Chapter 16- SOON

13.5K 223 7
                                    


Leonor's POV

Sinusundot sundot ko ang tagiliran niya pero naka kunot pa din ang noo, mukhang di niya talaga ako mapatawad. Nandito ako sa condo niya.

"Babe... Sorry na.." At pinungay pungay ko pa talaga ang mata ko. Fudge! Di Effective.

"I'm not in the mood. Please lang Leonor, leave me alone." Seryoso niyang sabi.

Sinara ni Royce ang kanyang laptop at inayos ang mga papeles. Tumayo ito.

Napasimangot ako. Sira ulo din 'tung lalaki na'to e. Sabi niya saken leave me alone, e mukhang ako ang ili-leave me alone niya.

Minsan talaga nagtataka ako kung paano naging engineer ang isang may pagkatanga na lalaking 'to. ~Tanga? Pero mahal mo kahit tanga?

_(_^_)_

Letsugas na konsensya talagang sabat ng sabat! Pero NAMAN! Tatagal ba kami ng more than two years kung di ko siya mahal? Anu yun, loko- lokohan ng two years?

Mabalik ako. He's cold to me. No calls, no Royce in my inbox, no Royce in my house, no Royce anywhere. Damn!

Di naman ako tanga para di ko malaman ang dahilan, Like Duh! Suma Cumlaude kaya ang beauty ko. Hayy! I was so busy these past few weeks... or months kasee.

We have date last Friday sana.

Kaya lang ruma- running for General manager ako sa J&J JEWELRIES....

Syempre, kelangan ko magpasikat! I NEED THAT PROMOTION. Kailangan ko ng pera, para matapos na ang bahay na pinapagawa ko. Para dalhin ko na ang mga lola ko dun. Kaya talagang nawalan ako ng time kay Royce... but it doesn't mean that I don't love him, or his in my less priority. I'm actually doing this for us. Gusto ko kase na may mapatunayan ako sa mga magulang niya. Alam kong until now di pa rin siya kinakausap ng mga magulang niya. Unlike ate Rica, laging kinakamusta sa akin ang kapatid niya. Magiliw ko namang sinasagot na ayos lang ito.

"Babe!" Tawag ko sa kanya ng pumunta ito sa kusina.

~Gggrruuuuuuuuk!

"Shit!" Mura ni Royce at humarap sa akin pero di lumapit "Its already past 9 pero di kapa kumakain. Pinapatay mo ba talaga yang sarili mo, huh!" Pagalit nitong sabi

"Sorry na kase.." At humawak sa tiyan kong tumunog. Bwisit! Pinapahiya talaga ako ng tiyan na 'to.

"I want to understand you Leonor, pero nasasaktan ako. Nasasaktan! Sinubukan ko talagang umintindi! Pero Damn! Masakit pala talagang maghintay sa wala. Yung tipong kahit ilang oras na pero wala kapa, umasa pa din ako. Tiniis ko ang nakaka awang tingin ng mga crew sa restaurant na yun, pero wala e.." mapait itong ngumiti, pero di nakaligtas ang isang butil ng luha sa pisngi niya. Nasaktan ko talaga siya, ╮(╯_╰)╭ "diko matanggap na huli ako sa listahan ng mga puny*ta mong priorities." Tumalikod ito. Agad naman akong lumapit at niyakap siya mula sa likod.

"Sorry na babe. Di na mauulit. Sorry na, please ple----" tinanggal nito ang kamay ko at pumasok na agad ito sa kwarto niya.

"Buksan mo 'tong pinto, babe.. sige na.. babe..." pagmamakaawa ko.

"Umuwi kana. Alam kong pagod kana. Kumain ka na din." Malamig niyang sabi.

Di niya ba ako ihahatid? Di niya ko ipagluluto? Hindi? Hindi ba talaga?!! Magtiis ka Leonor, kasalanan mo naman.

"Sorry Mahal, ika'y nasaktan, bumalik kana sa akin." Kanta ko sa kanya. Alam kong may pag kasintunado akong kumanta, kaya nga madalas niya akong asarin. Pero nakakalungkot pala talaga na kahit kumanta na ako, walang bakas na Royce na nang aasar. "Sorry babe.." Naiyak nako this time. "I love you more than you do... pero ang bilis mong sumuko sa akin, Royce. Sandaling oras lang naman e, para din naman sa atin, Oo nasaktan kita. Kaya nga nandito ako o, sinusuyo kita. Pero wala e, kaya mo pala akong tiisin." Ano ba 'tong mga luha na 'to, di na tumigil, "pero sana ako pa din ang mahal mo" Tinigil ko ang pagkatok at inayos ang sarili ko. Aalis na ako. Pero di ako susuko. Uuwi lang ako, palilipasin ko lang ang galit nya sa akin. Babalik ako.The na! Kasakit! Pag si Royce pala ang bumalewala sa akin, tagusan ang sakit.

Return Of The Wife ( COMPLETED )Where stories live. Discover now