Kabanata 22

8 1 0
                                    

Sayaw

Isang araw ang makalipas ng pag-amin namin sa isa't-isa, para pa din akong hinehele sa galak. Hindi ako makapaniwalang ang dating estranghero na kinaiinisan ko ay unti-unti ng nahulog sa 'kin.

Bumangon ako sa kama ng may nakakabit na ngiti sa labi ko, kahit alam kong nakakapagod ang araw na 'to.

"Gumising ka na!" narinig ko si mama na isang normal na pananalita ng isang nanay kapag tanghali mg nagigising ang anak niya, isa 'to sa mga ma mimiss ko sa mama ko, ang pag-iingay  sa pagsikat ng araw.

Bumangon ako dahil napagtanto ko na ngayon ang pre-pageant namin, kung saan ipapakita namin ang talento namin sa harap ng madla.

Agad nanlamig ang mga paa at kamay ko sa naisip ko, wala akong talento sa pagkanta pero kahit papaano marunong akong sumayaw. Pero it takes time para mapag choreo ng sayaw dahil wala ng sapat na oras  para mag ensayo.

"Chel, you there?" napatingin ako sa likod ng pintuan kaya napaigtad ako sa gulat.

Oh my gosh.

Kahit hilamos at toothbrush wala ako, bakit kasi napakaaga ng lalaking 'to.

"Chel, wake up, you have talent performance now"

"Yes, i know" nagmamadali akong naligo, kahit malamig ang tubig, binuhos ko na agad sa katawan ko, ramdam ko ang panginginig ko dahil sa lamig ng tubig.

"Faster, it's already 6:30 am" madiin niyang sabi kaya agad akong nagbihis ng baggy pants and oversized na  shirt na white, at hindi na nag ayos ng mukha, kahit pag pulbos sa mukha at tint ay hindi nakapag lagay. Hinaklot ko ang shoulder bag ko na maliit kasama na din ang suklay na nasa mini table ko, at nagsusuklay ako habang palabas ng kwarto. Agad akong napahawak sa mukha ko dahil nabangga ako sa dibdib ng lalaki na ngayon ay humahagikgik sa kalokohan niya.

Inirapan ko siya dahil kay aga-aga ay binabadtrip ako.

Naglakad siya pauna sa akin sa hagdan at inabot ang kamay niya sa kawalan na parang prinsipe sa isang palabas na aalalayan ako.

Natawa na lang ako ako inasta niya dahil hindi naman siya ganito, masiyadong nagpapakilig.

"Ano'ng ka cornyhan yan" tugon naman ni papa sa amin, napahagalpak na lamang ako sa tawa at namula naman ang buong mukha ni Gio sa kahihiyan, napatakip na lamang siya sa mukha niya habang tumatawa ng tahimik.

"Wow, corny! Ang corny mo nga dati noong nanliligaw ka, binibigyan mo ako ng tuyo, eh ano'ng gagawin ko doon?!" sigaw naman ni mama, napatingin naman ako kay papa na nagkakamot ng ulo.

"Eh paborito ng mama mo yun dati, hon" sabi niya habang papalapit kay mama na akmang yayakapin siya pero umiwas siya habang umiirap.

"Huh sino bang nililigawan mo, si mama ko!" nakita ko ang paglaki ng mata ni papa at agad nama akong humagalpak sa tawa, dahilan para matawa kaming lahat sa eksena nilang dalawa.

****

"You have a good and kind parents" nakasakay na ako sa kotse ni Gio upang pumunta sa school, para sa talent portion, para sa pre-pageant.

"Yes, they are, sana ganon na lang lagi, sana makasama ko sila, hanggang sa maging isa na akong flight attendant, pero tanggapin na natin habang nadagdagan ang edad natin, tumatanda na sila" tinitigan ko siya habang nag d'drive habang nakangiti.

"I'm sure, your parents will be proud of you, when you become a flight attendant, and i'm also one of those people who will be proud of you" napangiti ako sa tinuran niya.

Isa 'yan sa mga gusto kong marinig sa mga tao, dahil kapag naririnig ko yan ay pakiramdam ko ay nasusuklian ang mga pagod ko.

"PEEP! PEEP!" bigla akong nagulat sa mga busina ng sasakyan sa likod namin miski ang mga motorsiklo na dumadaan sa gilid namin, ang pinagtataka ko bakit ngumingiti sila sa akin.

Shadows Of Doubt (Shadows Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon