Kabanata 9

16 2 1
                                    

BMW

Nakatingin ako ng nakakunot ang noo sa babaeng kaharap ko ngayon na tinatanong kung ano nga ba ang koneksyon namin ni Gio

"We're friends" walang emosyon kong sabi habang nakatingin sa babaeng nakangiti ngayo

Lumapit siya ng dahan-dahan sa 'kin at bumulong sa kaliwang tenga ko

"Lumayo ka, nakakairita ka" napalunok ako sa boses niya na para bang isang kontrabida sa isang drama

Napayuko na lamang ako sa harap ng mga kaibigan ni Gio at dahan dahang naglakad paalis

"Chelsea" narinig ko ang mahinang sigaw ng lalaki na ngayon ay sinusundan ako sa likod ko

Naglakad ako ng mabilis upang hindi ako masundan ni Gio na ngayon ay hindi ko na nararamdaman sa likod ko

Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon, hindi ko mahanap ang silid aralan ko, bitbit ko ang backpack ko na kulay puti na ang laman ay mga make up at isang ballpen at notebook

Napagtanto ko na mas marami pang make-up ang dala ko kaysa sa gamit sa school

Ewan ko ba, mas mahalaga pa sa'kin ang make ups kesa sa mga school supplies

Napailing na lamang ako sa iniisip ko at tumawa ng mahina

Napatakip na lamang ako sa bibig ko dahil malakas pala yung tawa ko at umalingawngaw sa corridor na nilalakadan ko

"Crazy tsk" isang baritonong boses ang narinig ko sa gitna na ng katahimikan

"Looks like you went to the wrong place, you should go to a Mental Hospital" pinihit ko ang katawan ko at naaninag ko ang lalaking naka suot ng black polo at tripped jeans with sneakers, wala ba 'tong uniform, parang holdaper lang sa Edsa ah

"Excuse me!?" umiwas ang mga kasama niyang lalaki

"Oh dumaan ka na" he said with a sarcastic voice

"Ikaw? mukhang mali din yata ang napasukan mo, dapat doon ka sa kalsada!" sigaw kong sabi habang inaayos ang buhok na nalalaglag sa noo ko

"Why, bakit ako pupunta sa kalsada?" umayos siya ng tayo at tumitig sa 'kin

"Mukha ka kasing snatcher sa Quiapo dahil diyan sa ootd mo" umalis na umirap ako sakaniya at naglakad like a disney princess

"What!?" narinig ko na pasugod na ang lalaki na kaaway ko kanina pero may pumasok sa eksena

"Don't touch her, Van!" naagaw na namin ang atensyon ng mga estudyante na ngayon ay nakatutok na ang kanilang mga mata sa 'min

"Fuck you Van, babae yan!" papalapit na boses ang narinig ko sa likodan ko, and that's Gio

"Tsk, acting like a Superman again" umirap ang lalaking nakaitim

"Let's go boys, alis na tayo" kinuha ni Van ang kaniyang bag at agad na umalis kasama ang grupo niya

Nagkatinginan kami ni Gio pero agad akong umiwas ng tingin at naglakad na sa corridor

"Chelsea, kanina pa kita hinahanap, the class is suspended, tara na" habol na sabi ng lalaking parang anino na sumusunod sa 'kin

"Narinig mo ba sarili mo? Can you please stop following me!" huminto ako sa isang puno na malaki na ang pagkakaalam ko ay isa 'tong parke na madalas tambayan ng mga estudyanteng gusto ng tahimik na lugar pero ngayon ay walang tao

"What's the problem Chelsea, tell me" nakita ko ang mga pawis niya na nagkakarera sakaniyang noo

"I feel like, i-i don't belong in this school" unti-onting lumabo ang paningin ko

Nanghina akong umupo sa bench at nagbabadyang tumulo ang luha ko

"Bakit ayaw nila sa 'kin? Am i ugly? Skinny?" at tumulo na ang luha ko na kanina pa nagbabadya, agad ko itong pinunasan

"Ang akala ko dati, okay lang ng mag-isa, mas tahimik, mas payapa, pero habang tumatanda ka naiisip mo na sana may kasama din ako, may kasamang kaibigan na kumain sa labas, kasama ko na mag shopping, kasama ko sa kalungkutan at hindi laman sa kasiyahan, i want a friend so bad" hindi ko napansin na humihikbi na ako habang yakap-yakap ang dalawang tuhod ko

"Chel, i'm here always, nandito ako laging makikinig sa mga rants mo sa buhay, hindi ako magsasawa" dahan dahang inangat ko ang ulo ko at nakita ko ang nakangiting si Gio

"I wish i am you, you have a lot friends Gio, sana meron din ako, buong buhay ko hindi ko naranasang magkaroon ng isang kaibigan, may mga kaibigan man ako pero they all left me, lahat sila umalis ng hindi ako kasama" bumuntong hininga ako at pinakalma ang sarili

"It's hard to build a trust to someone, lahat ng pinagkatiwalaan ko lahat yun sinira nila, akala ko totoo sila pero lahat pala sila nakasuot ng maskara" tinignan ako ng lalaking nasa harap ko na prenteng nakikinig sa 'kin

"Pero wala akong magagawa, bawat tao na umaalis sa buhay ko lahat sila may iniiwang aral, na wala kang ibang makakasama at kakampi kundi ang sarili mo" napangiti ako

Ngayon ay nakasakay na ako sa kotse ni Gio dahil pagabi na din, walang nangyari sa unang araw ng pasukan namin, walang professor na sumulpot na nagpakilala at nagturo

Ginabi na kami ng uwi dahil, naabutan kami ng kagutuman kanina, kumain kami sa isa sa mga sikat na Restaurant dito

Ngayon ay namumutawi ang katahimikan sa loob ng sasakyan, tanging  ang hangin lamang ng aircon ang naririnig namin at ang ingay ng mga sasakyan sa paligid

Napasandig na lamang ako sa kinauupuan ko at tumitig sa mga nagliliwanag na mga street light at nakita ko ang playlist niya sa harap at pinindot ko ang nangunguna sa playlist niya ang BMW by Because, pinindot ko ang play at tumugtog ito ng malakas

🎶 Mukang tayo'y inabutan sa gitna ng daan
Ilagay muna ang gamit sa ating paahan
Wala nang araw at tayo ay nasa lilim
Sasabihin na ang lihim ramdam naman kung gaano kainit
Kanang kamay sa pagitan ng hita
Habang isa ay nagmamaneho 'di na kailangang biglang lumiko
Ating igilid nang nakapreno 🎶

Huminto agad ang sasakyan sa gilid ng kalsada sa gitna ng mga naglalakihang mga puno ng mangga

"What are you doing Gio? Kung ano man yang balak mo, stop it, ipapakulong kita" lumapit ng dahan-dahan ang mukha sa 'kin ni Gio at naramdaman ko ang hininga niya sa tenga ko

"No! This is rape!" nakapikit kong sabi habang naririnig ko pa din ang mainit na hininga ng lalaki na ngayon ay naaamoy ko na ang hininga niya na amoy mint

"What are you saying! Nasiraan tayo!"  sigaw niya ng malakas dahilan para mapaigtad ako sa kinauupuan ko

"What!" namula ako sa nangyari, parang gusto ko na lang magpakain sa lupa este sa kotse pala

"Fuck this life, kung kailan malapit na tayo, nasiraan pa" hinampas niya ang manibela at agad na lumabas

Another kahihiyan nanaman sa buhay.....

Shadows Of Doubt (Shadows Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon