Chapter 40- Ang wakas

30.2K 420 52
                                    

Third person Point of View.

Naghihintay sa altar si Niccolo, kasama ang best man na si Makoy, nasa tabi ni Makoy si Thunder at Herald. Pinagmamasdan nito ang kanyang asawang naglalakad sa aisle, kasama ang ama nito, si Mr. President.

Malayo pa lang nangangatog na ang mga binti ni Niccolo. Naiiyak siya pero ayaw niyang ipakita. Ayaw niyang ipakita dahil pakiramdam nito kabadingan yun.

Samantalang si Leonor o si Hershey ay bagaman nakangiti meron pa rin itong luha sa mga pisngi.

Pumailanlang ang Thinking out loud ni Ed Sheeran. Ito ang theme song ng kasal. Mga kabanda ni Niccolo ang kumakanta.

"I do." Emosyonal na sagot ng dalawa.

"You may kiss the bride." Pagkasabi ng pari sa ganoong linya, mabilis at punong puno ng emosyong hinalikan ni Niccolo si Leonor sa labi. Tumagal iyon ng 30 segundo

Matapos ang mainit na halikan binati sila ng malakas na palakpakan ng mga tao.

Maraming bisita. Press people. Celebrity, political person at mga naglalakihang tao sa buong mundo. Ang theme ng kasal ay fairytale. Ang bride's maid ni Leonor na si Eliza ay ginaya ang suot ni Snow White.. Samantalang si Cinderella naman ang bride.

Animo nakakita o nakaranas ka ng isang pag iibigang wagas at magpakailanman. Fairytale theme kasi. And they live happily ever after. Mga ganoong linya ang nakasulat sa kotse pangkasal.

"Are you okay? Namumutla ka?" Nagaalalang tanong ni Niccolo kay Leonor. Namumutil kasi sa pawis ang huli, namumutla din ito at ang mata ay parang hapong hapo.

"Yeah." Mahinang sagot ni Leonor. Biglang may mabilis na ihip ng hangin ang naramdaman ni Niccolo. Biglang kinabahan siya ng sobra si lalo na sa panlalamig ng kamay ng kanyang asawa. Naiisip nito ang sakit nito. Totoo na nga bang magaling siya?

"LEONOR!"

"LEY!"

"ANAAKKK!"

"NANAYY!"

"HERSHEY!"

Sigaw nila matapos mawalan ng malay ni Leonor sa gitna ng picture taking. Lahat ay kabado. Lahat ng malalapit ay umiiyak. Lalo na ang mga bata. Lalo na ang kanyang mga anak.

Ang masayang kasalan ay napalitan ng malungkot na katapusan.

"Hold on, babe. Hold on. Wag mokong iiwan. Please.. Wag mo kong iiwan" iyak ni Niccolo.

------*

Niccolo's POV

"Shhss. Tama na anak. Wag ka ng umiyak. Ipagpasa diyos na lang natin ang lahat. Tandaan mo, pag nawalan may dumarating. Maghintay ka lang."

"Ma.. She's dead. Isang taon na pero di ko pa rin tanggap." Hagulgol ko kay Mama. Nasa tabi ni Antonio Rivera ang libingan niya.. Si Leonor.

Naiiyak ako. Ba't niya ba dinanas 'to. Bakit?! Di muna siya binigyan ng pagkakataon na lumigaya sa piling ko, sa piling namin.

"Anak, tumayo ka dyan. Umuwi kana."

"Opo."

May natanggap akong message. Tss. Galit nanaman siya. -________-

Paguwi ko sa bahay.

"Frey! Halika dito! Halikaaaa!" Buong giting na sigaw ng asawa ko.

"No, nanay! I don't like parties! I hate party. I hate people!" Sabi nito. Mabilis itong pumunta sa kwarto nito. Napabuntong hininga ang asawa ko.

Return Of The Wife ( COMPLETED )Where stories live. Discover now