Kabanata 1

96 15 0
                                    

Mirasol


"Chelsea!" sigaw ni mama.

Nakatago ako ngayon sa likod ng sofa upang hind ako mahanap ni mama, tatlong araw na kami dito pero hindi nila ako pinapayagang lumabas ng bahay.

Mabobored ako dito sa bahay kung nakakulong ako dito nang buong taon.

Ayaw akong palabasin ni Mama at Papa naiinis na ako sa pagiging over protective nila sa'kin. Kesyo hindi ko daw kilala ang Nueva Ecija, baka hindi na daw ako makabalik sa bahay.

Sabagay, may punto naman sila.

Ilang taon kaming nanirahan sa Quezon City, doon na ako sinilang hanggang sa magdalaga na ako, pumunta kami dito dahil sa bukid, ipinamana nang lolo at lola ko ang kabukiran nila kay papa, dahil si papa ay nag iisang anak ngunit hindi ko naabutan ang grandparents ko, sanggol palang kasi ako ay nilisan na ng lolo at lola ko ang mundong ito.

"Chelsea! Kapag nahuli kita malalagot ka sa'kin!" sigaw ni mama.

Napapikit ako sa tinis ng boses ni mama

Mas lalo akong hindi magpapakita. Bakit ako magpapakita sakaniya kung malalagot ako?

Lakad takbo akong naglakad sa pintuan at hinablot ko ang ginagamit ni papa na pang bukid na manipis na polo na hanggang beywang ko sa likod ng pintuan, patakbo akong lumabas nang gate, wala akong pake, this is exciting!

"CHELSEA!" sigaw ni mama galing sa bahay.

Tumawa ako nang bahagya. Nakalabas na ako ng bahay at tatahakin ko na ngayon ang mga damong may katamtamang laki.

Naglakad ako sa damuhan hindi naman ito mahahaba, ngunit dumidikit ang binti ko sa mga damo dahilan para mapatapik tapik ako sa binti ko dahil may nangangagat.

Nakalagpas ako sa mga damuhan at ngayon ay tinatanaw ko ang aming tanim na mga palay na maliliit palang, napasinghap ako sa hangin, sariwa hindi katulad sa mga siyudad ang malalanghap mo ay mga usok ng tambutso, samantalang dito ay sariwang hangin na galing sa mga puno at halaman.

Ngayon lamang ako nakapunta sa lugar ng lolo at lola ko dahil ako ay nag aaral sa Quezon city at hindi ko maharap ang pumunta tuwing bakasyon, dahil ang mga magulang ko ay busy sa pag ta trabaho kaya ako lamang ang naiiwan na magbabantay sa bahay.

Nagvibrate ang cellphone ko sa aking bulsa, napahinto ako sa paglalakad upang tignan ang tumatawag.

"Mom is calling" napairap ako, binalik ko ang cellphone ko sa bulsa ko, dapat iniwan ko na lamang ito, papatayin ko nalang mamaya.

Patuloy akong naglakad ng matanaw ko ang isang ilog, narinig ko ang mga tubig na banayad na umaagos.

Kailangan ko itong tawirin upang makarating ako sa taniman nang aming mga Mirasol. Hinubad ko ang suot kong tsinelas at hinawakan ko ito sa kanan kong kamay, habang ang kaliwa kong kamay ay hawak hawak ang laylayan ng aking bestida.

Tinampisaw ko ang aking mga paa.

Tumuloy ako sa paglalakad, iika ika akong naglakad sa ilog dahil nararamdaman ko ang mga batong dumidiin sa talampakan ko.

Habang naglalakad ako biglang nadulas ang paa ko at sumayad ito sa bato dahilan para mapaupo ako sa gitna ng ilog.

Napapikit ako sa sakit na naramdaman ko. Nabasa ang laylayan nang aking bestida.

Pinilit kong tumayo kahit ramdam ko ang sakit ng paa ko. Umupo ako sa gilid ng ilog, tinaas ko ang paa ko at pinatong sa isa kong paa.

Nakita ko ang talampakan kong may hiwa habang tumutulo ang dugo.

Shadows Of Doubt (Shadows Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon