Kabanata 7

18 3 0
                                    


Masarap

Bumitaw ako agad sa tingin niya ng makaramdam ako ng pagkailang sa mga titig niya, nakita ko kung paano siya umiwas habang nakangiti, pinunasan ko ang mga maliliit na butil na pawis sa leeg ko dahil nakakaramdam ako ng kaba kapag masiyado siyang malapit saakin

Napakapit ako sa itak na nasa tagiliran ko at mahigpit na kumapit

"Tara na, we need to move faster this time, isang ektarya na lang yun" he said while fixing his long sleeve brown polo na manipis na kita na kung gaano ito kaluma

Nagsimula akong maglakad habang siya ay nakasunod sa likod ko

"So, matagal na bang trabahador si papa mo kay papa?" binasag ko ang katahimikan

Naramdaman ko ang paghinga niya ng malalim

"Yes it's almost 2 years, noong wala pa kayo dito sa Nueva Ecija, si papa ang nagbabantay sa lupa niyo" tumango ako sa sinabi niya

Ang papa niya kasi ang nagbabantay noon sa lupa namin noong mga panahong walang nag aasikaso, naririnig ko araw-araw sa telepono na kausap ni papa ang papa ni Gio

"I see, thank you sa pagbabantay" malaki ang pasasalamat namin sa pamilya ni Gio, noong mga panahong walang nagbabantay sa lupa namin nandiyan sila

Nakarating kami sa lupa na pagtataniman namin, malawak pero konti na lang ang dapat taniman, pinunta ko ang tingin ko kay Gio na ngayon ay naghuhubad ng damit

"Hoy ba't ka naghuhubad, magtatanim tayo hindi mag s'swimming" tumawa siya ng mahina na kinainis ko

"Hindi ako maghuhubad, may sando ako sa loob" agad niyang tinanggal ang long sleeve polo niya at tumambad saakin ang basang braso ni Gio

Napaiwas ako ng tingin sa gawi niya, sinimulan kong lumusong sa putik upang magsimula na sa pagtatanim

Mabilis na natapos ang ginagawa namin, hindi ako nagpahinga para matapos agad habang si Gio namin ay hawak-hawak ang lubid ng kalabaw upang ipastol niya ito sa lupa na madaming damo

Umupo ako sa tumpok na lupa upang magpahinga, nakita ko ang magulang ko na patuloy pa din sa pag ta trabaho kahit na tapos na ang mga gawain sa bukid

Nakita ko si Gio na papunta sa gawi ko na sumisipol, mukhang masaya yata ang lalaking ito

"How are you? You good?" umupo din siya sa tabi ko at tumitig sa tinitigan ko na malaking puno

"Yes, i'm good" sabi ko ng hindi tumitingin sakaniya

"Magaling ka na sa pagtatanim" napangiti ako sa sinabi niya habang tumatango

"Kailangan e, soon ako na mag ma manage nito, ayokong pagtrabahuin ang mga magulang ko kapag tumuntong na sila sa edad na mahina na ang mga tuhod nila" kapag dumating sila sa punto na yun, gusto ko ako na ang nag p'provide para sakanila, ayokong maging pabigat pagdating sa kanila, gusto ko tumulong sakanila kasi noong mga panahon na kailangan ko ng pera at pagmamahal, binigay nila saakin lahat yun hanggang sa maubos sila

Kaya i need to finish my school to be a successful Flight Attendant, gusto ko makita nila ang mundo kung gaano kaganda, gusto kong malaman nila na hindi lamang ang bundok at mga puno ang maganda sa mundo

"And you are doing good, Chelsea" ngumiti ako sa mga tinuran niya

"Ikaw? What is your plan kapag nakapagtapos ka ng pag-aaral?" tinignan ko siya habang siya ay nakangiti sa kawalan

"After this, I will find my mother" nagulat ako sa sinabi niya, ba't ko pa kasi natanong yun, masiyadong personal ang atake ng tanong ko

"You don't need to answer my question, change topic na lang" nagisip ako ng matatanong sakaniya habang pinaglalaruan ang butones sa suot ko

Shadows Of Doubt (Shadows Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon