CHAPTER 32- Letter

20.8K 283 53
                                    

Niccolo's POV

"Ngayon ka lang diba? Kara...rating mo lang, diba?" Naiilang na tanong ni Leonor.

"Sana nga kararating ko lang.. sana nga... sana wala akong narinig.. sana wala akong nalaman. Para sana di ganito kasakit.." mahina kong sambit. Parang lumulutang ang isip ko. Tinignan ko siya. Ang kabuuan niya.. Ang tanga ko din naman kasi.. bakit di ko napansin ang pagbabgo niya? Her hair is not natural at it is. Sumobra na din ang pagkapayat nito.
"Magpapaliwanag ako." Mahina nitong sambit.

"Huwag ngayon Leonor.. Huwag ngayon." Shit. Mukhang may nahulog na luha sa aking pisngi. Shit. Ang sakit kasi.

"Pero kailan?" Naluluha nitong tanong. Lumapit ito sa akin at hinawakan ang dalawa kong pisngi. "Makikita pa kita, diba, babe? Please naman oh.. magsalita ka.. please..."

Umiiyak ito. At nasabi ko na ba sa inyong ito ang pinaka iniiwasan kong makita? Ang umiyak siya.

Tumango ako at pinahid ang mga luha sa pisngi niya.

"Iuuwi ko na siya bro" sabi ni Herald. Inis ko itong binalingan. Ilang beses na ba kami nagkita nito? Bakit hindi niya sinabi sa akin? Naging gago ako sa pag aakalang threat siya sa buhay ko, sa buhay namin. Pinagtakpan niya pala ang kambal niya sa akin. Kambal? Yeah! Ang saya! Ang saya!

"Ako na ang mag- uuwi sa kanya sa bahay ko." Matabang kong sagot.

"No. Sa mansion ko siya iuuwi, delikado para sa kanya dahil gabi na."

"Dahil gabi na? Wow!" sarcastic kong sabi. Pagkatapos ay pagalit ko itong hinarap. "Damn it!"

"Royce.."

"Sana alam mo ding delikado para sa kanya ang mga mauusok na lugar. Sana alam mo ding Smoking zone ang mga bar!" maangas kong sabi na ikina tameme niya.

"Royce... di niya kasalanan.."

"Kasalanan ko baby." Malungkot nitong sabi. Tch. " Sige na sumama ka na sa kanya"

"Are you sure, you alright ha? Lasing ka na din diba?"

"Kaya ko pa baby.. sige na sumama kana sa kanya." Malungkot nitong sabi. Mukhang dinamdam nga nito ang huli kong sinabi.

Nagmamakaawang mukha ang nakita ko kay Leonor ng tignan ko siya. Napabuntong hininga ako, mukhang sa aming dalawa ng kambal niya, ang kamabal niya ang sasamhan niya.

"Mahina kasi ang tolerance ng kapatid ko sa alcohol. By the way, he's Herald, my twin bro." tumango lang ako. Oo, narinig ko, siya nga ang kinamumuhian ko ng matagal na panahon sa pag aakala na ipinalit ako sa kanya. Tumango na lang ako dito at saka naglakad palayo sa kanila. Kaya lang may biglang yumakap sa likod ko. Humagulgol ito doon. At heto nanaman ang mga luha ko. "I love you so much babe.." sincere na sabi nito bago niya ako pakawalan.

Hinarap ko siya pero nakatakbo na ito. Ngumiti lang ako ng bahagya, hayun ang likod na nakita ko nung iwan niya ako.

I was so damn hurt. She's selfish. But I'm not angry anymore. I was just damn hurt!

Pumasok ako sa kotse at mabilis itong pinatakbo. Akala ko si Leonor ang makakasagot sa marami kong katanungan. Pero mali ako, may isa pang tao..

Ang dahilan ng pagkamuhi ko.

Na di naman pala dapat.

---...
Inihinto ko ang kotse ko sa harap ng bahay niya. I dialed her number. Isang ring lang din sinagot niya na agad.

"I'm surprised! Why are you calling up?"

"Can we talk?"

"Of course! We're talking."

Return Of The Wife ( COMPLETED )Where stories live. Discover now