Chapter 30- Missing Her

17.1K 265 9
                                        

30. Missing Her

Niccolo's POV

Balik sa dati ang treatment niya sa akin. Damn this life. I should not said those things to her, odi sana  masaya ako ngayon. Oo inaamin ko na mahal na mahal ko pa rin talaga siya, mas minamahal ko pa nga sa totoo lang.

Yung mga witty remarks niya.

Yung sobrang obvious na pag papacute niya.

Yung cute niyang mata  pag niroroll eyes niya 'to pag nagseselos

Yung kayabangan niya na dumadalas na. Hambog!

Namiss ko na talaga siya. Sa three days na lumipas..

Lagi na lang blangko ang mga titig niya.

Di mo na makausap ng matino. Kay Frey lang.

Di namamansin at di nagsasalita.

Minsan nga, napapaisip ako, parang may mali kasi sa nararamdaman ko, galit ako pag naiisip ko ang pang iiwan niya, galit ako pag naaaalaala ko na hangang ngayon may iba pa rin siya, pero kapag nasa tabi ko siya nawawala ang galit ko, nadadala ako sa ka inosentihan ng mga kilos niya.

*Tok! Tok! Tok!*

Napatitig ako sa pintuan. Wala pa rin talaga akong ganang lumabas ng kwarto.

"Nasan ang duplicate nito?"

*Tug!* *Dug!* *Tug!* *Dug!* *Tug!* *Dug!* *Tug!* *Dug!* *Tug!* *Dug!* *Tug!* *Dug!* *Tug!* *Dug!* *Tug!* *Dug!* *Tug!* *Dug!*

 

Kahit di ko tignan kay LEONOR ANG BOSES NA YON!

Bakit niya hinahanap ang duplicate? Hala!  Baka pumasok siya dito? T.T Di pa ako handa harapin siya. Tsk. Tsk. Natatakot ako sa kanya. Huhu. Baka sumbatan niya ako.. saka.. di pa kaya ako naliligo.

*Kraaakkk*

Tunog yan ng pinto na bumukas, pangit! Wag ka nga!

"Ba't di ka pa bumaba para maghapunan?" mahina niyang tanong. Lumunok naman ako ng tatlong beses at pasimplenng hinawakan ang braso ko. Putcha! Ang lamig ng boses niya.

"Wala akong gana." Sagot ko.

Umalis kana.. please. Umalis kana.. wag kang lalapit! Maliligo muna ako. Tss.

 

"Mahal mo ba si Neiji?"  biglang tanong niya. Ha? Sino daw? Si Neii? Tss. Sira ba siya? Piling niya ba papatusin ko ang bestfriend niya dahil lang niloko niya ako. Di ako ganun.. hindi..

Pero di pa din ako makaharap siya. Tss. Ba't ba kasi di ka naligo agad Nics! Ang haba ng araw kanina. Huhuhu. Di rin ako makapagsalita, baka kasi ano masabi ko. Huhu T.T

"I guess, I know the answer" at napabuntong hininga ito. "Aalis na ako. Sana mahalin ni Neiji ang mga anak natin." Malungkot na sabi niya. Hinarap ko siya at di nga ako nagkamali, may namumuong luha sa mata niya. Kasabay ng pagtayo niya ang pag usbong ng galit ko.

Return Of The Wife ( COMPLETED )Stories to obsess over. Discover now