Kabanata 12

13 1 0
                                    

Quiet

Tanging mga luha at hikbi ang namumutawi sa paligid ng Comfort Room, nasa tapat ako ngayon ng malaking salamin, habang tinititigan ko ang sarili ko.

Hindi kalakihang mata, labi na kulay rosas at ilong na hindi masiyadong katangusan at ang balat na kulay kayumanggi, dinampi ko ang palad ko sa aking mukha, kasabay naman nito ang pag-agos ng luha ko.

"Pangit ba ako?" bulong ko sa sarili ko habang pinapadaanan ng daliri ko ang pisngi ko.

"Hmm let's be honest here" napalundag ako sa boses na nasa likodan ko ngayon

"K-kanina ka pa diyan?" nakatitig ako ngayon sa salamin habang nakatingin sa babaeng nakasabay ko dati sa pag apply ng trabaho

Hindi pa din nagbabago ang itsura niya, maganda at makinis pa din siya

"You are beautiful, girl!" nagulat ako sa sobrang taas ng energy niya

"Pero kulang ka lang sa suklay" napangiwi na lamang ako sa tinuran niya sa 'kin

Hinaplos ko ang hindi kahabaan kong buhok ko habang nakatingin sa babaeng nasa likod ko

"By the way, my name is Psyche" inabot niya ang kamay niya sa 'kin, tanda na makikipag kamay siya

Nanatili sa ere ang kamay niya na nag aabang na abutin ko 'to

Nagdalawang isip ako na abutin ito dahil hindi maganda ang una naming interaksyon, masungit at ambisyosa kasi ang first impression ko sakaniya

"I'm Chelsea" nakipag kamay ako sakaniya ng dahan-dahan

"I know your name! Usap usapan ka sa Engineering building, ang ganda mo daw kasi" tinapik niya ako ng malakas sa braso ko at pilit na tumawa habang hinahaplos ang pinalo niya

"Oh sorry Chelsea, I need to go! See you when i see ya, bye" maarte siyang naglakad palabas bitbit ang Chanel niyang bag

Humarap ulit ako sa salamin at bumuntong hininga na lamang at agad na pinunasan ng panyo ang namantsahan kong damit

"Hindi na matatanggal 'to, male late na ako sa susunod na klase ko" tugon ko sa sarili ko, nagmamadali akong lumabas ng CR ng biglang nauntog ako sa matigas na katawan ng lalaki na nasa harap ko

Napaatras na lamang ako habang papalapit sa 'kin ang lalaki

"Wear this" inabot niya sa 'kin ang puting damit na may naka burdang apelyido niya

Tinitigan ko ang apelyido na nasa damit na ibibigay niya sa 'kin

"Blanco" pagbabasa ko sa isip ko

"Okay sorry, ito lang ang dala kong damit" nakatitig na ako ngayon sa lalaki na pawis ang noo at basang basa ang buhok, na tiyak ko na galing ito sakanilang practice sa basketball

"You don't have choice Chelsea, wear this now, kung ayaw mong pumasok ng klase na ganiyan ang itsura" nilapag niya ang damit sa balikat ko ng dahan-dahan

"I need to go, See you later" napatitig na lamang ako sa kawalan ng hindi alam ang gagawin, kung isusuot ko ba 'to o hindi

Kung hindi ko isusuot 'to, mahuhuli ako sa klase ko at mukha akong batang madungis na naglalakad sa corridor

Wala akong magawa at sinuot na lamang ito ng mabilisan, lumabas ako ng balisa at tinitignan ang bawat estudyanteng dumadaan sa likod ko na ngayon ay nagbubulungan

Lakad takbo ang ginawa ko upang makarating ako agad sa paroroonan ko

"You are late Miss" bungad ng professor namin ngayon na nakababa ang salamin sa mata habang nakatitig ng mariin sa mga mata ko

"At suot mo pa ang Uniform ni Mister Blanco" narinig ko ang pagkagulat ng mga kaklase ko at mga bulong bulongan

"No wonder, nasa loob pala ang kulo ng babaeng yan, baka nag quickie sila" and that's out of the line

"Can you please, shut your bad breath mouth!" i shouted

Nakakabinging katahimikan ang namutawi sa apat na sulok ng silid

Pumintig ang tenga ko at kusang nagsalita ang bibig ko sa narinig ko, hindi ako ganong babae

"Miss Ferrer, go to the office now!" umalingawngaw ang boses ng matanda naming professor

Hindi ako ang may kasalanan pero ako ang nandito, parang justice system lang sa Pilipinas, kung sino pa ang may kasalanan sila pa ang nakakawala sa kamay ng hustisya dahil may pera sila

"Your attitude is wrong and foul" saad ng guro na nasa harapan ko ngayon

"It's not my fault sir, hindi ako ganong babae" sumandig ako sa inuupuan ko at tumingin ng diretso sa mga mata ng professor ko

"And as i check your record, dalawang beses ka ng na late" napabuntong hininga na lamang ako

"I'm sorry" wala akong masabi dahil tama siya, dalawa ang late ko, isa na lang at suspended na ako ng tatlong araw

"Alam mo na mahigpit ang paaralan na 'to sa attendance, dahil marami ang kaso last year na absentism at lalo na ang pagpasok ng klase ng wala sa oras, you need to be responsible to your time" mahabang turan ng guro na ngayon ay seryosong nakatingin sa 'kin na may halong galit

Nagtataka ako bakit ganon na lamang kung makatingin siya sa 'kin

"Mauuna na po ako" i feel uncomfortable

Lumabas ako ng office at huminga ng malalim, dahil pinipigil ko ang huminga kanina dahil sa tensyonadong ganap sa loob kanina

Napailing na lamang ako habang bitbit ang bag kong kulay itim

Mabilis na tumakbo ang oras, pumasok pa ako sa isa kong klase dahilan para gabi na akong makakauwi

Habang palabas ako ng silid aralan dahil tapos na ang klase ay biglang tumunog ang cellphone ko

"Hello" panimula ko

"Chelsea, sorry i can't pick you up now, we have group project to make" bumuntong hininga na lamang ako at tumango sa sinabi niya

"Okay, mag ingat ka" nilagay ko sa loob ng bag ko ang cellphone ko at tuluyang lumabas ng campus

Bumaba ako sa hagdan na may habang 4 feet, habang naglalakad ako may biglang humugot sa mga kamay ko

"Shhh quiet" isang paos na tinig ang narinig ng dalawang tenga ko

Ngayon ay nakagapos ako sa mga bisig niya halos hindi ako makahinga dahil sa pagkakahigpit ng braso niya sa leeg ko habang ang palad niya ay nakatakip sa bibig ko at may nakatutok na kutsilyo sa pisngi ko

"Stay away!" pabulong at may galit niyang sabi

Tumulo na lamang ang isang butil ng luha ko sa aking pisngi, hindi ko alam ang mararamdaman ko sa oras na 'to

Natatakot, nagtataka at nangangamba

Isang mahabang salita ang sinabi ng lalaking nakaitim

Ang lalaking lagi kong nakikita tuwing gabi ay ngayon ay hawak hawak na ako

"I don't like you" pagkatapos ng lahat ng salita na binitawan niya, may panyo siyang tinakip sa ilong ko at naamoy ko ang mabangong amoy ngunit dagli dagling umikot ang paligid ko at lahat ng paligid ko ay unti onting nagint itim

At bumagsak ako malambot na damo

Shadows Of Doubt (Shadows Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon