Kabanata 13

12 1 0
                                    

Suffer

Isang nakakasilaw na paligid at tanging puti ang naaaninag ko sa paligid ko, napapikit na lamang ako sa sobrang sakit sa mata ng liwanag, liwanag na namumutawi sa apat na sulok ng silid na 'to

"My baby, you're awake!" napabalikwas na lamang ako sa narinig ko at nakita ko si mama na papunta sa 'kin habang tumutulo ang mga luha sa mga mata

"Honey! Gising na ang anak mo!" sigaw ni mama sa ward, imbes na si Papa ang niluwa ng pinto, sumalubong sa 'kin ang matang nag aalala ng isang lalaki

"Chelsea? Are you okay?" mahinahon niyang sabi habang hinahaplos ang aking pisngi

"Uh- Uh i'm okay" ewan ko ba kung bakit umiikot yung tiyan ko, dahil ba sa nararamdaman ko o dahil sa dagitab na nararamdaman ko na nanggagaling sa kaniyang mga palad

"I'm sorry, hindi sana kita hinayaang umuwi mag-isa, it's all my faul-

"No, it's not your fault" tumingin ako sa mata niya na tanging pag aalala ang laman

Days turned into nights, and Gio spent sleepless hours by my side, bawat galaw ko ay agad siyang nagigising at tinitignan ako ng may pag aalala sakaniyang mga mata

Hanggang ngayon ay iniisip at nagtataka bakit ganon na lamang ang tinuran ng lalaking bigla na lang akong hinuhugot sa dilim

Makalipas ang ilang araw ay pinayagan na akong lumabas ng Hospital dahil ayos na din ang nararamdaman ko, inalalayan ako ni Gio pababa ng kotse

"Gio, may pasok ka pa, you need to go, kaya ko na 'to" umiling siya ng mabilis habang naglalakad kami papasok ng bahay

"Babawi ako sa next class, don't worry about me, alalahanin mo ang sarili mo" inalalayan niya akong umupo sa sofa at nilagyan ng unan ang likod ko

"Thank you Hijo sa pag aalaga sa anak ko ng mga panahong abala kami sa bukid dahil pinagsasaka na" nakita ko sa mga mata ni mama ang sinseridad habang binibigkas niya ang bawat salita

"Walang anuman po" yumuko ng kaunti si Gio bilang pagtanaw ng galang sa magulang ko

"O siya Gio, magpahinga ka na, ako ng bahala kay Chelsea"

"Hijo, mukha ka ng zombie, magpahinga ka na" tinapik ni papa ang balikat ni Gio palatandaang nagpapasalamat siya, bro code ba kumabaga

Pumihit ng tingin sa 'kin ang lalaki at ngumiti

Umalis si Gio ng bahay, biglang kumalma ang puso ko, bumalik ito sa normal na pagtibok

"Freya is Calling"

Napakunot na lamang ako ng noo dahil ngayon lang ulit tumawag ang Childhood Friend ko na 'to

"Hi sis!" napalayo na lamang ako sa aking cellphone dahil sa napakatinis niyang boses na parang tumatagos sa speaker

"Ano?! Ngayon ka lang tatawag kapag naaalala mo!" sermon ko sakaniya habang nakasalubong ang kilay ko

"Pwede bang kumalma ka? Busy lang ako okay? Busy sa mga pogi!" Napairap na lamang ako sa mga sinasabi niya, kahit kailan pogi talaga hanap

"Puro ka pogi no, ikalma mo yang tinggil mo, kapag sinaktan ka nanaman ng mga yan, saka ka lalapit sa 'kin, jusko pagod na akong mag advice Freya!" tuloy tuloy ko sabi sakaniya

"Teka nga lang, wala akong boyfriend no, tiyaka isa pa, marami akong responsibilidad, ayoko ng idagdag yang relasyon na yan" may point naman siya.

Dahil sa panahon ngayon, mas inuuna natin ang pangangailangan ng ating sarili lalo na sa 'ting pamilya. Mahirap maging bread winner ng pamilya dahil sayo lahat i aasa, parang nabubuhay ka lang para sa responsibilidad na iyon, pero hindi mo talaga maiiwasang maiinggit sa relasyon ng iba, tuwing napapagod ka may masasandalan ka, tuwing kinekwestiyon mo ang sarili mo may mag papaaalala sayo na mahalaga ka, sometimes home is a person

"Hey sis, nakikinig ka ba sa mga sinasabi ko" nagising ang diwa ko sa boses na narinig ko sa kabilang linya

"Ano ulit yun?"

"Sabi ko, pupunta ako diyan sa bakasyon?" napatango na lamang ako sa kawalan dahil gusto ko ding nandito siya sa kadahilanang na bobored na ko dito sa bahay

"Sige, basta magdala ka ng milktea ah, matcha flavor" sabi ko na parang batang eksayted sa paparating niyang laruan

"Eww lasang damo" biglang pumintig ang tenga ko sa narinig ko, as a matcha lover nasaktan ako, ems.

"Bakit dati ka bang kambing at nalaman mo ang lasa ng damo!?" sigaw ko sa kabilang linya.

"Chelsea, para kang kinakatay diyan, matulog ka na upang makapag pahinga ka" narinig ko ang boses ni mama na umalingawngaw sa bahay.

"Sige na Freya, magpapahinga na ako" pabulong kong sabi habang tinitignan ang wall clock na nasa harapan ko

"Hindi pa din nagbabago si tita, parang ambulansiya ang bibig" napahagikgik na lamang ako sa sinabi niya.

Tumayo na ako at sinumulang maglakad sa hagdan, iniisip ang mga nangyari sa araw na 'to, parang gusto ko na lamang magka amnesia upang makalimutan ang mga nangyari noong gabing iyon.

Ngayon ay nasa kama na ako, paikot ikot sa kama at hindi mapakali, tila may pinapahiwatig sa 'kin.

Hinangin ng malakas ang kurtina na nasa veranda ng kwarto ko at nakita ko ang aninong kinakatakutan ko sa kurtinang umaagos sa hangin.

"Sino ka? Ano'ng pakay mo sa 'kin" kailangan kong maging matapang, dahil kapag pinakita ko ang kahinaan ko, sasamantalahin niya ito.

"Stay away!" paos at pabulong na sabi niya, tanging anino niya lamang ang nakikita ko.

Hinilig niya ang ulo niya at kita ko ang pag ngisi niya at unti onti siyang tumawa ng mahina.

Kinilabutan ako sa narinig ko, tila hindi pangkaraniwang tawa ang narinig ko, ngayon ay nakatingin kami sa isa't isa, inaalam kung babae o lalaki siya dahil hanggang ngayon ay hindi ko alam ang identidad niya.

"I will make you suffer" pabulong niyang aniya pero klarong klaro ito sa aking pandinig.

"Ano bang kasalanan ko sayo, bakit gabi gabi mo akong ginagambala" pangamba at galit ang namumutawi sa nararamdaman ko ngayon. Dahil hindi ko alam kung saan at paano ako nagkasala sakaniya kung bakit pinapahirapan niya ako.

"It's on you to find out" bigla na lamang siyang nawala na parang bula, nanghina ang mga tuhod ko sa narinig at nakita ko, bumagsak ako sa malambot na carpet habang ang dilim ay yumayakap sa 'kin.

Ngayon ay mamumuhay ako ng may kaba at takot.

Shadows Of Doubt (Shadows Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon