Kabanata 23

8 1 0
                                    

Déjà vu

"Ikaw at ikaw" pagtugtog ng banda na ngayon ay sinasabayan ng mga madla.

Bawat ritmo ng kanta ay natamaan ng mga pilantik ng katawan ni Gio na ngayon ay nakasabit sa tela na kulay puti at gumagawa ng kamangha-manghang mga tricks gamit ang mga paa at kamay niya sa tela na sinasabitan niya.

Bumaba siya sa tela at inabot ang kamay sa ere, nagdadalawang isip ako kung tatanggapin ko ito, sapagkat unang beses ko itong gagawin.

"Trust me" bulong niya sa tenga na siyang nagpalakas ng loob ko na ituloy ito.

Hinawakan ko ang palapulsuhan niya, at tumakbo ako paikot upang makaakyat ako papunta kay Gio na ngayon para akong nahuhulog sa bangin na kapit niya habang umiikot kami. Pinatay ang mga ilaw at sinindihan ng madla ang ilaw ng kanilang mga gadgets na siyang nagbigay ilaw sa covered court.

Huminto ang kanta ng may mahinahon kaya dahan-dahan kaming bumaba sa tela na inaakyatan namin,

Nagsitayuan ang mga judges at mga tao sa loob, labis ang galak ko sa nakita ko. Dahil sa isang pagkakamali kanina ay napalitan ito ng tama na siyang nagpa mangha sa mga tao.

Reality hurts, sa dami ng mga ginawa mo na tama, sa isang pagkakamali mo lamang ay lahat ng iyon ay matatabunan,

"Wow, what a nice performance by number five and please welcome again, Sunkissed Lola!" naghiyawan ang mga tao habang kumakaway sa amin,

"Paano nila susundan yun, parang na pressure ako sa susunod" nagtawanan ang mga estudyante na ikinatawa ko din. 

Naghiyawan ang mga tao dahil ayaw kaming pababain at humihirit pa ng isa, at narinig ko ang kanilang pagrereklamo.

"Hindi sila special guest para mag perform ulit, candidate si number five, mga bakla kayo" sabi ng emcee at nagtawanan ang mga tao  na ngayon ay inaabangan na ang susunod na kandidata.

Hindi ko mapigilang mapangiti sa nangyari kanina dahil hindi ko akalaing gagawin ni Gio ang paglamiitin sa tela sa pamamagitan ng pagsasayaw. Marunong pala siyang sumayaw at hindi niya sinasabi sa akin iyon. Akala ko alam ko na ang lahat pero hindi pa din pala, nananatili pa rin siyang isang misteryoso sa akin, ang sarap gumising araw-araw dahil sa bawat araw ay mas lalo kong nakikilala si Gio.

Hindi ko maiwasan ang mapalingon sa gawi ni Gio na ngayon ay kausap si Chandria, ang babaeng may galit sa 'kin na ex ni Gio.

Napaiwas na lamang ako ng tingin dahil ayokong makaramdam ng kahit na katiting na selos dahil masiyado akong masaya para sirain ang araw ko.

Habang inaayos ko ang backpack ko ay may naramdaman akong dalawang tao sa harap ko.

Agad ko na binalingan ng tingin ang dalawa.

It was Gio and that girl.

"Hi Chel- what's your name again" tinignan niya pataas pababa habang nakahawak siya sa braso ni Gio.

"Chelsea" walang emosyon kong sabi dahil naiirita ako sa kaartehan ng babaeng ito.

"Oh my bad, yea Chelsea! Congrats you did well kanina sa performance mo" inabot niya ang kamay tanda na makikipag handshake siya, nag dadalawang isip pa ako na abutin ito dahil ramdam ko na pinaplastik lang ako ng babaeng ito.

Dahan-dahan kong inabot ang kamay niya at magaang pinisil.

"Thank you, dahil kay Gio, naging maganda ang performance ko" tumingin ako kay Gio na prenteng nakatayo sa harap ko habang may nakaguhit sa ngiti sa mga labi niya.

"Yes, actually that is our performance last pageant" mapakla akong ngumiti.

Lahat pala ng ginagawa namin ay nagawa na nila.

"Please welcome our last candidate, candidate number 9, Chandria Louise Asera!" sigaw ng emcee na umalingawngaw sa backstage.

"Mauuna na ako, it's my turn"  bumeso ang babae kay Gio na iniwas ko ang paningin ko.

Base sa kaniyang bihis ay naka hawaiian outfit siya, mukhang mag be belly dance siya.

Nagsigawan ang mga tao sa kaniyang performance lalo na ang mga kalalakihan na dilat na dilat ang mga mata sa ginagawa ni Chandria sa harap ng madla. Hindi ko din naman masisisi ang mga tao na humanga kay Chandria dahil isa siya sa mga nakita ko na babae na talagang pang modelo ang aura. 

Nanonood ako sa backstage ng mahagip ko ang lalaking naka itim ng damit habang may hawak na kutsilyo, hindi mawari ang maramdaman ko sapagka't iba ang nais niyang ipahiwatig. Papatayin niya ba ako o ang mga magulang ko?

Habol-habol ko ang hininga ko ng biglang may humawak sa likod ko.

"Are you okay?" halos manginig ako sa biglang pagsulpot niya.

"Ayos lang ako" agad akong umalis at lumapit sa mga gamit ko.

Nanatili akong matapang sa harap ni Gio sa nakita ko kung paano sila umakto ni Chandria at ang lalaking matagal na akong ginagambala.

"Chel, tulungan na kita" dinampot niya ang sapatos ko na kulay puti at agad ko na hinablot sakaniya ito.

"Kaya ko na"  walang emosyon kong sabi habang pinapasok ang sapatos ko sa backpack ko.

"Ihahatid na kita" mahinahon niyang sabi habang kinukuha sa kamay ko ang backpack ko.

"Kaya ko nga Gio" kinuha ko ang bag ko sakaniya at umalis na sa harap niya pero naramdaman ko na nakasunod pa rin siya sa 'kin.

"Kaya ko nga diba, bakit ba sunod ka ng su-

Nanlamig ang buong katawan ko sa nakita ko.

Walang Gio na sumusunod.

"Chelsea, wait for me" tiyaka ko lang narinig ang boses niya habang hawak ang susi niya.

Naglakad ako agad at isinawalang bahala ko na lamang ang nararamdaman ko, pagod lang siguro ako kaya ko nararamdaman ang mga 'to.

Naglalakad ako sa kahabaan ng parking lot sapagka't puno ng tao ang entrance ng hablutin ni Gio ang palapulsuhan ko.

"Sasabay ka sa 'kin" iwinaksi ko ang kamay ko sa higpit ng kapit niya.

"Aminin mo nga, may gusto ka pa ba kay Chandria?" tumaas ang kilay ko ng tumawa siya sa sinabi ko.

"Are you jealous?" lumapit siya sa 'kin ng dahan-dahan.

"Sino bang hindi magseselos? Lahat ng ginagawa niyo dati ginagawa mo sa 'kin" hindi ko mapigilan ang emosyon ko.

Nagliliyab na ako sa selos.

"Chandria is my friend" napangiwi na lamang ako sa sinabi niya.

"Kung kaibigan mo siya, edi sana magkaibigan nalang tayo, sweet ka pala maging kaibigan"

What the hell did i say?

"Halika na, let's talk inside the car" hindi ako nakinig sakaniya bagkus tinignan ko na lamang siya ng madiin.

Hindi ko maiwasang isipin na mahal pa niya ang babae dahil sa kilos ng babae mukhang may gusto pa siya sa lalaki.

May tiwala ako kay Gio pero sa nakapaligid sa kaniya ay wala.

"Gio" sambit ko habang nakatingin sa mga kayumanggi niyang mata, kung ano anong naiisip ko dahil madali lang naman ako palitan dahil sa mga manliligaw ko lahat ay walang sumubok na mas kilalanin ako.

"Gusto mo lang ba ako dahil nakikita mo si Chandria sa 'kin" isang pangungusap na tanong na ayaw kong tanungin sakaniya.

Ayokong marinig ang sagot niya dahil baka sumang ayon siya pero may katiting sa 'kin na gusto kong marinig galing sakaniya na hindi.


Shadows Of Doubt (Shadows Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon