Chapter 29- Pinaglaruan

15.5K 227 8
                                    

29. Pinaglaruan

Paano ba mang akit? Kailangan ko ba maging seductive? Or maging simple lang? Hehe. Diko talaga alam e. Lalo na pa't nandito ulit si Higad.

Kasalukuyan akong naghahanap ng maisusuot. Nung mapadako ang tingin ko sa isang white na short, sinuot ko agad. Nagsuot din ako ng over- size na T- Shirt. May papili pili pa ako, pambahay looks lang din ang bagsak ako.

Lumabas ako ng kwarto at kumuha ng walis tingting.. nasa garden sila...kasama si higad.

"Where's your maid's uniform, ba't ganyan ang suot mo?" naka kunot ang noo niya habang tinatanong ako. Nginitian ko lang siya.

"E kase Royce.." Napalabi muna ako, para convincing "yung uniform ko kasi di ko sinasadyang nahulog sa CR nung naliligo ako e.. hayun basa"

"Tss" tumalikod na din ito at nagbasa ulit ng newspaper.

Lumapit ako kay Savannah. "Ano Nana, sinabi mo ba dyan?" sabay nguso ko kay Neiji, na kasalukuyan namang papalapit sa amin.

"Oo! At galit siya. Tss. Baliw ka yata e" iiling iling na sabi nito sa akin.

"Di ako baliw. Nagmamahal lang. Hehe" Tinignan niya lang ako ng masama.

"ayoko ng ibang babae bukod kay Tita Neiji, and besides Tatay will not notice you.. Maganda ka nga.. pero mas maganda si Tita Neiji!" Ako naman ang napabusangot sa kanya..

"Yan! Yan!" sabay turo ko kay Neiji.. "Maganda? Tsk! Titigan mo nga kaming ulit dalawa kung sinong mas maganda? E ang mukha niya ay paa ko lang" mayabang kong sagot dito at napangisi siya.

"Atleast siya, malapit kay tatay, e ikaw?"

"Ako?! Huh?! Tignan mo ang reaksyon ng tatay mo niyan.. Tignan mong mabuti ahh" tumayo ako at lumapit kay boy. Tss. Sorry, Boy. Huhuhu T.T Para 'to sa kayabangan ko. Huhu.

Tinignan ko muna si Savannah at kumindat sa kanya bago ko kinausap si Boy "Hai, boy. Ang galing mo naman pala mag alaga ng mga halaman. Matagal kana ba dito?" tanong ko dito habang naiilang naman itong nakatingin sa akin.

"Ma—mag—iisang—taon na" nauutal pa nitong sabi.

"Ahh. Taga saan ka pala?"

"Ta—taga Tarlac  po. Ang baho ko Leonor, di ka ba—bagay.. di—dito sa ma—laa..pi—tt sa ak—in" sagot pa nito. Hinampas ko naman ito sa balikat at pekeng humalakhak ng malakas.

"Ano kaba! Di naman ako maarte e"

"E ang gand—"

"LLEONORRRR!"

(^_________^)

Yown! Lumingon ako kay Royce na ngayon ay magkasalubong ang kilay na lumalapit sa akin. Nakangiti lang ako. Ngiting tagumpay.

"Yes?" Masaya kong bati sa kanya.

"Pumasok ka na nga sa loob!"

"Ahh? Bakit?? May pinag uusapan pa kami ni Boy e"

"Shit! Ikaw Boy! Umalis ka dito sa harapan ko. Ngayon na!"Aww. Sorry talaga Boy.. "At ikaw?"

"Ako?"

"Oo! Ikaw! Tara doon ka!" sabay hila sa braso ko. Napangiti tuloy ako. Tapos sinulyapan ko si Savannah at nakabusangot ito, samantalang si Neiji ay masama ang tingin sa akin. Mamatay ka sa inggit, buraot!

Return Of The Wife ( COMPLETED )Where stories live. Discover now