Chapter 31- Bar

17.5K 299 6
                                    

31. BAR

Leonor's  POV

Madilim na sa labas ng magising ako. Pero wala pa akong ganang bumangon mula sa aking kama. Nandito lang ako at pinapakiramdaman ko ang kamiserablehan ng buhay ko. Maghapon kasi akong umiyak. Di matanggap ng puso ko na hayaan na lang si Neiji. Tss. Pakiramdam ko nga ubos na ang tubig ko sa  katawan dahil sa buong araw ko na pagluha.

Hindi nga rin ako kumain mula agahan, dinaig ko pa ang broken- hearted na teenager. Piling ko nga din ang pangit ko na. Maganda ako! Ano ba!— Kontra agad ng isip ko. Hoho. Pero seryoso, di ako nakakaramdam ng gutom. Manhid na nga yata ako. Pinamanhid iyon ng sobrang sakit.

"Are you sick?" nag aalalang tanong sa akin ni Herald.

"Ba't nakapasok ka dito?"

"Tsk. Duplicate. Ano pa nga ba? Ba't di ka tumayo dyan, di ka daw kumain. Ni di ka lumabas ng kwarto mo. Yung asawa mo pa rin ba ang problema mo, huh, Hershey!"

"Ano pa nga ba? Akala mo ba kasi ganoon na lang kadali tanggapin ang lahat? Tsk! Nandito ka nanaman, pinapasakit mo ang bangs ko!"

"Heh! Wala kang bangs!"

"Wala ba? Basta! Mag love life ka na nga lang! Tss."

"Aba! Kung magiging ganyan ako ka miserable, kagaya mo, de bale na lang maging gwapong matandang binata." Taas noong sambit nito.

"Tss! Walang gwapong matanda! Kulubot kulubot! Duhh!" sabi ko.

"Isusumbong kita kay Daddy. You said he's ugly? Hala!"

"Uyy! Herald! Wag ka nga.. wala kaya akong sinabing ganoon."

"Meron." At tumalikod na ito.

Inismiran ko ito. Kahit kalian talaga may pagka isip- bata. Pero kahit ganyan yan, thankful ako dyan. Alam niyang paglaruan ang mood swing ko.

Kinuha ko ang cellphone  ko, naiiyak nanaman ako. Akala ko, okay na ako,mukhang di pa yata dahil heto nanaman ang luha ko, naguunahan nanaman. Gusto kong makita siya. O kaya marinig man lang ang boses niya.

Habang nilalayo siya sa akin, naroon ang kagustuhan ng puso ko na hilahin siya pabalik sa akin. Pero kahit boses lang—- kahit boses lang..

"HERALDDDD!!"

"Oh?! bakit?! Anong nangyari?! Saan ang masakit?!"

"Tsss. Nasobrahan ka nanaman sa katol. Ang paranoid mo, alam mo ba yun?" nakaingos ko na sambit sa kanya.

"Tss" dinutdot nito ang noo ko. " Baka kasi nakakalimutan mo baby sister, na doctor ako at pasyente kita." Dinutdot nito ulit ang noo ko. " At baka gusto mo kasi hinaan ang boses mo pag tinatawag ako? Hindi yung parang hinahabol ka ni Lucipher. Tss." At dinutdot ulit ang noo ko. Tinabig ko lang ang kamay niya. Inirapan lang ako. Baklang bakla ang kapatid ko sa pag irap! Panalo. Dinaig pa ako. Kung di ko lang alam na may gusto itong pormahan at torpe lang talaga baka naghinala na ako. Hahaha. Ang wagi lang kasi ng mata niya. "Ano bang kailangan mo?"

"Pahiram ng cellphone?"

"Nasan ang cellphone mo? Wag mo sabihing wala kang cellphone, dahil insulto yun kay daddy." At natawa kaming pareho.

"Walang load e." at nagtawanan kami ulit.

"Nakakadalawang kasalanan ka na kay daddy, Hershey HAHAHA. Damihan mo pa ng unti- unti niyang ipasara ang mga boutique mo." At doon ako napahinto at napasimangot. Ganoon kasi ang ginawa nito sa boutique ko sa Belgium, ang dahilan lang ay katetelebabad ko  sa mga staff ko doon, e ayaw daw nito na inuuna ang trabaho kaysa sa pagkain. Ayun, kinabukasan, napilitan akong ipasara yun, tss. Kinutsaba pa talaga ng daddy ko ang government officials para mapilitan akong ibenta ang lupa na iyon for public purpose daw.

Return Of The Wife ( COMPLETED )Where stories live. Discover now