CHAPTER 16

20.4K 609 48
                                    

Chapter 16


Laurenz Pov

Nagising ko na may humahaplos sa pisngi ko at may kumikiliti sa likod ko. May pagkagaspang ang kamay na humahaplos sa akin pero nagiging komportable naman ako doon at patuloy ko lang iyong pinapiramdaman.

Patuloy ko lang ding pinapakiramdaman ang mainit na hininga ni Senyorito Theo na tumatama sa mukha ko.

"Good morning, baby." bulong nito sa akin at humalik sa noo ko.

Doon ko na minulat ang mata ko at nakatingalang nginitian si Senyorito Theo. Napatakip ako sa mukha ko nang maalala ko na di pa ko nakakapanhilamos, nakapagtoothbrush at baka may muta pa ako.

"Baby,"

"Senyorito, wag niyo po akong titingnan lalo na ang mukha ko. Wala pa po akong ayos at baka po--"

Dumapo ang kamay ni Senyorito  sa palapulsuhan ko at unti-unti niyang kinuha ang kamay kong nakakip sa mukha ko.

Pumikit ako nang mariin. Nahihiya ako sa kanya. Nakakahiya na kahit na bagong gising siya ay ang gwapo n'ya pa ring tingnan. Ang presko niya kahit na kakagising lang namin. Tapos ako... baka magmukha ako nito ngayong di nakaligo ng ilang araw. Baka nanglalagkit na ngayon ang mukha ko.

Narinig ko ang munti niyang halakhak bago hinalkan ang mukha ko.

"It's still the face I want to see when I wake up."

Napalabi ako at nimulat ang mata.

"G-good morming."

Nang ngumiti si Senyorito ay parang ngumiti rin ang mga mata niya. Kumisap ito.

"Good morning, baby." wika niya rin sa akin bago dumukwang at ginawaran nang malamyos na halik ang labi ko.

Ilang saglit lang at nirolyo ni Senyorito ang katawan ko at pinadapa sa kanyang tiyan habang di napuputol ang halikan namin.

Humaplos ang kamay niya sa mukha ko at tinudyo ang dila sa loob sa bibig ko saka ito nagsimulang galugarin ang bibig ko. Naramdaman kong dumapo ang isang kamay niya sa batok ko upang suportahan ako doon at saka mas pinailaliman pa ang umiinit naming halikan.

Napakapit ako sa bedsheets ng kama nang susuhin niya ang dila ko at buong hina-namnam ang bibig ko.

"This is the best way to greet a new day, baby." sabi niya nang maghiwalay ang labi namin.

"Kung ganun sasanayin ko na ang sarili ko, Senyorito."

Nagtagal pa kaming dalawa sa kama bago naisipang bumangon. Si Senyorito ang nagbuluntaryong magluto at di naman ako umangal doon. Nilabhan ko nalang ang damit ko na hinubad ko kagabi at saka naligo.

Suot ko ang isang maroon na plain tshirt ni Senyorito at isang boxer shorts niya nang lumabas ako sa banyo at maabutan ko siyang kausap ang ina niya.

"Nandito lang ako sa barn house, mom. Yeah... I know... uuwi rin ako... yes later. Okay, bye."

Nang lumingon sa akin si Senyorito ay nginitian ko siya at lumapit dito. Nakapaghanda na siya sa mesa at may mga kobyertos na rin.

Pinatong niya ang phone niya sa island counter at saka ako tinagpo ako.

Inamoy niya ang leeg ko bago niyakap ang braso sa baywang ko.

Tiningala ako siya. "Hindi ko nalang sinuot ang jersey shorts." sabi ko dito.

Bahagya ako nitong tinulak at sinuri ang buong katawan ko. Nalukot ko tuloy ang daliri ng paa ko.

"M-malaki kasi ang jersey mo. Nahuhubad lang sa akin." rason ko nang di ito magsalita.

El Grande Series 2: Theodore Granville|✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon