Sampung Piso
Narito ako ngayon sa hapag nakaupo at maingat na kumakain, tanging mga ingay ng kubyertos ang naririnig ko, hindi pa din mawala sa utak ko ang usapan nila.
Ano'ng kasalanan?
Randam ko ang pagkailang sa kilos nilang dalawa, hindi makatingin ng diretso sa akin ang itay, dahilan para mas magtaka pa ako lalo
"Teka nga lang Ma, Pa" binasag ko ang katahimikan na nagpahinto naman sa kanilang dalawa.
"Ano'ng kasalanan? May dapat ba akong malaman Ma, Pa?" tinignan ko sila ng salitan, mas naging mabigat ang pagtingin nila sa akin na tila ba pinupunta ako sa kalawakan.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo anak" tumikhim si mama at nagpunas ng labi gamit ang tissue.
"Kumain ka na, wag kang bastos, nasa hapag tayo" nagulat ako sa tinuran niya na tila iba ang kaharap ko ngayon, hindi ganiyan magsalita si papa.
Natapos ang aming pagkain ng mabigat ang loob ko sakanila, para bang pinagkaitan nila ako ng impormasyon sa pamilya namin, gusto kong malaman kung ano ang tinutukoy nila, pero umiiwas sila.
Tila nagbago ang pakikitungo nila sa akin, hindi naman nila ako pinapabayaan pero mas naging malamig ang interaksyon sa akin ng magulang ko, na isang bagay na ikinalungkot ko, gabi-gabi umiiyak ako sa tuwing naiisip kung bakit nagbago ang lahat. Tama nga ba ang sinabi sa 'kin ng kaibigan ko na "Lahat nagbabago"
Umiyak ako ng umiyak hanggang sa nakatulog ako.
Nagising ako dahil sa ingay ng mga tandang sa labas, tinignan ko ang orasan sa gilid ng kama ko. Alas singko pa lang, maaga pa pero kailangan ko ng mag handa para sa first class ko which is 6:30 am.
Nakatayo ako sa malaking salamin na nasa harap ko, namamaga ang mata ko dahil sa pag-iyak kagabi. Inasikaso ko na ang sarili ko, naligo at nag sepilyo.
Huni ng ibon at tilaok ng mga manok ang sumalubong sa'kin at hindi ingay ng prinitong itlog at ingay ng sumisipol na takure, dahil wala na si Mama at Papa, pumunta na sila ng bukid.
Gutom akong naglakad papuntang terminal ng mga jeep, pagsakay ko ng jeep ay tinignan ko ang laman ng wallet ko, napabuntong hininga ako dahil sampung piso na lamang ang laman ng wallet ko.
Umandar ang jeep na sinasakyan ko at nagsibayadan na ang mga taong nakasakay, hindi ko alam ang gagawin ko dahil kulang ang pera ko para pambayad sa sinasakyan ko ngayon.
Hindi ko namalayang nakatulog na ako sa jeep.
"Hoy miss! Bayad mo?!" sigaw ng driver sa 'kin habang nakatingin sa akin sa salamin.
Nakita ko ang destinasyon at malapit na kami sa patutunguhan ko.
"Ano?! Wala ka bang pambayad?!" napayuko na lamang ako dahil lahat ng tao sa jeep ay masamang nakatingin sa akin.
"Modus mo ba yan, tulog tulugan para hindi makabayad!" sumigaw ang katabi kong matanda at nakita ko ang mga camera na nakatutok sa 'kin.
"Modus niya yan, estudyante pero mandurugas!" sigaw naman ng lalaking nakahawak ng bayong.
Nagkagulo na sa jeep, tanging hikbi at sakit ang nararamdaman ko ngayon, dahil napakadaling manghusga ng mga tao.
"Itulak niyo yan palabas! Malas sa trabaho!" bumilis ng takbo ang sasakyan.
Pababa na ako ng jeep ng sipain ako palabas ng lalaki na may hawak ng bayong.
Naramdaman ko ang tuhod at siko ko na tumama sa kalsada, narinig ko ang mga tawanang malalakas sa jeep.
Pinulot ko ang mga baryang natapon sa kalsada habang nanginginig ang mga kamay ko, kumawala ang mga buhok sa ipit ko.
"P-pang kain ko pa 'to" sabi ko habang natatarantang pinupulot ang mga barya habang ang mga luha ko ay umaagos sa mga pisngi ko.
Tumayo ako sa pagkakadapa ko at tinignan ang orasan.
7:10 Am
Lakad takbo ako sa pasilyo ng building namin, nagmamadali akong pumasok sa pintuan at bumungad sa 'kin ang galit na mata ng professor namin.
"You are late, and you look like a mess!" sigaw niya habang tinitignan ako pababa pataas.
Tinignan ko ang tuhod ko na tumutulo ang dugo at ang siko ko na may dugo dahil sa gasgas.
Umupo ako sa likod, mabigat ang nararamdaman ko habang nakikinig sa lesson, bawat luha ko ay umaatras dahil ayokong ipakita sa silid aralan namin na mahina ako, lalo nilang akong maliliitin at lalo nila akong tatapak tapakan.
Natapos ang pagtuturo ng aming professor at break time na, pinayagan kaming kumain dahil hapon ulit ang next subject namin.
Nagsilabasan ang mga baon nila, merong fried chicken, fries, sushi at mang inasal. Hindi ko maiwasang mapalunok sa mga nakikita ko. Mas lalong tumunog ang tiyan ko takdang nagugutom na, tinignan ko ang sampung piso na hawak ko at tinago na lamang ito dahil, wala akong mabibiling pagkain sa halagang ito.
Bawat kagat at tunog ng pagkain nila ay mas lalong nangingibabaw ang gutom ko.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at nakayukong naglakad papuntang washoom.
Okay na siguro 'to, pumunta ako ng washroompara hindi mainggit sa kinakain ng mga kaklase ko.
Hindi ko maiwasang maiyak, dahil hindi ako makapaniwala na mararanasan ko ang ganitong sitwasyon.
Tumingin ako sa salamin habang pinapalis ang luha sa mga mata ko, sobrang bigat ng nararamdaman ko, gusto kong ibuhos ang lahat ng lungkot na nararamdaman ko pero hindi ko magawa, hindi ko kaya.
"Ako na lang mag-isa, wala na akong kasama" sa laban na 'to ako na lang, wala na akong kasama.
"Kasama mo ako" malalim na sabi ng lalaki na nasa likod ko ngayon.
"Gio?" bumaling ako sa likod ko at sumalubong sa 'kin ang napakagandang ngiti ng lalaki, sa bawat ngiti niya ay tila nagkakaroon ako ng pag-asa.
Niyapos ko siya ng yakap ko, kailangan ko pang tumingkayad upang abutin ang leeg niya, maagap niyang tinanggap ang yakap ko.
Sa yakap niya ay tila naramdaman ko ang pahinga na gusto ko.
"Kasama mo ako sa bawat laban mo, Chelsea" bulong niya sa tenga ko habang nakayap pa rin ako sakaniya.
Sa salitang sinabi niya ay nagkaroon ako ng lakas ng loob upang harapin ang bukas, dahil alam kong may taong kasama ko sa bawat pagsubok na haharapin ko.
Now, this person is my home.
BINABASA MO ANG
Shadows Of Doubt (Shadows Series #1)
RomansaSa taniman ng mga mirasol na mababango, sa karagatan ng mga luntiang mga damo, mahahanap ko ba ang tunay na pagmamahal na nanggagaling sayo o dudungisan mo lang ito ng pulang dugo? Chelsea Hillary Ferrer, she have a lot of insecurities and she th...