Leonor's POV
Natapos ang buong weekdays ko na wala akong ginawa, I mean-- meron naman, pero di makabuluhan. Iba talaga ang feeling kapag may pasok e, kahit papaano may iniisip ka, kahit papaano may iba't ibang mukha kang nakikita---- at kahit papaano nakikita ko si Royce.
The Hell with that Man! (>_<)
Bakit di na kaya nagpaparamdam 'yon? Yan na nga ba ang sinasabi ko e.. Mga lalaki talaga pare pareho..
Mga PAASA!
CAPSLOCK PARA INTENSE!
Diba sabi niya 'manliligaw ko siya', pero ang kumag, di man lang ako dinalaw dito sa bahay.
"Umintindi ka, Leonor! Nagmimidterm sila.. "
Oo nga pala! Midterm nila. Ang midterm exam kase umaabot ng isang linggo. Tapos, ang hirap hirap pa. HOTS talaga dapat ang meron ka. HOTS as in Higher Order Thinking Skills. If you have it, then 95% sure na makakapasa ka. Bakit hindi 100% ? Like HELLO -_- Genius kabang kagaya ko? Kung Oo, ode sige! 100 percent sure kana din.. Exempted e! Kung genius ka ah.. y^o^y
-_-
Pero badtrip pa rin talaga ako sa Ferrer na yun. May cellphone naman siya! Iphone pa yun.. Kahit pa naman sana ganoon siya ka busy, mag Hai or Hello man lang sana siya debe? T_T
**Tok. tok. tok**
"Hayan na po." Ano kaya ang kailangan nila sa akin? Kung makakatok lang ang lakas lakas pa. Urgent lang?! Mga lola ko talaga! Ang hilig umeksena!
Nagmadali akong bumaba sa aking kama, dahil pakiramdam ko urgent knock yun. Pero kung di ba naman LINTEK ang buhay ko o! Nahulog ako sa kama ko. My God!
Akala ko ba si inidoro ang bff ng puwit ko (Sorry readers, medyo Gross!) bakit pati tung kawayang sahig, nakikifeeling close? Aray lang ah! Shuteng na kumot yan, pumulupot sa paa ko.
"Ano ba Leonor Rivera! Pagbuksan mo nga kami ng pinto! Batang ire, di na mahiya sa aming matatanda." Huhuhuhu T_T Heto na nga po e! Tinignan ko ng masama yung kumot at sahig. Humanda kayo sa akin mamaya!
Ika-ika akong naglakad papunta sa pintuan. Nang buksan ko 'to. Tuloy tuloy silang pumasok sa loob ng kwarto ko. Mala Detective pa ang pose nila. May kung anu silang hinahanap na di ko naman mawari.
Meron yung titignan nila ang ilalim ng kama. Titignan ang cabinet. Pati mga kahon. Binuksan din nila ang bintana. Yung totoo? Ano ang drama nila?
"Sinu po ba hinahanap nyo, La?"
"Si Tangkad, apo. Yung manliligaw mong Ferrer! Baka tinatago mo na yun ditoo"
"Huh? Bakit sa kwarto ko niyo siya hinahanap?"
"Aba! Naniniguro lang kami. Gabi gabi nandito yun e. Anu ano pa mga pakulo sa buhay. Kagabi lang namin nalaman na panliligaw na pala 'yon. Sorry apo." Gabi gabi? Huh! Wala akong maintindihan.
"Nung minsan kase apo, nagdala siya ng maraming maraming kasama, yung iba may gitara, tambol, trumphet, flute at lire. Eh ang ingay! Kaya pinauwi namin."
"Pinauwi nyo? (⊙o⊙)? " Nanlalaki ang mata kong tanung sakanila. I can't imagine how ridiculous is that.
"Oo apo. Di naman kase piyesta sa lugar natin e. Pero apo, harana pala 'yon? Nako! Astig!" Hala! Sila pala 'yon. Anu ano nga ang pumapasok sa isip ko nung gabing may narinig akong mga tugtog. Akala ko talaga mga bandang nirenta para sa patay. Kaya lang 'bat gabi? Sisilipin ko pa nga sana, kaya lang tinamad na 'ko bumangon, saka occupied ang pag iisip ko nun dahil sa lintek na first kiss ko.
YOU ARE READING
Return Of The Wife ( COMPLETED )
Romance"You said you cared about me and you said in your vows we shall stay together till we die then why did you leave me." Sorry for the grammar. Minsan nagrerely ako sa Microsoft word. I'll edit it next time. Gayunpaman, enjoy reading po.