CHAPTER 13

19.5K 655 127
                                    

Chapter 13

Laurenz Pov

Matapos naming kumain ni Senyorito ay di na niya ako pinatulong pa sa paghuhugas ng mga pinagkainan namin. Habang nakasalampak ako sa beanbag ay panay ang sulyap ko sa kanya na parang gamay-gamay niya ang paghuhugas. Alam na alam niya ang bawat parte ng kusina at pati na kung ano ang gagawin niya.

Nung makilala ko Senyorito Theo, akala ko wala itong alam sa mga gawaing bahay. Akala ko puro lang hitsura at puro lang siya yabang at sungit kaso nagkamali ako. Marami pala siyang bagay na kayang gawin.

Sa huling sulyap ko kay Senyorito ay sumulyap din siya sa akin kaya naman nagkatinginan kami. Ngumiti siya sa akin kaya naman sinuklian ko ang ngiti niya.

Hindi pa kami makakauwi dahil sa lakas ng ulan sa labas kaya naman mananatili kami dito sa barn hanggang sa tumila ang ulan.

Nang matapos si Senyorito sa kanyang ginagawa ay nagluto siya ng popcorn at fries. Nakita ko siyang maraming dala sa kanyang kamay kaya naman tumayo ako at tinulungan siya doon. Nilapag namin sa sahig iyon mga pagkain, sa may bandang paanan ng kama.

Ako naman ay tinulak ang beanbag papalapit doon nang buksan niya ang TV.

"What do you want to watch, baby girl?"

Saglit akong nag-isip ng maaari naming panoorin na palabas kaso di naman ako maka-decide sa mga movie na naiisip ko.

"Kayo nalang po ang pumili ng gusto ninyo."

"Are you into chick-flicks, romance? Action? Perhaps, horror?"

"Horror nalang po."

"Horror it is."

Nang makapili na siya ng horror movie na aming papanoorin ay tumabi siya sa akin. Siya ay naupo sa kama samantalang ako ay nasa beanbag pero magkatabi kami.

Matapang ako nung pinili kong horror ang papanoorin namin. Kaso nagsisimula palang ang movie ay nanginginig na ang paa ko sa takot. Music palang noong movie ay kinikilabutan na ako. Inay! Mag-isa pa naman ako sa bahay.

At nang may mainit na palad na dumapo sa hita ay napahiyaw ako sa gulat! Nini-nerbyos na ako sa pinapanood namin.

"Baby girl? Are you okay? Papalitan ko ba ang movie?"

"H-h'wag po. Okay lang ako. N-nagulat lang." sagot ko dito.

Tumango naman ito at muling tumingin sa TV. Di ko na magawang kumain doon sa pagkain sa harap namin ni Senyorito. Kung di niya ako sinusubuan ng fries o di kaya'y n'ong popcorn, wala na rin akong paki doon.

"Ahh!" Napasigaw ako sa gulat nang biglang sumulpot ang madre sa screen.

Lumipad ang kamay ko sa braso ni Senyorito Theo, tinago ko ang mukha ko sa braso niya at napapikit.

"Baby?"

Parang nag-slow ang lahat nang pag-angat ko sa mukha ko ay sumalubong sa akin ang mukha ni Senyorito Theo na ilang metro nalang ang layo sa akin.

Nabingi yata ako sa lakas ng kabog ng puso nang magkatitigan kami ni Senyorito. Para na naman akong hinihipmotismo ng mga mata niya, parang mina-magnet ang mata ko na tumitig doon. Halos di ko na rin naririnig ang background music ng movie dahil sa lakas ng kabog ng puso ko na siyang naririnig ko ngayon.

El Grande Series 2: Theodore Granville|✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon