CHAPTER 2

36.3K 971 334
                                    

Chapter 2

Laurenz Pov

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagpasok ako ng ibang tao dito sa bahay ko. Ibig kong sabihin ay ekstrangherong tao. May nakakapasok naman dito na iba maliban sa akin tulad na lamang ng kaibigan ko na si Sony, isang binabae na katulad ko. Tinatawag ko si Sony na Sonya dahil iyon ang naging palayaw na niya. Si Sonya at ang kanyang pamilya lamang ang welcome dito sa bahay ko. Kaya ako nga rin ay nagulat nang bigla kong ayain ang lalaking ito na pumasok na dito sa munti kong bahay na ngayon ay natutulog sa sofa ko dito ko na gawa sa kahoy.

Hindi ko malaman kung bakit di man lang ako natakot sa lalaking ito na patuluyin siya sa bahay ko. Ngayon ko lang siya nakita at ngayon lang din ay pinapasok ko siya sa bahay. Hindi ko man lang iniisip na maaaring masama ito o adik, baliw, at takas sa bilanggo. Hindi ko nakita kung papaano siya makipaglaban kanina pero kung napatumba niya ang apat na iyon ng mag-isa, masasabi kong magaling nga siya. Lalo na iyong nakita ko kung papaano niya pinatulog iyong lalaki kanina sa isang sipa lang.

Bumuntong hininga ako at umupo sa kanyang tabi. Mabuti na nagamutin ko siya na naka-pikit at walang malay.

Habang nililisan ko ang kanyang sugat sa pisngi ay di ko maiwasang di alalahanin ang aking lola na inaalagaan ko dati. Ang lola ko nalang kasi ang nagpalaki sa akin. Ang nanay ko naman ay namatay noong ako ay nasa grade six pa lamang. Kaya simula noon ay ang lola ko na ang nag-alaga sa akin at nagpalaki. Sa bahay na ito namatay ang aking nanay at maging ang lola ko.

Mahirap maging ulila. Mahirap lumaki na walang umaagapay sayo. Mahirap mabuhay ng mag-isa. Mahirap sumikap ng mag-isa. Mahirap na umuwi sa bahay na wala kang aabutan na pamilya mo. Mahirap ira-os ang pang-araw-araw na buhay na mag-isa ngunit ako'y labis na nagpapasalamat sa Dios na hanggang ngayon ay lagi niya akong ginagabayan at laging pino-protektahan.

Ang laki rin ng pasasalamat ko sa pamilya nila Sonya na siyang tumulong sa akin nung ako'y hirap na hirap. At nung namatay ang aking lola. Malungkot, masakit, at nakakamiss din sila nanay at lola pero pilit akong lumalaban ngayon. Pilit akong tumatayo sa sarili kong nga paa para sa sarili ko.

Matapos kong linisin ang sugat ng lalaki ay nagkaroon ako ng pagkakataon na titigan ang kanyang mukha at i-memory ang bawat anggulo at katangian ng kanyang mukha.

Parang perpekto kung tititigan mo ang kanyang mukha. Maputi siya, tumitingkad ang kanyang mga mapupulang labi dahil sa kanyang kulay, matangos ang kanyang ilong, at parang nagkakasalubong sa gitnang parte ng noo niya ang kanyang makapal at itim na kilay.

Napanguso ako dahil parang mas maganda ang guhit ng kanyang kilay kaysa sa akin.

Hindi ko namalayan ang pagtaas sa aking kamay upang mahaplos ang kanyang maayos at magaan na buhok. Itim na itim din iyon at malambot sa kamay.

Walang ano-ano'y umabot ang paghaplos ng aking kamay sa kanyang noo na nakakunot kahit na napikit. Parang kahit sa kanyang pagtulog ay may kinakalaban siya doon. Ang sama ng kanyang ekspresyon. Natatakot pa rin siya kahit nakapikit. Nakakatakot siya ngunit hindi man lang ako nabagabag doon. Nakakatakot siya kaso di ko manlang siya magawang gisingin at paalisin sa bahay ko.

Ang kamay ko'y bababa na sana sa kanyang pisngi nang magsalita siya nang pikit mata.

"Baby girl."

"Ay inay!" sambit ko at saka napatalon sa kina-u-upuan.

Agad akong nagbigay ng distansya sa aming dalawa at niyakap ko ang medicine kit sa aking hita.

Kinagat ko ang labi ko dahil parang lumuwa ang puso ko nang bigla siyang magsalita. Nahuli niya ba ako? Nahuli niya pa akong pinagmamasdan siya? Nahuli niya ba akong hinahaplos ang kanyang mukha?

El Grande Series 2: Theodore Granville|✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon