26. Text messages
Niccolo's POV
Nakasakay kami sa school bus, bale ang pwesto namin, si Neiji ang nasa bandang bintana samantalang nasa gitna naman si Savannah at ako ang nasa aisle side.
Patuloy nag kwentuhan ang dalawa, samantalang ako, naiinis ako. Bwisit! Tinignan ko ulit ang cellphone ko at nagtext nanaman siya.
Baby Frey: Hinahawakan mo ba ang kamay niya? Kanino ang mas malambot? Yung akin ba o yung kanya?
Wtf! Kanina lang ang tanong niya kung magkatabi ba kami. Ngayon kung hinahawakan ko ba ang kamay niya. Ang clingy! Bwisit!
Ako: I'm not holding her hand. Can you stop? You irritate me.
Baby Frey: What are you doing, Babe? San na kayo?
Babe?! Darn! Psh!
Ako: Nakakainis kana! Pwede bang wag kana magtext? Matutulog nako.
Baby Frey: Di pwede yun e. Mahal kita! Mwah. Lol.
Nakakinis siya! Nakakainis! Ganyan niya lang kadali magsabi ng mahal niya ako, na parang walang nangyari sa amin. Bwisit! Pinaglalaruan niya talaga ako.
Ako: Tsk.
BabyFrey: Kinilig ka, babe? Ako din kahit masungit ka.
Ang kuliiitttt!
Ako: Ba't ba ang kulit kulit mo?
BabyFrey: Ewan ko nga ba't maganda ako. Napansin mo din yun? Tapos blooming pa ako neh? Nandyan ka kase.
Tsk! Hambog na babae. Walang kwenta!
Ako: Wala kang kwenta! Ibalik mo nga sa anak ko ang cellphone niya.
BabyFrey: Sige. HAAHAHA. I love you, babe. Take care always!
Psh! Ampoota! Para akong bading na nakangiti sa totoo lang. Tsk! Nakakainis talaga ang babaeng 'yon. Nakakapanibago. Di naman kasi ganoon yun e. Hambog na siya at napaka confident sa sarili, at talagang napaka showy pa. Ang clingy din. Napansin kong nakatitig sa akin si Neiji, nagtataka ito. Pero hinayaan ko lang at di ko na pinansin. Ayaw ko din sana mamis interpret niya lahat ng ginagawa ko. Baka mag asume.
——*
Leonor's POV
Abo't langit ang tuwa ko habang katext ko si Royce. Kulit na kulit na siguro sa akin ang monggoloid na yun. Pero kasi yun lang din ang way ko para di sila masyado mag bonding ni Higad. Haha.
Stop texting me, pero kung magreply ang bilis. HAHA.
Nasa school na kami, nagpaalam lang si Frey na may bibilhin dyan sa canteen, di nako magtataka kung bakit familiar sa akin ang school na'to. Syempre, dito ako nagcollege. Hehe.
"Leonor Rivera?" di siguradong tanong sa akin ng isang lalakwe? A gay, I guess. Tinignan ko ito. Maitim, may malaking mata pero matangos naman ang ilong. Maitim nga pero malinis tinitignan. Matangkad ito na payat.
"Yes?" tanong ko. Nagliwanag ang mata niya, tho~ gusto ko din talaga siyang taasan ng kilay, ang lagay di ako Ferrer? Pero who is he anyway?
"Ikaw nga! Ang ganda mo na talaga! Ang nag iisang Suma Cumlaude ng school na 'to! Dati rati ka lang binubully ng mga schoolmates mo pero tignan mo na ang sarili mo ngayon para ka ng modelo!"
YOU ARE READING
Return Of The Wife ( COMPLETED )
Romance"You said you cared about me and you said in your vows we shall stay together till we die then why did you leave me." Sorry for the grammar. Minsan nagrerely ako sa Microsoft word. I'll edit it next time. Gayunpaman, enjoy reading po.