024.Gyera
Nandito ako ngayon sa loob ng kotse ni Gio habang nakahalukipkip na nakatingin sa kaniya, habang siya naman ay prenteng nagmamaneho.
"Gusto mo lang ba ako dahil nakikita mo si Chandria sa 'kin?" Tumingin ako nang diretso sa mga mata niya na kanina pa kumikislap.
"Chandria and me are friends, Chel-wait, are you jealo-"
"Answer me, Gio. Gusto mo lang ba ako dahil nakikita mo siya sa 'kin?"
Biglang lumambot ang kaniyang mga mata, bagay na siyang nagpalambot din sa puso ko. Ayoko man na kwestyunin ang kaniyang nararamdaman para sa akin, kailangan ko itong alamin dahil alam kong hindi ako makakatulog sa pag-iisip kapag kinimkim ko lang ito.
"Gusto kita, Chelsea. Hindi sa paraang siya, kundi sa paraang ikaw. Ikaw ang ginusto ko at hindi siya."
Bigla na lang nagwala ang mga kulisap sa tiyan ko. Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang pitik sa puso ko sa mga oras na ito.
Isang nakakabinging katahimikan ang namutawi sa loob ng sasakyan kaya binuksan ko ang radyo sa harap ni Gio para makinig sa mga nangyayari sa mundo. Nitong mga nakaraang araw kasi ay wala na akong oras mag-scroll sa cellphone ko o manood man lang ng telebisyon.
Habang umaandar kami, hindi ko maiwasang mapako ang atensyon sa balitang naririnig ko ngayon. Mga nakagigimbal na pangyayari sa loob at labas man ng Pilipinas-mga patayan at mga masasamang tao na basta-basta na lang kumikitil ng buhay ng iba.
"Breaking news: Israeli strikes 'systematically' violating laws of war," saad ng tagapagbalita. Napatingin ako sa radyo at nilakasan pa ito. "Palestinian girl cries, 'Goodbye, mom...'"
Kasunod niyon ay narinig ko ang malakas na iyak ng isang batang babae na nagmamakaawa na ibalik ang kaniyang ina. Agad nanlabo ang aking mga mata dahil sa nagbabadyang luha. Tanging iyak ng isang batang walang kamuwang-muwang ang umaalingawngaw sa speaker.
"More than 13,800 Palestinian children were killed in Gaza..."
Halos mapatakip ako sa aking bibig sa narinig ko. Napatingin sa akin si Gio, at nang tignan ko siya ay tuluyan nang pumatak ang luhang kanina pa nagbabadya. Ang daming batang nadamay dahil sa gulo ng dalawang bansa. Mga batang dapat ay naglalaro sa ilalim ng init ng araw at hindi sa ilalim ng ulan ng mga baril at bomba. Mga batang saya lang dapat ang nararamdaman, hindi takot at pangamba dahil sa mga pasabog at paputok. Ang dapat na nararamdaman nila ay ang pagmamahal ng isang magulang, hindi ang hagupit ng bala.
Palayain ang mga Palestinian. From the river to the sea, Palestine will be free.
Naramdaman ko ang mainit na kamay ni Gio na humawak sa mukha ko, at dahan-dahang pinawi ng hinlalaki niya ang aking mga luha.
"Ipagdarasal ko lahat ng batang naapektuhan ay lumaking maayos at may tamang tao na kumuha sa kanila, " bulong niya.
Agad ko siyang niyakap nang mahigpit at hinawakan ang kaniyang kamay habang nagmamaneho siya gamit ang isa. Bigla na lang akong naging emosyonal. Hormones? Mukhang malapit na rin kasi ang buwanang dalaw.
Sana naging lalaki na lang ako.
Pagkatapos ng emosyonal na biyaheng iyon, napadpad kami sa isang sikat na fast food chain kung saan pwedeng magkamay sa pagkain.
"Kuya, rice pa po!" Tinaas ko ang aking kamay dahil natatabunan ako ng mga naglalakihang taong sabay-sabay ding kumakain.
Lumapit naman agad sa akin ang taga-serve ng kanin. Halos mabulunan na ako sa pagkain dahil talagang gutom na gutom ako. Paano ba naman, sumasabit-sabit ba naman ako sa ere kanina sa talent, sinong hindi mapapagod at magugutom doon?
BINABASA MO ANG
Shadows Of Doubt (Shadow Series #1)
RomanceSa taniman ng mga mirasol na mababango, sa karagatan ng mga luntiang mga damo, mahahanap ko ba ang tunay na pagmamahal na nanggagaling sayo o dudungisan mo lang ito ng pulang dugo? Chelsea Hillary Ferrer, she have a lot of insecurities and she th...
