Kabanata 5

19 2 0
                                    

Enroll

Nagising ako sa malakas na bagsak ng ulan sa bubong at tila nag ngangalit na hangin, tinakpan ko ang mukha ko ng unan dahil nakakaramdam pa ako ng antok sa katawan ko, sa ganitong panahon ang masarap matulog at humigop ng mainit na sabaw at manood ng pelikula sa sala habang nakakumot, yun ang madalas kong ginagawa kapag tag-ulan na

Umupo ako sa gilid ng kama ko at inunat katawan para magising ang diwa ko na gusto pang humiga, tumayo ako upang gawin ang aking morning routine, nag sepilyo ako ng ngipin at binuhos ko ang malamig na tubig sa mukha at ngumiti sa salamin at biglang nagbago ang timpla ng mukha ko ng mapagtanto na ang pangit ko

Tuwing tumitingin ako sa salamin ay nakakaramdam ako ng insecurities sa katawan ko, ang mukha ko, katawan ko. Alam kong masama ang mainggit at magselos sa ibang tao pero hindi ko maiwasang ikumpara ang sarili ko sa kanila, sana ganon ako kakinis sakanila, sana maganda din ako, maraming sana ang tumatakbo sa isip ko ngayon, naiinggit ako sa mga ka edad ko na lahat ng atensyon ng tao sakanila dahil may itsura sila, let's be real here, pretty faces always win, may experience ako once na gusto kong mag-apply na waiter sa isang fast food chain pero mukhang nandidiri saakin ang nag interview saakin because of my brown skin color

"Pwede po mag-apply, ma'am?" nandito ako sa tapat ng isang fast food chain upang mag apply bilang waiter, hawak hawak ako sa kaliwang kamay ang mga dokumento na kailangan sa pag apply ko dito

Pinunasan ko ang mga butil ng pawis ko sa noo ko

"Follow me" natakot ako sa tono ng boses niya na para bang kakainin ako ng buhay

Sinundan ko siya sa loob at pinagtitinginan ako ng mga tao, gusto kong magtrabaho upang wag umasa kay mama at papa ko, alam kong nagta trabaho sila at nakukuha ko ang mga gusto ko pero ayokong iasa sakanila lahat tutal bakasyon naman ngayon, mag iipon ako ng pera para may panggastos ako na pera na mismong nanggaling saakin, dise nuebe na ako kaya ko ng mabuhay mag-isa ngunit ayaw ako payagan ni mama dahil hangga't kaya pa daw nila titira pa din ako sa isang bubong kasama sila

"Take a sit, miss"bumalik ako sa wisyo sa matinis na boses na narinig ko, agad akong umupo sa harap ng isang babaeng nakasalamin, singkit ang mata at tila nasa mid 30's na

Binaba niya ang kaniyang salamin at tinitigan ako pababa at pataas, bigla akong kinabahan sa ginawa niya at pinagpawisan ng malamig

"Let's start with the first question" umalingawngaw ang boses niya sa tahimik na silid at ang atensyon ko ay nasa kaniya na

"Tell me something about yourself" tila nag blangko ang utak ko at nagloading ng bahagya ang isipan ko, binubuka ko ang bibig ko pero walang lumalabas miski isang salita

"Wala kang sasabihin? Lumabas ka na" bahagya siyang tatayo sa kinauupuan niya ng pero bigla akong nagising sa wisyo

"My name is Chelsea Hillary Ferrer, i'm a Tourism student second year, when i was a child lagi kaming pumupunta sa isang fast food chain ng mga magulang ko and i want to experience to become a waiter, part time job lang at ayoko pong iasa lahat sa magulang ko" nakita ko ang pagtango ng babae na nasa harap ko ngayon na maiging nakikinig

"And now i'm currently studying po at gustong magtrabaho para may masasabi po ako sa sarili no na pera ko po talaga" ngumiti ako sa babae at nakita ko ang maliit na ngiti sa mga labi niya

"And my plan po sa future ko na kapag nakapagtapos ako sa pag-aaral ko, itutuon ko ang sarili ko sa pagiging flight attendant dahil pangarap ko po talaga iyon" tumango ako ng dahan dahan at sumandal ang babae sa swivel chair at huminga ng malalim

"Next is, what is your strength?" nagpangalumbaba siya sa lamesa at tinignan ako sa mata ng diretso

"Ang strength ko po ay hindi lamang sa physical, emotional din kasi madami akong napapanood sa social media na may nangmamaliit sa waiter at ginagamit ang salitang 'waiter ka lang' sa ganoon sitwasyon po ay kaya kong ihandle ang sarili ko kahit na tinatapakan ako, i always choose to be kind kahit tinatapak tapakan na ako ng mga taong mapanghusga sa paligid ko" gumuhit ang isang ngiti sa ginang na kaharap ko ngayon ng biglang may pumasok at lumuwa ang magandang babae na balak din yatang mag apply

Shadows Of Doubt (Shadows Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon