka pa po bukas. Saka wala naman po akong klase bukas."

"Hmm," ugong niya lang at niyakap ako. "kapag nakatulog ka na saka ako aalis."

Wala akong nagawa kundi ang sundin ito kaysa naman di ito umuwi sa mansyon. Natulog nga ako na yakap siya at nakaunan ako sa kanyang braso.

Nagising ako kinabukasan na wala na si Senyorito sa tabi ko pero nag-iwan naman ito ng sulat gamit ang papel ko.

'Good morning, baby! I hope you feel better now, and if not, please call me right away so that I can bring you to the hospital. I love you.'

Napangiti lang ako doon at dahan-dahan na umalis sa kama. Masakit pa rin talaga ang katawan ko at pinilit ko lang na makagalaw at pumuntang banyo dahil naiihi ako.

Pagkatapos kong magbanyo ay babalik na sana ako sa kwarto para mahiga ulit nang makita ko si Sonya sa salas ng bahay ko na naka-de kuatro.

Napahawak ako sa hamba ng pintuan dahil sa gulat ko.

"Magandang umaga, Sonya!" Pangiti-ngiti kong sambit at lumapit dito nang makabawi.

Hawak ng isa kong kamay ang baywang ko at ang isa naman ay sa upuan bago ako umupo. Para na akong matanda nito.

"Umabsent kasi nilagnat. Matagal nagising kasi masama pa rin ang pakiramdam. Now, tell me Laurenz Kail. Anong nangyari sa iyo? At..." Umirap siya sa akin. "Naglihim ka pa talaga sa akin bakla ka."

I stifled a sigh. Lumapit ako sa kanya kahit nahihirapan ako ng konti at inabot ang kamay niya.

"Sorry. Sorry, Sonya."

"Hmp!" Mabigat niyang pinagkrus ang braso sa harap ng dibdib.

"Sasabihin ko naman dapat sayo. Kaso lagi akong pinang-uunahan ng takot. N-nilihim pa kasi namin ni Senyorito ang meron kami--"

Umeksaherada ito ng hininga.

"Tinatago ka? Nililihim ka ng Theo na iyon?!"

Agad akong umiling dito.

"Ayaw niyang ilihim namin. Kaso ito muna kasi ang gusto ko ngayon. Ako ang nagdesisyon na ilihim muna namin kasi natatakot ako kapag nalaman ng marami. Maraming makikisawsaw at marami ang pupuna kung ano ang meron kami ni Senyorito. Marami ang sisira sa amin dahil si Laurenz ako, ang anak ng isang bayaran at putang babae." paliwanag ko kay Sonya at mabilis naman na nanlambot ang ekspresyon nito at niyakap ako.

"Piste kasing mga pakielamerang mga tao, e. Bakit nalang kasi di sila mabuhay ng di nagsasalita ng masama sa kapwa nila?!" Paghihimutok nito at niyakap ako.

Inunan ko ang mukha ko sa balikat niya. Mula pa man noon si Sonya na talaga ang tagapagligtas ko sa mga umaaway sa akin. Dati kasi ay suki rin ako ng tukso at mga bully sa school. Sinasabihan ako na anak ng púta, anak sa maligno dahil sa puti ko, payatot kasi mapayat ako, at bakla.

Hindi ako lumalaban noon at nilalabas ko lang sa kabilang tenga ko ang naririnig ko mula sa mga taong nanunukso sa akin. Pero kahit na natuto na ako sa ganoon. Masakit pa rin. Masakit na masakit at hanggang ngayon nandidito pa rin.

El Grande Series 2: Theodore Granville|✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon