Kabanata 15

11 1 0
                                    

Bagyo

Tanging patak ng ulan at kulog ang namumutawi sa 'ming paligid, hindi alintana ang lamig ng simoy ng hangin at patak ng ulan sa aming mga balat.

"Hello po, tapos na po ba yang physical touch niyo? Suspended na po ang class dahil may bagyo" napabitaw ako sa pagkakayakap kay Gio, dahil bigla akong nahiya sa guard na nasa harap namin na masusing nakatingin sa amin.

"Pasensya na po, aalis na din po kami" nakayuko kong sabi dahil kita ko sa mata ng guard ang mapang asar na tingin.

"I'm sorry po kuya" tugon ni Gio habang nakangiti kay manong guard, naramdaman ko ang paghila sa akin ni Gio habang ako'y nararamdaman ko na ang lamig sa katawan ko.

Nakita ko ang sarili ko na nasa parking lot habang magkahawak ang kamay namin ng lalaki.

"Faster, it's cold, i will buy you clothes" sabi niya habang binubuksan ang passenger seat.

"Hindi na kailangan" inayos ko ang pagkakaupo ko at inaalala na mababasa ko ang loob ng kotse niya.

"No, baka magka sipon ka, i will buy you clothes" pinaandar niya ang makina habang masusing nakatingin sa aatrasan niya.

"You don't need to buy me clothes Gio, wag na" tumingin ako sa mga mata niya at nakita ko ang pagsalubong ng kilay niya at umismid.

"Yeah, you're right, wag na, it looks good on you naman without clothes" namula ang pisngi ko dahil sa hiya sa sinabi niya.

Huh? Ano daw!?

"Pinagsasabi mo, pervert!" tahimik ang buong byahe namin tanging ang patak ng ulan sa window shield ang pinapanood ko, napatingin ako sa lalaking nakatuon ang atensyon sa pagmamaneho.

"Don't look at me like that, nahihiya ako" he laugh shyly.

Natawa na lang ako sa reaksyon niya at umiwas sa direksyon niya.

Huminto ang ulan sa labas at nakita ko kung paano lumiwanag ang paligid at nakita ko ang bahagharing sumilay sa kabundukan.

"Stop the car!" sigaw ko sakaniya at nakita ko ang reaksyon niya na nagulat siya.

"What! Why would i!" sigaw niya sa 'kin habang nagmamaneho.

"I said, stop the car!" pag uulit ko sakaniya pero patuloy pa din siyang nagmamaneho.

Nagulat ako ng bigla niyang prineno ang sasakyan, buti na lang naka seat belt ako kundi napasubsob na ako.

"Bwisit ka! Bakit mo binigla" binatukan ko siya gamit ang kanang kamay ko.

"Ouch, sakit mo naman" napahawak siya sa ulong tinapik ko.

Binuksan ko ang pinto ng kotse at lumabas, nakita ko ang pagsunod ng lalaki.

"Okay, about the picture, it's a dare." napatingin ako sakaniya ng naka kunot noo dahil hindi ko alam kung ano'ng tinutukoy niya.

"She said, dare lang that's why nakipag picture ako" biglang may umilaw sa gilid ko dahilan para maalala ko.

Ito yung SSG president namin, na nakita ko ang litrato nilang dalawa sa social media, habang ang mga tao sa comment section ay shini ship sila.

"Huh? Bakit mo pinapaalam sa 'kin? Ano bang pake ko?" ma awtoridad kong sabi habang nakatingin sa bahagharing natatabunan ng mga ulap sa kabundukan.

"I thought you are-

"No i'm not Gio, why would i, gusto ba kita?" Yes chelsea hindi mo siya gusto, guni-guni mo lang yang nararamdaman mo .

"Oh that's hurt" bulong niyang sabi pero hindi ko narinig ng maayos dahil sa lakas ng hangin.

"Huh?"

"Nothing" napatitig kaming dalawa sa bahaghari na ngayon ay kinakain na ng mga ulap.

Naramdaman ko ang dampi ng hangin sa mga balat ko, nakita ko kung paano umagos ang hangin sa mga buhok ni Gio.

"Ang ganda 'no, that view is my mom's favorite" nakita kung paano sumilay ang lungkot sakaniyang mga mata at pagbabago ng boses niyang kanina masigla ngayon ay parang tinangay na ng hangin ang kasiyahan ng boses niya.

"Iniiwasan ko 'tong puntahan, because this place reminds me of my mother" walang namutawi sa 'king mga bibig, dahil ang tanging gagawin ko ngayon ay makinig.

"She left me, she said she's going to buy me a toy, kaya hinintay ko siya, but she didn't come back, dahil sumama siya sa isang lalaking hindi namin kilala, my father suffers depression and hallucination, sobra niyang mahal si mama pero iniwan niya kami. Mahal ko si papa lahat gagawin ko para sakaniya" hindi ko namalayang tumutulo na ang luha ko na kanina pa nagbabadya.

Nakita ko kung paano umagos ang mga luha ng lalaking na sa gilid ko, kung gaano kalungkot ang mga mata niya, para akong tinutusok ng kutsilyo sa puso dahil sa nakikita ko ngayon.

Tumingin siya sa mga mata ko habang ang mga luha ko ay tumutulo na tila nakikidamay sa sakit na nararamdaman ni Gio.

Niyapos ko siya ng lakad ng napakahigpit.

"Thank you for surviving my strong soldier" i said while caressing his hair.

"Suko na ako lord, hindi na ako ang strongest soldier mo" tumawa siya ng malakas at napatawa na din ako sa pagbibiro niya.

Nagtagal kami ng ilang minuto sa gilid ng kalsada at ng nagdilim na at agad na kaming bumalik sa pag byahe.

Nakarating kami ng matiwasay at maayos, lumabas na ako ng kotse at nagpaalam kay Gio.

Ilang araw ang nakalipas malakas pa din ang ulan, lahat ng klase sa aming lugar ay suspended dahil sa malakas na ulam at hagupit ng hangin ng bagyo.

Kagigising ko lang at late na ako nagising dahil mukhang napasarap ang tulog ko dahil sa napakalamig na panahon.

Bumaba ako ng hagdan upang kumain na ng umagahan ng hindi ko sinasadyang marinig ang usapan ng magulang ko.

"Kawawa ang mga tanim nating palay, mababa na nga ang presyo ng palay, masisira pa ang tanim natin" nakita ko kung paano dinamayan ni papa ang kalungkutan ni mama dahil sa tanim ng palay kami humuhugot ng pang araw-araw naming buhay.

"Mukhang matagal pa itong bagyo, walang benta sa hardware shop natin" tugon ni papa at tumabi kay mama sa sofa.

Nalungkot ako para sa kalagayan ng magulang ko dahil sa pagbaba ng presyo ng palay nalulugi kami, hindi lang kami, pati sa mga bayan namin na may tanim na palayan. Kawawa ang mga magsasaka dahil hindi sapat ang bayad para sa pagod at pawis na inilaan nila.

"Karma na ba 'to, dahil sa ginawa natin?" ngayon ay hawak-hawak ko ang baso at nabitawan ko ito, kaya gumawa ito ng ingay sa apat na sulok ng bahay namin.

"Anak, nandiyan ka na pala" nakita ko ang gulat na reaksyon ni papa at ang kilos ni mama na hindi mapakali.

"K-kumain ka na, naghanda na ako sa hapag" hindi makatingin ng diretso sa 'kin ang inay dahilan para magtaka ako.

Anong kasalanan? Nalilito ako, may kasalanan ba sila, may nalagpasan ba akong kabanata ng buhay namin?

Shadows Of Doubt (Shadows Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon