Kabanata 3

54 10 0
                                    

Palayan

Huminga muna ako ng malalim bago sagutin ang tanong ng lalaking nasa kabilang linya

"First of all, paano mo nalaman ang pangalan ko sa facebook?" sinandal ko ang ulo ko sa headboard habang nakataas ang kilay

"Dumaan sa newsfeed ko" sabi niya sa kabilang linya, hindi ako naniniwala na dumaan lang

"Hindi ako naniniwala" nilipat ko ang cellphone ko sa kabilang tenga ko

"Edi 'wag kang maniwala ano ka gold para pilitin pa kita?" napairap ako sa kawalan dahil sa sagot niya, patulog na nga iniinis pa ako

"And by the way pasensya na kanina, iniwan kita" sinsero niyang sabi habang ako ay iniisip kung ano ang isasagot ko pabalik

Namutawi ang katahimikan saaming dalawa, narinig ko ang pag ubo niya ng mahina dahilan para mapabalik ako sa reyalidad

"Hmm okay, late na din, u need to rest dagat" pagbasag niya sa katahimikan

"What dagat? Sino yan?" tanong ko sakaniya dahil hindi ko alam kung saan niya nakuha 'yun

"Chelsea, sea dagat" napairap ako naisip niyang nickname saakin

"Ang corny mo, matulog ka na" sigaw ko at binaba agad ang linya

I smiled...

Kinikilig ako kapag may taong ginagawan ako ng nickname dahil pakiramdam ko espesyal ako sakanila

Teka, espesyal ba ako kay Gio?

***

Nasilaw ako sinag ng araw na tumatama sa mukha ko na nanggagaling sa bintana, inunat ko ang katawan ko

Umaga na, panibagong araw na haharapin, ngunit mabigat ang loob ko dahil hindi pa kami nag uusap ni papa, masama pa din kaya ang loob niya saakin?

Pinilit ko ang sarili ko na bumangon kahit gustong gusto pa ng katawan ko na humiga sa malambot kong kama

Bumaba na ako at nakita ko si mama at papa na sabay kumakain

Napahinto ako sa paghakbang sa hagdan at nananatiling nakatingin ako sakanila

Lumingon saakin si mama at ngumiti

"Chel, halika na sabay ka na saamin" lumapit ako ng dahan dahan sa hapag kainan, at umupo sa gitna nila

Kinuha ko ang plato sa harap ko, sinimulan kong kumuha ng sinangag, ngunit hindi ko maabot ito, tatayo na sana ako ng

"Ako na anak" kinuha niya ang sandok sa kamay ko at nilagyan niya ang plato ko, napangiti ako sa ginawa ni papa

Sinimulan ko ang pagkain, naubos ko ang kanin na nasa plato ko, napatingin ako kay papa na humihigop ng kape

Nagtama ang paningin namin

Tinaas niya ang dalawa niyang kilay

"Pa, im sorry sa ginawa ko kagabi, sana nagpaalam ako kay mama noong umalis ako, naiintindihan ko naman po ang galit niyo pero pa, sorry ayokong may tampuhan tayong dalawa, miss na kita pa" namugto ang mata ko at agad na niyakap siya

"Apology accepted" tumawa siya ng malakas "Matitiis ba kita?" tumawa siya ng mahina dahilan para matawa din ako

Bumitaw ako sa pagkakayakap sakaniya at pinunasan ang mga luha na dumadaloy sa mga mata ko

Shadows Of Doubt (Shadows Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon