Kolorete
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, halos buong araw parang ang isip ko ay nasa himpapawid na parang malayang lumilipad sa kalangitan.
"Miss Ferrer!" halos napatalon ako sa gulat sa boses ng professor namin.
"Kung hindi ka interesado sa pinag-uusapan namin, you may now leave!" napayuko ako dahil ang lahat ng atensyon ay nasa akin.
"Leave!" umalingawngaw ang boses niya sa classroom na siyang dahilan bakit namugto ang mga mata ko.
Ayoko ng sinisigawan ako, dahil lumaki ako sa isang bahay na tahimik at miski ang mga magulang ko ay hindi ako pinagtataasan ng boses, pwera na lang kung matigas ang ulo ko.
Agad kong hinablot ang backpack ko at dahan-dahan akong umalis ng may nararamdamang hiya. Nagtungo agad ako sa cafeteria, dahil gusto ko lamang ipahinga ang utak ko at maibsan ang kahihiyan na nararamdaman ko.
Pumunta ako sa counter upang kumain ng isa sa mga comfort food ko, ang hot chocolate at banana bread, dagli akong umupo sa pwesto ko sa likod pagkatapos ko na kunin ang order ko.
Tinakpan ko ang dalawa ko na tenga dahil sa ingay na naririnig ko sa grupo ng mga babae ngayon.
"Girls iwan niyo muna ako" naramdaman ko ang isang babae na huminto sa harap ko at agad itong umupo sa bakanteng upuan na nasa harap ko.
"Hiiiii" mahabang bati niya habang kinakaway ang dalawang kamay niya upang kunin ang atensyon ko.
"Hello?" tila pamilyar ang mukha niya na parang nakita ko na siya kung saan.
Kumurap-kurap siya sa harapan ko na animo'y nag pa pacute.
Baka biglang umiral kabadingan ko dito at mahalikan siya.
"Do you know me?" tanong niya sa akin habang inaalisa ko ang kabuuan ng mukha niya, parang nakilala ko na nga siya kung saan.
"Ikaw yung babaeng umiiyak sa women comfort room na tinapunan ng hot chocolate, tapos ikaw kinekwestyon mo yung mukha na sabi mo hindi magan-
Agad akong sumenyas sa kaniya sa huminto sa pagsasalita dahil masiyado siyang madaldal.
"I'm Psyche, your number one fan!" maligalig niyang sabi at inabot ang kamay niya sa ere senyas na makikipagkamay siya.
Ayoko maging bastos dahil may naitulong naman siya sa 'kin, sinabi niya sa akin na maganda ako, kaso kulang lang sa alaga sa mukha.
"Nice to meet you again, Psyche" kumislap ang mga mata niya tila tuwang tuwa siya na nakita ako.
Napangiti na rin ako sa pagtingin niya sa 'kin.
"Ang galing mo sa talent performance mo" pambabasag niya sa katahimikan na kanina ko pa hinihintay dahil hindi ko alam paano ang mag umpisa ng pag-uusap.
"Salamat, hindi lang naman ako yung nag perform doon, si Gio ang may ideya non" sabi ko habang sumisiim ng hot chocolate.
"Ginawa niya don yun noon with her girlfriend" napatigil ako sa pag sipsip sa iniinom ko.
Kilala ko na kung sino ang tinutukoy niya pero kailangan ko pa na malaman ng malalim.
"Talaga? Matagal ba sila?" may parte sa akin na gusto ko na malaman pero may parte sa akin na ayokong makaramdam ng selos
"Yes, matagal sila, four years sila, actually relationship nila standard ko dati, ang sweet kasi nila" nakangiti niyang kwento habang nakatingin sa kawalan.
Matagal pala naging sila halos sa buong pag-aaral ni Gio kasama niya si Chandria, hindi ko maiwasang mag isip, sabi nila mahirap daw magmahal ng may matagal ng naka relasyon dahil baka nakikita niya lang sayo ang tao na minahal niya dati, at gusto niya lang maranasan ulit ang ala-ala nilang dalawa sayo.
BINABASA MO ANG
Shadows Of Doubt (Shadows Series #1)
RomanceSa taniman ng mga mirasol na mababango, sa karagatan ng mga luntiang mga damo, mahahanap ko ba ang tunay na pagmamahal na nanggagaling sayo o dudungisan mo lang ito ng pulang dugo? Chelsea Hillary Ferrer, she have a lot of insecurities and she th...