Kabanata 2

54 9 1
                                    

Phone Call

Inayos ko ang tali ng sugat ko sa talampakan, nandito ako ngayon sa gilid ng daanan ng mga sasakyan nagbabakasakaling may magsasakay sakin ngunit bigo ako

Madilim na at madaming lamok na kumakagat sa katawan ko

Napasandal ako sa malaking puno ng tumulo ang luha ko

"Arg kasalanan ko din, bakit ako umiiyak?" napatigil ako sa pagsasalita ng biglang may kumaluskos sa likod ko, napahinto ako at dinaga ng kaba ang dibdib ko

I hate this feeling

Parang may nakatingin sa'kin

Parang may tao sa likod ko

Dahan dahan kong kinuha ang batong may katamtamang laki sa gilid ko at niyakap ito

"Isa" i said while breathing heavily

"Dalawa" handa na akong pukpukin kung sino man ang nasa likod ko

"Tatlo" pinihit ko ang katawan ko sa likod ko, nakita ko ang isang

Pusa

"Meow" bwisit na pusa, muntik na akong himatayin sa kaba

I sighed.

Wala na akong pag-asa, dito na ako magpapalipas ng gabi, kinuha ko ang cellphone ko ngunit walang signal

Kainis...

Tiyak akong sermon ang aabutin ko kay mama, napapikit ako ng madiin dahil nakikita ko ang galit na reaksyon ni papa sa aking imahinasyon

Pumikit ako dahil nararamdaman ko na ang antok na namumutawi sa katawan ko, sumandal ako sa malaking puno at hindi ko namalayang nakatulog na ako

***

Naramdaman ko ang ingay sa paligid, nakita ko ang sarili ko na nakasakay ako sa isang Chevy Silverado

"Nasa'n ako at sino ka?" inaninag ko ang mukha ng driver at namukhaan ko ito

"Walang hiya ka! Iniwan mo ako mag-isa sa gubat tapos ano babalik balik ka, wala kang puso, paano kung kinain ako ng aswang doon sayang lahi ko" pinaghahampas ko siya sa braso

"Can u stop, nag da drive ako, t'yaka hindi ka kakainin ng aswang hindi ka masarap" sabi niya habang nakatingin sa harap niya

"How dare you, 'di mo sure" inirapan ko siya dahilan para mapatawa siya ng mahina

God, he's so sexy

"Can i taste you, nang masure ko" nanlaki ang mata ko

Aba itong lalaking ito walang preno ang bibig

"Manyak! Pervert!" tumawa siya ng malakas

Hindi ko namalayang malapit na pala kami sa tapat ng bahay namin, agad kong naaninag sila mama at papa

"We're here" he said in baritone

Agad gumuhit ang galit na mukha ni dad ng makita akong nakasakay

"My god hija, saan ka nanggaling" panimula ni mama saakin

Inalalayan ako ni dad pababa sa sasakyan, bakas ang pagaalala sa mga mukha nila

Bumaba ang lalaking naghatid saakin at humarap sa amin

"Nakita ko po ang anak niyo sa mga taniman niyo ng mirasol habang ang paa niya'y may sugat, kaya inaaya ko po siyang umuwi ngunit nagmamatigas siya" mahabang eksplanasyon niya habang ako'y masamang nakatitig sakaniya

Shadows Of Doubt (Shadows Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon