Chapter 5- Hug

19K 313 24
                                    

Niccolo's POV

"What?!! Absent siya?!" tanung ko kay Makoy. Tinanong ko kase sa kanya kung kamusta ang Leonor ko dito. Pero ang sabi niya absent daw ito.

"Yeah.. may sakit daw e." May sakit? Damn! Okay naman siya nung Saturday ah..

"Nagpunta ang lola niya pre.. Inaapoy daw ng lagnat since Saturday pa." Nilagnat ba siya nung gabi? Tsk! Sabi na e. Nung pauwi kami bumuhos ang malakas na ulan, wala kaming masilungan kaya nabasa kami..

"Two morons... Pack your things.. Magka cutting tayo. Samahan niyo ako."

"Huh? Wag kang BI sa amin Ferrer.. Study hard 'to men!" taas noong sabi sa akin ni Thunder.

"I'm busy in my research." bored na pagkakasabi sa akin ni Makoy.

"Okay. Ako na lang ang aalis.. But--" mabilis silang lumingon sa akin. "Walang sisihan huh..Thundz.. you wanna see your cool name in youtube? Hahaha I still have your sex video. And to you Makoy---"

"Hep! Hep! I'm in. Si Dela Rosa lang ang may ayaw pre. O tara na!" masiglang pagkakasabi ni Makoy. Psh! I thought he's busy? Putcha! Pag baho talaga nila ang usapan, mas mabilis pa sa aso kung sumunod sila.

"OKAY! Lets Go!"

"Teka lang uy! Pre naman!! Walang ganyanan.. Heto na nga oh! Sasama na.." I smirked. He frowned.

"Tanging Ina pre! Burahin mo nga yun!" inis niyang sabi sa akin.

"Okay." The truth is wala naman sa akin ang video. Wala naman talaga siyang ganun.. He was drunk nung birthday ko last year, kaya akala niya may sex video talaga siya.

"San ba nakatira si Leonor Rivera pre?" tanung ni Thunder sa akin nung makalabas na kame sa gate.

"I don't know."

"Ako. Alam ko. Ahm... sa 'Brgy. Kung Saan Lahat Ng Tao Ay Maganda'"

"O tara na!"

------

"Dito ba yung bahay nila pre?"

"Parang bahay ng mga matatanda."

Ang sabi ng mga napagtanungan namin, hetong bahay na nasa harapan ko ang bahay ni Leonor. Pero kung titingnan ko, mukhang masisira na e, mukhang walang tao.

Pinagtitripan ba kami ng mga tao dito? Putcha! Wag ko lang malamanlaman na pinagloloko nila kami. o>_<o~

Yayayain ko na sana silang umalis kase baka hindi dito ang bahay ni Leonor pero ang 'langyang Makoy, kumatok na.

"Sinu yan?" Confirmed! Matanda nga nakatira dito. Nakakatakot ang boses..

Pagbukas ng pinto. Halos lumundag ang puso ko. Akala ko ako lang ang nakaramdam ng takot pati din pala ang dalawang ito. Psh! Mga bakla. Kumapit sa magkabilang braso ko.

Anim na matatandang babae, mahahaba ang mga buhok, maybe they are around 70's na. And their look.. parang isa kaming micro organism na sila ang scientist dahil ang mga mata nila ay parang magnifying glass.

"Ma--magandang tanghali po." Bati ko.

"Sinu kayo? Sinung kailangan nyo?" tanung sa akin nung pinakamatangkad sa kanila. Putcha! Ang cold ng boses, para kaming nasa horror movie na natrap sa isang haunted house. Nagsalita si Makoy.

"Taga Illustrados University po kami. Ita----"

"Anong kailangan nyo sa apo namin? Kay Leonor Rivera?" Kung di lang kami takot baka tumawa na kami eh, Imagine hanggang dito ba naman yang pangalan niya binubuo pa rin.

Return Of The Wife ( COMPLETED )Where stories live. Discover now