Chapter 25- The Wig

14K 235 15
                                    

25. The  wig

Niccolo's POV

Sunday morning. Kararating naming mag- ama galing sa pagsimba. Napailing ako dahil ang aga aga ko pang nagising para lang sana mayaya ang asawa ko, kaya lang di daw lumabas sa kwarto niya. Di pa nga daw kumain yun sabi ni Boy, yung utusang lalaki dito.

Tss. Di ko talaga yayayain ang babaeng yun, isipin niya importante pa siya. Tsk!

"Hello, People!"  Neiji?

"TITA!" tumayo si Savannah at nagmano. Nandito kami ngayon sa dining table.

"Ang bait naman ng baby savannah ko. O regalo mo." At binigyan ng isang malaking barbie doll. Tss. She doesn't like that. She likes books rather than a toy.

"THANK YOU TITA! ANG BAIT BAIT MO PO SA AKIN"  tss. Minsan ayaw ko ang ugali ng anak ko e. Tsk! Plastic din minsan, madalas prangka. Just like now,di naman talaga hilig ang doll, kunwari gusto

"Frey, di ka ba magmamano kay ninang mo?" tanong niya. Tumayo naman ito. Itinaas naman ni Neiji ang kamay niya para iabot kay Neiji pero—- wtf! Nilampasan niya lang si Neijie.

-_- Parehong may attitude ang mga anak ko.

"Babalik po ako Tatay" sabi lang ng bunso ko. Napa face palm ako at tinignan si Neiji na may apologetic look.

"Savannah texted me, isasama mo daw ako? Is that true?"

"Ahhh- sa fieldtip sana niya" nagliwanag ang mukha nito.

"Sure, Royce! Sur—"

"Niccolo" pagtatama ko. I hate it when people call me Royce.. Special kasi yun.lol

"Sorry. Thanks Nics!" sabi nito sa akin.

"I am so excited baby! Tara na, mamili na tayo ng mga gagamitin!"sabi pa nito.

"Bukas na lang po, Tita. Sabay natin si tatay" sagot naman ng anak ko. Nawala ang atensyon ko kay Neiji at Savannah na kasalukuyang pinaguusapan ang fieldtrip. Natatanaw ko sila,

Kumakain si  Leonor  kasama si frey at si——- boy?

Really? Nasan ang taste mo Leonor?!

Iniinsulto  talaga ako nito e.

Tumayo ako at nagpunta sa hardin malapit sa swimming pool .

"BOYYYY!!" sigaw ko sa kanya. "Ano pang ginagawa mo? Bat imbes nagtatrabaho ka e, nakikipaglampungan ka?" sabi ko dito. Namutla  naman  ito. Di kasi sila sanay na sumisigaw ako.  "AT IKAW!" baling ko kay Leonor na di ako pinapansin at sumubo lang ng pandesal. Pandesal sa morning? At iisa lang? Ganoon?

Humarap ito sa akin. Nabigla ako sa pamumutla nito. Tsk! Di  kasi kumakain ng pagkain.

"Ano yang kinakain mo?" tanong ko sa kanya. Medyo pagalit pa din syempre, dapat di niya mahalatang  naawa ako sa kanya.

"heto ba?" taas pa nito sa pandesal. "Pandesal bigay ni Boy"

Return Of The Wife ( COMPLETED )Where stories live. Discover now