Kabanata 11

15 1 0
                                    

Skin

Natulala na lamang ako ng ilang segundo sa ginawa niya, at naisip ko na imbes na mainis ako sakaniya ay tila ang tiyan ko ay parang isang zoo na nakawala ang mga hayop

Dinala ko ang sarili ko sa banyo at agad na naligo upang alisin ang kanina pang kuryente na nararamdaman sa ginawa ng lalaki

Nagsuot na ako ng white croptop at high waist na jeans sa ngayon dahil hindi pa ako sinusukatan para sa uniform namin dahil walang professor ang pumasok noong unang klase

"Abay kanina pa ang batang yan, male late na kay- oh ayan na pala" kay aga aga ay narinig ko na agad ang sermon ni mama sa harap ng hapag kainan

"Ang umagahan ko ay sermon ni mama" narinig ko ang mahinang pagtawa ni Gio

"Kanina pa naghihintay si Gio sa'yo anak, nakakahiya naman" bumeso ako kay mama at niyakap siya sa likod habang inaayos niya ang mga kaluluto pa lang na ulam

"Sorry na ma, hindi ako nakatulog ng maayos kagabi" kumalas ako sa yakap niya dahil kukunin niya ang pitsel sa kusina

Hindi na ako pinansin ni mama at hindi ko na narinig ang yapak ni mama sa bahay, dahil pumunta na siya sa bukid upang asikasuhin ang mga palay na tanim namin, dahil madaming mga nakawalang kambing at baka sa bukid dahilan para masira ang mga pananim namin

Naging awkward ang hangin sa kusina dahil pinapanood ako ni Gio na kumakain

"Can you please stop staring at me, ang creepy mo" umirap na lamang ako sa kawalan dahil nakangisi nanaman siya ng nakakaasar

Naubos ko ang dalawang sandok ng kanin sa pinggan ko, nagulat din ako sa kinain ko dahil palagi ay hindi ko ito nauubos, minsan talaga ay nagugulat ka lang sa sarili mo

It's already 7:10 am at ang class ko ay 7:30 am, mukhang late ang abot ko nito

"Fuck, traffic" napasandig na lamang ako kinauupuan ko dahil sa kabiguan, dahil traffic sa San Jose Road, mabagal ang kilos ng mga sasakyan dahil sa matinding trapiko

Isa sa mga problema sa Pilipinas ay ang matinding traffic lalo na sa lungsod ng Manila, kahit na sa problemang kalsada ay hindi kayang maipaunlad ng mga nakaupo

Napailing na lamang ako sa naiisip ko

Unti-onting lumuwag ang traffic sa kalsada at nadaanan namin ang sasakyan na wasak na may nakahandusay na babaeng ang tantsa ko ay nasa 40's na at duguan ito. Napatakip na lamang ako sa nakita ko dahil ang isa sa mga kahinaan ko ay ang dugo

Kaya pala ang bagal ng usad ng mga sasakyan dahil may aksidenteng naganap

7:25 AM

Pumarada agad si Gio sa Parking Lot na nagmamadali

Binuksan ko ang kotse niya ng may dahas at hinablot ang sling bag ko na puti sa backseat

"See you later Gio" tumakbo ako ng mabilis hanggang sa makakaya ko. Tagaktak ang pawis ko sa noo ko hanggang leeg ko dahil na din sa pagod at kaba na baka mapagalitan ng professor, hindi pwedeng ma late ako, nakakahiya

Umakyat ako sa second floor ng Building 2 room 4, wala akong pake kung makita man ako ng ibang estudyante, nakita ko kung paano nila ako tinitignan at pinagtatawanan

Room 4

"Yes hindi pa ako late" sabi ko sa sarili ko habang hawak-hawak ang door knob ng pinto ng Room 4 habang nakayuko at nakapikit, habang ang mga pawis ko ay parang karera na nag uunahan

"You are late Miss Ferrer!" lumaki ang mata ko habang nakayuko. Nawala bigla ang pagod na nararamdaman ko at napalitan ito ng kaba na parang ang puso ko ay kakawala na sa rib cage ko

Tumuwid ako ng diretso upang harapin siya

Bumungad ang mukha ng professor namin na babae na maikili ang buhok, bilugan ang mata at hindi katangkaran

"Sorry ma'am pero hindi po ako late, 7:29 pa lang po" pangangatuwiran ko sakaniya at pinakita ko sakaniya ang cellphone ko

"Your clock is 1 minute late, 7:30 PM na Ferrer" at pinakita niya sa'kin ang oras

"Pero ma'a-"

"Stop talking, go to your sit now!" yumuko akong pumasok sa classroom habang rinig ko ang mahinang bulungan ng mga plastik kong mga kaklase

Nagpakilala lamang ang professor namin na 'yun at kinwento ang buhay niya na mala MMK ang datingang, malapit ko na ngang kontakin si Charo Santos

Natapos ang oras ng story telling ni ma'am ay may 2 hours vacant kami kaya napagpasiyahan ko na pumunta sa cafeteria upang kumain dahil kanina pa kumakalam ang sikmura ko

Umupo ako sa pinakadulong upuan dahil ayoko makihalubilo sa mga estudyante dito porque naka aquaflask ay ang yayabang na eh nakita ko nga yung naka print na name sa tumbler ng isa kanina "Aquaplus"

Pumunta ako sa mini bakeshop at bumili ng banana bread, egg pie at hot chocolate

Pumunta ako sa table na inuupuan ko kanina at tahimik na kunakain ng nakita ko na may tatlong babae na papalapit sa 'kin

"Oh the aeta is here" sabi ng babaeng naka headband na may hawak na ice coffee

"Huh? Ano naman kung Aeta ako, ano'ng pake niyo?" tumawa ng matinis ang tatlong babaeng na nasa harap ko ngayon na ginagawang insulto ang salitang Aeta

"May pake ako dahil hindi ka bagay dito, look at your skin, ew ang itim mo" napakuyom ako ng kamao ko dahil sa tensyon na nararadaman ko ngayon

"Look girls, tingnan mo yung drinks niya hot choco, kakulay niya" dinabog ko ang lamesa at marahas tumayo sa harap nila

"Ano'ng mali sa pagiging kayumanggi, ganiyan na ba ang pananaw niyo? Na kapag maputi ay maganda, at anong mali sa pagiging Aeta, para sa kaalaman mo maraming Aeta ang nakapagtapos ng pag aaral, itatak mo sa kokote mo yan o sadyang nasa talampakan ang utak mo" mahinahon kong sabi habang naka kuyom ang mga kamao ko

"What the hell did you say? Wala akong utak!" dinampot niya ang iniinom kong hot choco at sinaboy sa ulo ko

"Yan, ang tawag na sayo ay Dirty Choco!" nagtawanan at nagsigawan ang mga tao sa paligid ko dahilan para mapahiya ako

Tumakbo ako papalayo sa cafeteria ng walang pag aalinlangan at tumakbo sa malapit na Comfort Room

Shadows Of Doubt (Shadows Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon