Chapter 39- Marry me

20.5K 263 4
                                    


Leonor's Pov

Napakamot sa ulo si Royce dahil sa ginawa ko.

"Di pa ako tapos babe e. Ginawa mo ng climax pero di pa naman ito dapat ang climax."

Napamulagat ako. "Huh? Anong ibig mong sabihin?"

"Here." Inisnap niya ang kanyang kamay. Napatingin ako sa langit. Wow.. Ang gaganda ng mga fireworks. Napatingin ako sa kanya. Ininguso niya ang mga tao sa likod ko.

Paglingon ko. Nanlalaki ang mga mata ko. Dalawa ang dahilan.

Una dahil sa nakasulat.

Pangalawa.. Dahil sa mga humahawak ng placards.

"Lola...."

"Nakoo! Mamaya mo na kami intindihin! Sasagot ka o sasagot ka!"

Napatawa ako. Wala pa rin silang pagbabago. Sila pa rin ang pitong matatandang lola ko na minsan--- ay hindi--sila ay may malaking part sa buhay ko.

Napaharap ako kay Royce na nakangiti ngayon. Napanguso ako. Ba't sya ngumingiti ng ganyan kapogi.

"Sumagot kana babe." Nakangiti niyang sabi. Ako? Pinipigilan ko ang kilig ko.

Tinignan ko ulit yung mga banners. May nakalagay na 'Will you marry me again, wife."

May wife na. May wife na nga. May marry marry pa? Tsk. Tsk. Hehe.

"When we first met, I had no idea that you enlighted my dark life. Ikaw ang liwanag ng buhay ko. Ng buhay namin ng mga anak mo. When we are together, that's the best time of my life. You're my favorite person. My favorite among the rest. Even if it is impossible to give you the world, gagawin ko pa din. Ganun kita kamahal. I know. I know. Di ako si Superman, but I'll always do everything to protect you. Kaya gusto ko sana pakasalan kita ulit. Pakasalan mo ako ulit. Lets erase the bad things. Lets forget the things that hurt us. Please, marry me again. Pleasee.." Lumuhod ito na ikinasinghap ko. Nakaluhod ito habang nakabukas ang red velvet box. Isang diamond ring.

Nakalagay ang kamay ko sa mga bibig ko. Samantalang yung iba, nagyayakapan na. They find us cute.

"Babe." Luhod ko din para mapantayan siya. Syempre, I need to have a line, too. "You know what? I can't help but to fall deeper on you. I love you each passing day. You light my life, too. You're the only guy for me. You're the only one. My only one. You are my warmth when I'm in cold." Napaiyak ako. Habang unti unting bumabalik ang mga pangyayari kung saan ipinaparamdam niya na ako lang. Ako lang ang mahal niya. "It amazes me that you still accept me despite the things I'd done to you. You've seen me at my best and worst.. Pero you still love me. Kaya ang masasabi ko lang you're worth my sacrifice. You're worth my love. There's no one that I want to be with.. Sayo lang. So, YES!"

"YES!" Sabi nito na nagpupunas ng luha.

Napatili ako ng bigla niya akong binuhat. "Ano ba! Nakakahiya!" Nakakahiya? Pero tumatawa ako. Hahaha.

"Hayy. Ang drama niyo, baby!"

"Nanay!"

Lumapit sila sa amin. Ang mga anak namin at nakipag yakapan.

"I told you, Nay. You're a princess. And Dad is your prince" masayang sabi ni Savannah.

"Oo nga" at nagtawanan kaming dalawa.

Nasa malaking lamesa kami. Ako, si Royce, mga anak namin, ang pito kong lola, si daddy, si Herald, si Mama (ina ni Royce) , si Daddy (ama ni Royce).

Return Of The Wife ( COMPLETED )Where stories live. Discover now