Kabanata 21

7 2 0
                                    

Gusto

Maayos na ang pakiramdam ko dahil sa pag-aalaga ng mga taong espesyal sa buhay ko.

"You have a class Gio, nandito naman sila mama at papa para alalayan ako sa pag-uwi" nandito ngayon si Gio sa tabi ko para daw samahan ako sa pag uwi.

"No, gusto ko ihatid ka, please, let me, wala ako noong nagka ganito ka, kaya hayaan mo ako" napabuntong hininga na lamang ako dahil wala akong magagawa sa kakulitan nito.

"Good morning, pwede niyo na siyang i discharge, iha mag ingat lagi, always drink your medicine" ngumiti sa 'kin ang lalaking doktor na may edad na.

Tumango na lamang ako bilang pag sang-ayon.

"You heard that huh? Bawal magpagod" matalim na tumitig sa 'kin si Gio.

"Pinagod mo kasi ako" napatayo bigla si Gio upang takpan ang bibig ko.

"Shh watch your words, baka kung ano'ng isipin nila tita!" mahina pero galit niyang sabi.

Nakita ko ang pamumula ng tenga niya at mukha niya, kaya tawang tawa nanaman ako.

Inaayos na ni mama ang mga gamit ko dahil pwede na akong lumabas ng hospital dahil ayos na ang pakiramdam ko.

"Come here na, humawak ka sa braso ko" tumayo ako ng dahan-dahan at pinulupot ang kamay ko sa matigas niyang braso.

Nakasunod sa amin sila mama at papa habang hawak ang mga gamit ko na ginamit sa ospital.

"Be careful" bulong ng lalaki sa akin habang nakatingin sa nilalakadan ko.

"Tita, sumabay na po kayo sa akin, mukhang matagal pa po ang sasakyan niyo" nasa tapat na kami ng kotse ni Gio.

"Ay nako hijo, wag na, nakakahiya, pumunta ka na nga dito para alagaan ang anak ko" napahampas si mama sa hangin na tila nahihiya sa pag-alok ni Gio.

"Ayos lang po tita, tara na po" biglang dumating ang van na sa tingin ko ay pag mamay ari ng tito ko, kapatid ni Papa.

Peep! Peep!

Bumusina sa harap nila Mama ang van na sasakyan ni Tito Rap.

Dahan-dahang bumukas ang sa window shield sa driver seat.

"Oh halina kayo, sakay na!" malakas na sigaw ni Tito sa harap namin.

Agad nagsalubong ang mata namin ni Tito na agad naman akong umiwas dahil ramdam ko ang matalim niyang tingin? O ako lang nakakaramdam nito.

"Dito na po ako sasakay ma, kay Gio" napatingin sa 'kin si Gio na tila nagulat.

"Don't worry po tita, i will take care of her po" iwinagayway niya ang kamay niya para magpaalam kila mama at papa.

"Be careful sa pag pasok" hinawakan niya ang ulo ko para hindi ako mauntog sa pagkakaupo sa passenger seat.

Nakita ko ang paglipat ni Gio papuntang driver seat.

"Diretso na ba tayo o gusto mo pang kumain? My treat" hinawakan ko ang kamay niya na nakapatong sa gilid niya.

"Why are you doing this, Gio?" hindi ko alam kung anong nagtulak sa 'kin para sabihin yun.

Katahimikan sa paligid ang naririnig ko, pati ang pagtibok ng puso ko ay tila tumigil panandalian.

Nakita ko ang pagtingin niya sa akin sa harap sa salamin at ngumiti, kaya nawala ang kaba ko at nakaramdam ng kaginhawaan sa sarili, dahil alam ko na kung ano ang isasagot niya.

"Nalilito na kasi ako sa kinikilos mo, ano ba ako sa-

"Gusto kita, Chelsea" napabitaw ako sa kamay niya hindi dahil sa gulat kung hindi sa kaba. Nanatiling nakatitig lamang siya sa daan na parang wala lang.

"Why? I mean, bakit mo ako nagustuhan? Maraming iba diyan" nagtataka ko na tanong habang nanginginig ang mga kamay ko.

"Masakit Chelsea, parang pinaparamdam mo sa akin na wala akong pag-asa sayo" ramdam ko ang pagka dismaya niya sa tono ng pananalita niya.

"Hindi naman sa gano-

"Parang tinutulak mo na din ako palayo, Chelsea" naramdaman ko ang paghawak niya ng mahigpit sa manibela, dahil kita ko ang paglabas ng mga ugat niya sa kamay niya.

"Bakit mo ako nagustuhan? Ano'ng meron sa 'kin" tinignan ko ang mukha ko na nasa harap  ng salamin sa sasakyan at mariing tinignan ang sarili ko.

"Gusto kita sa paraang ikaw, gusto kita at walang dahilan" hindi ko namalayang, ang nagbabadya kong luha ay tumulo na ng tuluyan.

"Ihinto mo 'tong kotse! Stop the car!" agad pumagilid si Gio na nagtataka sa gilid ng kalsada na tanaw ang bundok ng Caraballo.

"Why! Naiihi ka, diyan ka na sa puno, tatakpan na lang kita para walang makakita" tinanggal niya ang seatbelt niya na tila seryoso talaga siya sa sinabi niya.

"Sira ka ba! Ako iihi diyan?!" binatukan ko siya sa ulo dahilan para mapahawak siya dito at kinamot.

"Eh akala ko eh" sumimangot siya habang nakatingin sa akin.

Pogi nga, may pagka unga unga.

Nginitian ko siya at niyapos ng pagkahigpit.

"Thank you for making me special, pumapayag na akong ligawa- teka" umalis ako sa pagkayakap sa kaniya at kinurot siya sa hita niya.

"Ouch! Teka, aray!" halos mamilipit siya sa sakit at kitang kita ko sa mukha niya.

"Hindi mo pa pala ako tinatanong kung pwede mo ba akong ligawan" sumimangot ako at nagkunwareng nagtatampo.

"Chel" tinignan niya ako at hinawakan ang mga kamay ko, ramdam ko ang nanlalamig niyang mga kamay, dahil siguro sa kaba na nararamdaman niya.

Tumingala ako sa kaniya at nakita ko ang pagkislap ng dalawang mata niya, hanggang sa naramdaman ko na ang dagitab na kanina ko pa gustong maramdaman. Tila hinahaplos ang puso ko sa saya dahil sa mga paru-parong kanina pa nagliliparan sa tiyan ko.

"Hmm?" napalunok ako sa kaba kahit alam ko na ang sasabihin niya, tila bago pa din sa 'kin ang salitang marirnig ko galing sa kaniya.

"I just want to say, gusto kita, matagal ko ng nararamdaman 'to pero pinipigilan ko lang ang sarili ko na mahulog sayo dahil wala pa akong mapapatunayan sayo, pero papatunayan ko ang sarili ko sayo na karapat-dapat ako para sa pag-ibig mo, you don't deserve someone, you deserve me" matagal niya pa lang nilihim sa 'kin 'to pero hindi ako nagulat sa inilahad niya, dahil ramdam ko 'to kahit hindi niya sabihin.

"Wag mong sabihing wala kang mapapatunayan sa akin, dahil sa araw-araw nag nagsu survive ka at pinipili mong magising sa umaga, masaya na sa 'kin yun, dahil lagi kitang nakikita at nakakasama, gusto din kita Gio" hindi ko namalayang ang kamay ko ay agad na pumulupot sa kaniyang leeg at niyakap siya ng dahan-dahan.

Sa mundong puno ng kaguluhan, ikaw ang katiyakan ko.

Shadows Of Doubt (Shadows Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon