Sinturon
Nakakabinging katahimikan ang namumutawi sa hapag kainan, pagabi na at tila sumasabay ang nararamdaman ko, madilim at magulo ang laman ng utak ko.
Inayos ko ang mga kubyertos sa harap ko, hinugasan at tinaob sa lagayan ng mga plato.
Malamig ang gabi pero mas ramdam ko ang paglalamig ng mga kasama ko sa bahay, tila nag ibang anyo sila na para bang iba na ang taong kaharap ko.
Nakita ko ang pagpunta ng magulang ko sa kanilang silid na walang imik.
Agad din akong umakyat sa aking kwarto upang makapag pahinga na, humiga ako at agad kinuha ang cellphone ko.
Chineck ko ang mga socials ko kung may mga updates and online activities na pinasa ang professor namin, pero wala.
Habang nag iiscroll ako sa facebook ay lumabas bigla ang post ng school namin na kailangang maghanda ang mga candidates for pageant photo shoot or official headshot na ilalabas sa publiko bukas.
At isa sa mga requirements ay, swimsuit and make up artist.
Kinabahan ako sa nakita ko dahil wala akong alam pagdating sa paglalagay ng kolorete sa mukha at mas lalong wala akong kilala na magaling sa paglalagay ng make-up.
Dahan-dahan ko na binaba ang cellphone ko habang sabunot ang sariling buhok.
Ano ba 'tong pinasok ko
Kung ano anong pwesto na ng pagtulog aking ginawa pero ayaw pa din ng diwa ko ang matulog o sadyang mas iniisip ko lang ang mangyayari sa pictorial na yan for our official headshot.
I check my phone
Arg, it's already 2:36 am
Tumayo ako sa kama ko at tumitig sa salamin na nasa kanan ko
Kaya ba 'to ng make-ups, may dark circle in my two eyes and eyebag at mga pimple ko na parang mangga na hinog na hinog na.
Habang busy ako sa pagtingin ko sa salamin ng mag ring ang cellphone ko.
Gio is calling...
At sino ang tatawag ng alas tres ng umaga, akala ko natutulog siya ng maaga kasi walang ka pores-pores ang mukha niya.
Pinindot ko ang green button sa screen at tinutok sa tenga ko.
"Why? Ano ang problema?" i asked sarcastically.
"Calm down, wala man lang good morning diyan?" narinig ko ang mahina niyang pagtawa.
"Walang good sa morning ko kung ikaw ang makakausap ko, ano nga? Bakit ka napatawag?" sumandal ako sa headboard at kinumutan ang sarili hanggang baywang.
"Nakita ko, you have pictorial later right?" akala ko ba he's not into social media, kasi halos lahat ng socials niya naka private eh ang pogi naman niya, pwede nga siyang maging instant sikat dahil sa pang modelo niyang katawan at ang mala artista niyang mukha.
"Yes meron, at hindi na ako sasali, wala akong alam sa ganiyan, gastos lang" sabi ko sa linya habang umiiling na para bang nakikita ng lalaki na kausap ko sa cellphone.
"No, sasali ka, gagawa ako ng paraan, may kilala akong make-up artist" napatayo ako sa sinabi niya at mas lalong hindi ako papayag.
"Mas lalong hindi, gagastos ka para sa walang kwentang pageant na yan? You need money for your school expenses Gio"
"Mas lalong hindi ako papayag kapag hindi ka sasali, this is your time to shine" tila nabuhayan ako ng loob sa tono ng boses niya.
"This.is.not.my.time" bawat salita ay pinaramdam ko sakaniya, dahil hirap ako sa pinansiyal ko, dadagdag pa yang pageant na yan.
BINABASA MO ANG
Shadows Of Doubt (Shadows Series #1)
RomanceSa taniman ng mga mirasol na mababango, sa karagatan ng mga luntiang mga damo, mahahanap ko ba ang tunay na pagmamahal na nanggagaling sayo o dudungisan mo lang ito ng pulang dugo? Chelsea Hillary Ferrer, she have a lot of insecurities and she th...