Kabanata 19

18 1 0
                                    

Kislap

Oh ayusin niyo ang lakad niyo! Chelsea ayusin ang tindig!" sigaw ni Chad na nagtuturo sa 'min ng pasarela at sayaw para sa opening number namin sa aming pageant.

Inayos ko ang pagkakatayo ko dahil nasanay na akong maglakad na nakabaluktot ang likod, tinignan ko ang sarili ko sa salamin na nakapalibot sa dance hall. Ang pangit pala tingnan kapag hindi maayos ang paglalakad mo, kailangan maayos ang postura.

"Okay water break muna! Ten minutes break" sigaw ni Chad

Agad akong napaupo sa sahig na kinatatayuan ko.Dagli ko na tinanggal ang heels ko na pagka taas taas, nangangawit at masakit na ang paa ko dahil dalawang oras na kaming nag eensayo.

"Gosh nakakapagod, ang sarap na lang humiga ngayon!" sigaw ng isang kandidata na papunta sa harapan ko at malakas niyang sinipa ang heels ko.

"Oops sorry, sadya" bulong niyang sabi habang umikot ang mata na nakatingin sa 'kin.

Pinipigilan ko na lang ang sarili ko dahil ayoko na lamang ng gulo. Tumayo ako at tahimik na kinuha ang heels na sinipa ng babae na ngayon ay masamang nakakatitig sa 'kin.

"Excuse me, where's Chelsea?" narinig ko ang pamilyar na boses sa pintuan and i saw Gio.

Ang bango niya tingnan sa uniform niya.

"Gio? Why are you here?" dahan-dahan akong pumunta sa pintuan para kausapin siya.

"It's your break right, dinalhan kita ng foods, i saw your notes in messenger na you want carbonara, here open it" pati yun napansin niya, napangiti na lamang ako ng binuksan ko ang laman nito, napakaraming sauce at mushroom, nakakagutom.

"Ang sarap naman!" sigaw ko sakaniya

"Sino, yung dala or yung nagdala?" ngumisi siya sa 'kin habang maiging nakatingin sa 'kin.

Hinampas ko siya sa braso at hinawakan niya ang hinampas ko na para bang masakit.

"Bwisit ka, ang arte mo!" kinuha ko ang pagkain na dala niya.

"Chad! Can i enter?" sigaw ni Gio kay chad na busy sa pagkain.

"Sure, enter me Gio, chos, sige lang alam ko namang nililigaw-

"Pasok na ako ah, kumain ka na Chelsea" natawa na lamang ako dahil naiwang naka awang ang bunganga ni Chad.

Kinain ko ng mabilis ang carbonara at ininom ang milktea niyang dala.

"Manonood ako, we don't have class because miss Aranjo have emergency, kaya dito muna ako" inayos ko ang mga pinagkainan ko at tumitig sa kaniya.

"Wag na, pagtatawanan mo lang ako" sigurado akong tatawanan ako ng lalaking 'to, aasarin at iinisin pero kailangan mabait ako sakaniya ngayon dinalhan niya ako ng pagkain e.

"I want to watch you, wag mo akong pigilan" sinimangutan ko siya, wala talaga akong takas sa lalaking ito.

"Okay! Magsisimula na tayo, isuot niyo na yang mga heels niyo" kinuha ko ang heels na nasa sahig at umupo sa upuan sa tabi ni Gio.

Nahihirapan ako na ikabit yung isa dahil madulas ang kamay ko.

"Ang hirap" bulong ko sa sarili ko.

"Ako na" humarap si Gio sa 'kin habang nakaluhod ang isang tuhod.

Tumingin ako sa kaniya habang abala sa paglalagay ng lock sa heels ko, bawat haplos niya sa paa ko, nararamdaman ko ang dagitab na nanggagaling sa mga kamay niya paakyat sa mukha ko.

"Okay, already done" naalala ko noong una ko siyang nakilala sa taniman ng mga mirasol, ganito din ang ginawa niya pero magkaibigang paraan.

He's very consistent.

Shadows Of Doubt (Shadows Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon