Chapter 28- Banatera

13.6K 221 4
                                        

28. Banatera

Niccolo's POV

 

Isang linggo ang lumipas at wala kaming pansinan ni Leonor. Di naman sana ako magagalit kung umuwi sila ng ayos  e, pero hindi, alam kong may pag ka cold ang bunso ko, pero mas lalo pa ito nagmukhang cold, malungkot ang mata niya nung umuwi sila. Kaya galit na galit ako.

"Si yaya, tay?" kasalukuyan kaming kumakaing tatlo sa dining table ng magtanong sa akin si Frey.

"Why are you finding her?" nagtatakang tanong ko,

"Because I want her to be with me in school." Sagot nito sa akin.

"Do you like your yaya?" tumango naman ito.

"She's funny and cool." natatawang sagot pa nito.

"psh!" singhal ni Savannah. Di lang siya pinansin ni frey at tumuloy sa pagkain, pero di ito mapakali kaya tumayo ito.

"where are you going, son?"

"Kay yaya"

"huh?"

Akala ko ba di sila okay? Kaya nga ako nagalit e. Ano ba talaga?

Hinawakan ko ang pisngi ko. Tsk! Ang sakit nyang manampal. Ipinagpatuloy lang naming ni Savannah ang pagkain.

"Sige na kasi yaya, ikaw na maghatid sa akin sa school"

"tss" naiinis na sabi ni Savannah. Nilingon ko si Leonor at Frey na naghihilahan. Tsk! Papilit pa ang gusto.

"Oo na sige na.. Magbibihis lang ako." Sabi nito. Napasuntok pa si Frey sa hangin. Tss.

"Ikaw Savannah.. bilisan mo dyan.. sumabay kana sa kanila"

"Ayoko nga p—ayst! Opo.. sasabay ako sa kanila. Tss" nadadaan pala sa tingin e.

Umakyat na din ako sa kwarto para mag bihis. Isang simpleng polo shirt lang at faded jeans ang suot ko, practice lang naman sa banda ang pupuntahan ko. Tsk.

Pagbaba ko ay sakto namang paglabas ni Leonor. Muntik na lumuwa ang mata ko. Ba't ang galing niya na pumorma gayon? At alam ko yang mga damit na isinusuot niya. Tsk! Sa Frenah Botique yan nabibili. Mga damit ko din ay doon galing, tatak Giovanni 'to no.

Sa simpleng black blouse na hapit na hapit sa beywang niya at sa white pants niya with a black wedge heels, talagang parang may sinabi sa buhay. Di kami naghihirap, mayaman naman kami, pero kung alam niyo lang kung gaano ka mahal ang tatak Giovanni, mamangha ka.

"Tsk! Titig ng titig" masungit nitong sabi.

"Ang kapal!" sagot ko dito.

"Nahuli na. Nagdideny pa"

"Oy! Di kita tinititigan no. Anong akala mo sa akin? Masisilaw sa mga damit mong Giovanni ang tatak? Tss" napangisi siya.

Wait! Nasabi ko ba yung Giovanni. Tumalikod ako nung narinig ko yung malakas niyang halakhak. Nasabi ko nga! Shit!

Putcha! Nahuhuli ako sa sarili kong gawa. Nakakainis ka, Nico! Nakakainis ka!

"Di pala ahh." Sabay tapik nito sa balikat ko at naunang lumabas.

Anong nangyari? Parang nung Linggo lang magkaaway kami at nagsisigawan ngayon heto nanaman siya at tinatawanan nanaman ako.

Bumaba na si Savannah at nakita ko pang nagulat siya, mula ulo hanggang paa kung tignan niya si Leonor. Napailing pa ito. Well, naiintindihan ko naman kase siya.

Return Of The Wife ( COMPLETED )Stories to obsess over. Discover now