Akala
Nagsimula na ni Carly at ang mga ibang babae na nagsisilbing umaalalay kay Carly upang iabot ang mga kailangan niya sa mukha ko. Ewan ko ba bakit bigla na lang akong pumayag, hindi ko alam ang gagawin ko at hindi ako nagdalawang isip na sumunod sakaniya dahil gusto ko ako naman ang pansinin ng iba dahil halos lahat ng taong nakikita ako ay tanging ang pangit lang ang nakikita nila sa akin.
"Teh, wag kang magulo" napa ayos ako ng higa dahil hindi ko namalayang nanginginig nanaman ako dahil sa mga naaalalang masasakit na nangyari sa akin.
"Aray! Wait ang sakit Carly" napahawak ako sa mata ko at napaupo.
"Hala, natusok kita sa mata? Eh kilay inaano ko" napalapit siya sa akin at tinignan ako habang nakahawak ako sa mata ko.
"Sorry!" halos hindi na siya mapakali at kumuha ng tubig na iinumin ko.
"Carly, what did you do, oh my gosh!" napalapit sa akin ang kaninang busy na nag li lipstick na si Psyche.
"Oh my, sorry Chelsea" paiyak na siya habang nakatitig sa akin ng malapitan na hawak-hawak ang basong puno ng tubig.
"Keme lang bhie" napapose ako ng peace sign habang nakadila.
"Bwisit ka" nanghina ang tuhod ni Carly at napaupo sa sofa habang naka ngiting nakatulala.
Biglang napahiga si Pysche sa sofa at malakas na tumawa kasama ang mga alalay ni Carly.
"Ikaw na babae ka, tutusukin ko talaga yang mata mo" dinuro niya ako maliit na razor na para sa kilay.
"Tara na Carly, let's do this!" humiga ulit ako upang simulan ulit ang naudlot na ginagawa ni Carly sa kilay ko.
"Teh, wala ng prank ah" ngumuso siya na nagmamakaawa.
"Wala na, mas pagandahin mo na ako" masigla ko na sabi habang mahigpit na nakakapit sa bakal sa gilid ko.
Maraming proseso ang ginawa sa akin, mula ulo hanggang paa ay talagang sinigurado nila worth it ang bayad na ibibigay ng customer nila.
****
"Wow, you look majestic gorgeous" halos mapanganga sa akin si Psyche dahil gusto daw niya siya ang gustong makakita ng kinalabasan ng make over saakin
"Are you ready to see yourself, Chelsea" kinabahan ako sa tanong niya, dahil ayoko ng pagbabago, pero kailangan dahil ang pagbabago ang magiging susi ko para tumaas ang kumpyansa ko sa sarili ko.
Dahan-dahan niyang inikot ang upuan ko, sa bawat ikot ng upuan at tila sumasabay ang puso ko na kanina pa kumakabog na para bang gustong kumawala.
"Look" narinig ko ang boses ni Carly na tanda na nasa harap na ako ng salamin.
Marahan ko na tinignan ang sarili ko sa salamin, hindi ako makapaniwalang ang babaeng hindi marunong mag ayos ng sarili ay ngayon ay hubog na hubog ang mukha dahil sa buhok na tamang tama sa face shape ko, ang kulay ko na kayumaggi ay lalong tumingkad dahil sa kolorete na nakasuot sa mukha ko. Ang dalawa kong kilay na plakadong plakado at ang labi kong mala kulay rosas ang pula.
Ibang mukha ang tinitignan ko pero ang puso at damdamin ko ay nandito pa din.
Ang babaeng umiiyak dahil maraming tao ang tingin sa kaniya ay parang isang pirasong basura lamang.
Mas nabuhayan ang loob ko at nakaramdam ng lakas ng loob para humarap sa maraming tao.
"Carly. thank you so much" nagbeso silang dalawa na agad naman akong napatayo.
Mabanayad ko na niyakap si Carly at naramdaman ko din ang pagyakap niya sa akin,
"Thank you Carly for making me beautiful" mas hinigpitan ko pa ang yakap ko upang ipadama ko sa kaniya ang mainit na pasasalamat ko.
BINABASA MO ANG
Shadows Of Doubt (Shadows Series #1)
RomanceSa taniman ng mga mirasol na mababango, sa karagatan ng mga luntiang mga damo, mahahanap ko ba ang tunay na pagmamahal na nanggagaling sayo o dudungisan mo lang ito ng pulang dugo? Chelsea Hillary Ferrer, she have a lot of insecurities and she th...