CHAPTER 24

16.4K 551 63
                                    

This chapter is dedicated to all who have been patiently waiting for Theo and Laurenz's story update! Thank you and love you all!
--------------------------------------------------

Chapter 24

Laurenz Pov

Everything seems perfect sa dinner namin ni Senyorito Theo. Masaya kaming nagkukwentuhan na para bang ang tagal naming 'di nagkita sa rami ng mga bagay na aming napag-usapan.

At marahil ay masaya ako at walang inaalalang mga problema sa school ay parang ang bilis nang takbo ng oras.

Kinuha ni Senyorito Theo ang baso niya na may lamang red wine at inisang lagok iyon. Matapos ay tumayo siya at may kinuha sa bulsa sa loob n'ong suot niyang suit.

Hindi ko masyadong napatuonan nang pansin itong mga suot namin ni Senyorito Theo kanina dahil masyado akong na-overwhelm dito sa surprise niya. Pero ngayon na natitigan ko na ito ng mabuti ay namamangha ako sa galing ni Minerva. How I wish I could also draw and design suits, dresses, and even gowns. Sana hindi lang ako hanggang cross-stitching lang. Sana dumating ang panahon na maipakita ko ang ang mga gawa ko sa entablado at makagawa ng mga suits at gown na isusuot ng mga kilalang tao.

If only I have the means, the opportunity to take a program that I really want to, siguro hindi ako HRM student ngayon. But nonetheless it's not too late naman siguro sa pangarap kong iyon. Ngayon magtitiis muna ako kung ano ang kaya ko.

"Oh," garalgal ko nang lapitan ako ni Senyorito Theo at kinuha ang kanang kamay ko. Doon ko napansin ang isang kahon na hugis-parihaba. Binuksan iyon ni Theo sa harap ko at umawang ang labi ko nang makita ang laman n'on.

Kuminang ang silver bracelet dahil sa ilaw na tumatama roon. It is fine silver bracelet na may pendant na letter 'L' at 'T'. Ang mga letrang iyon ay napuno sa maliliit na dyamante.

Nilagay ni Senyorito ang takip n'on sa mesa saka sunod na kinuha ang bracelet doon sa kahon at pinasuot sa kamay ko. Matapos isuot ni Senyorito ang bracelet sa akin ay napatanga nalang ako habang walang kurap na nakatitig doon sa palapulsuhan kong may bracelet. Dahil maputi ako bumagay iyon sa akin.

"Senyorito ang ganda naman nito at," tumingala ako kay Theo na nakangiti lang sa akin. "ang mahal siguro nito." Ngumuso ako.

"I only saw this online at una ko kaagad na naisip ay ikaw. Diamonds, white golds, and silvers remind of you, baby. Kaya nagpa-cutomized ako." Malumanay niyang usa sa akin habang pinipiga nang marahan ang kamay ko.

"Pero mahal ito."

Ngumisi siya. "Thousands only, baby. That won't hurt my bank accounts."

Tumayo ako upang mayakap siya.

"Lagi nalang ako ang binibigyan ninyo, Senyorito. Sana sa susunod ako na naman ang magbigay sa inyo." ani ko at hinigpitan ko pa lalo ang pagkakayakap ko sa kanya.

Naramdaman ko ang pagdampi ng mga labi niya sa balunbunan ko.

"Your love is the best gift already, baby girl." Paos niyang wika.

Kumalas ako sa aming yakapan saka ko siyang ginawaran ng isang halik. Ang balak kong smack kiss lang sana ay nauwi na french kissing.

Niyakap ni Senyorito ang isang kamay sa aking baywang samantalang ang isa naman ay yumakap sa leeg ko upang supurtahan ito. Siniil niya ako nang malalim na halik.

Napaungol nalang ako nang tanggapin ko ang mga mapupusok niyang pag-angkin sa labi ko. Mapag-angkin, malalim, at uhaw na halik ang binibigay ni Senyorito sa akin. Wala naman akong magawa kung hindi ang gumanti rito nang halik. Sinusubukan kong pantayan ang mga pinapakawalan niyang halik sa akin kaso napapaungol nalang ako dulot n'on.

El Grande Series 2: Theodore Granville|✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon