Chapter 35- Family Day

21.3K 277 2
                                    


Leonor's Pov

"O nay!! Nay!! Gwapo ko no?" Sabay papogi sign ni bunso. Nagthumbs- up naman ako sa kanya. Kaya umayos siya at nagpunta ulit sa full- length mirror. "Nay! Nay!"

Lumingon ako ulit sa kanya ng naka ngiti. "Yes, baby?"

"Ano po ba ang mas maganda? Nakataas ang buhok ko, or nakaside?"

"Naka- taas, baby.." Sabi ko at tumalikod nanaman. Inaayos ko kasi yung shoes ko. Required ang naka shoes ngayon.

"Babe.."

"Hmmm."

"Wow! Ang ganda ng misis ko ah!, wag na lang yata tayo umattend ng event e."

"Tss. Bukod sa binola mo nanaman ako, sinumpong pa yang katamaran mo! Hala.. Umalis kana."

"Ayst! Ayoko mag- perform, babe.. Gusto ko magkakasama lang tayo the whole day."

Ang banda kasi nila Royce ang kinuhang mag o- opening ng program ng school. Today is the Illustrado's Family Day. Isa ito sa pinaka inaabangang event ng school, all are required to attend, from Elementary to College department. Isang araw lang 'to, pero sulit! My son, my daughter and my husband will perform later.

Kakanta si babe..

May role playing si Savannah, siya ang mag a- act na princess..

At well-- may dance presentation naman si Frey.

"Okay. Ingat kayo dun ng mga anak natin, okay? Umaga lang naman lahat ng performance e, pagdating ng hapon, buong atensyon namin ay sa yo na."

"Ano ka ba, babe.." Sabi ko habang inaayos ayos ang neck tie niya. "Okay lang nga ako.. Proud nga ako at napaka talented niyo e.. Basta gagalingan mo ahh."

"Oo ba! Ako pa!"

"Oo sige! Tapos ngumiti ka ng ngumiti neh?" Sarcastic kong pagakasabi. "Para di mo na ako makita.. Aalis na lang ako" Nakakaselos kaya yun.. Yung ngingiti ngiti siya! Tapos maraming girls ang kikiligin.. Ayoko! Ayoko! Jujuju.

"If that's a joke, then it's not funny. Wag mo ng subukang iwan uli kami Leonor, ikamamatay ko talaga.." Seryoso niyang sabi. Shit! May mali ba sa sinabi ko? Hala! Ginalit ko yata!

"Babe...."

Tawag ko pero di niya na ako nilingon, umalis na ito at narinig ko na lang ang kotse na mabilis niyang pinaandar. Napakagat tuloy ako sa mga daliri ko. Ano ka ba naman, leonor! Napaka- Ahhh mo talaga!

"Nana.. Bakit ka naka kunot dyan?"

"Naiinis kasi ako Nanay.." Halata ngang naiinis.. Kawawa ang panyo niya, lukot lukot na. "Nung sinabi ko kasi na tayo ang may ari ng Frenah Boutique, ayaw nila maniwala.. Tayo ba talaga may ari nun, nay?"

"Oo naman. One of this day, I'll bring you there.."

"Tsssshhhh! Naiinis pa rin ako, nay! Napagkamalan pa akong ambisyosa." Naiiyak nitong sabi. "Dati naman nay, nandun pa yung mga pictures niyo sa google, may apat na videos pa nga po kayo sa youtube e. Napanood ko pa po mga yun nay.. I find it again yesterday pero wala na po.. Bat po nawala yun, nay?" Nakanguso nitong tanong. And again napakagat ako sa kuko ka. Old habits die hard e. Kinontact ko si Daddy kahapon, to erase all my pictures in google and youtube. Dineactivate ko ang facebook ko. Di ko 'to sinagot. Ayoko ng fame, sa totoo lang. Gusto ko ng payapang buhay. I am so shy with my appearance. Sa totoo lang naman kasi talaga, nahihiya ako at naka wig ako. Ang payat payat ko.

Return Of The Wife ( COMPLETED )Where stories live. Discover now