Kabanata 14

16 1 0
                                    

Pageant

Hindi ko alam kung anong posisyon ang gagawin ko sa pagtulog ko, dahil kahit anong gawin ko ay ayaw ng diwa ko na matulog, tila nag aalangan sa kaligtasan ko.

Alas tres na ng madaling araw pero heto ako dilat na dilat pa ang mga mata, habang iniisip ang mga mangyayari ngayong araw na 'to.

Nakakapagod, nakaka ubos ng enerhiya, natatakot ako sa seguridad ko, dahil sa nangyari kagabi hindi ko maiwasang isiping may banta ang bawat pagkilos ko.

"Oh my gosh girls, look may pageant" naglalakad ako sa corridor ngayon agad na sumalubong sa'kin ang bali balitang pageant para sa school.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at hinayaan na lamang ang mga estudyante,  dahil wala naman akong interes para sumali diyan.

Natanaw ko ang silid aralan naming maraming nakapilang mga kababaihan.

"Anong meron?" tanong ko sa sarili ko.

Naglakad ako ng mabilis upang tignan ang nangyayari, dagli akong lumoob sa room at nakita ko ang tatlong may katamtamang edad na nakaupo sa harap.

Nakuha ko ang atensyon ng lahat.

"Next Auditionee!" sigaw ng isang bakla nat oorganize.

"Ay girl, ikaw na ba, punta na sa harap!" umiling ako ng paulit ulit. No hindi ako, nakapasok lang ako ng hindi ko sinasadya

"Opo siya yung isa diyan" sigaw ng nasa likod ko at nakita ko si Psyche

"Go girl!" sigaw niya habang hila-hila ako ng bakla.

Narinig ko ang mga bulungan at panlalait sa 'kin, tanging ingay at gulo lang ang naririnig ko, para akong nabibingi sa naririnig ko.

"What's your name" nabalik ako sa reyalidad sa narinig ko, bumubuka ang bibig ko pero walang lumalabas na salita at tunog

"Miss are you okay? I'm asking you. What's your name?" napatingin ako sa lalaking may hawak ng mikropono

"I'm Chelsea Hillary Fe-ferrer" nanginginig ang bawat parte ng katawan ko, dahil sa kabang nararamdaman ko

"This is your question, laganap ang nakakaranas ng body shaming sa mundo,  ano ang iyong nararapat na gawin" nabingi ako sa narinig ko at nag po proseso sa utak ko ang tanong

"Ang body shaming ay isa sa mga toxic na ugali ng mga tao, biktima ako ng panlalait lalo na ang katawan ko, gusto kong iparamdam sa mga biktima nito na maganda ka kahit anong body type mo, you are beautiful no matter what they say" nabunutan ako ng tinik sa leeg ko dahil nasabi ko ang sagot kong hindi nauutal, nakita ko ang pag ngiti ng mga tao sa harap ko at hindi ko maiwasang mapangiti sa mga nakita ko

Natapos ang audition pagkatapos ko, dahil puno na daw at anim lang ang hinahanap nilang kandidata

"Yas girl, you did it!" pinulupot niya ang kamay niya sa braso ko

"Hindi naman dapat ako sasali doon, aksidente lang akong nakapasok" inis ko sabi habang naglalakad kami upang kumain ng lunch

"That's okay, atleast nakapasa ka diba" she look into my eyes with happiness, hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa tinagal tagal ko dito, nakakilala na ako ng kaibigan ko.

Pumunta kami sa cafeteria at umupo sa pinaka dulo upang walang masiyadong estudyante na maingay

"What do you want? My treat!" napapalakpak naman ako sa tuwa dahil makakatipid nanaman ako, syempre bawal ayawan ang libre

"Hmm palabok and iced tea" sabi ko habang nakangiti

"Okay noted, wait for me" habang hinihintay siya ay kinalikot ko muna ang cellphone ko

Nag scroll ako sa socials ko at nakita ko ang post ni Gio ng nakangiti habang kasama niya ang SSG President ng school namin, mukhang katatapos lang mag practice ng basketball dahil pawis na pawis siya sa litrato. Pero ang napansin ko ay ang paghawak ng lalaki sa beywang ng babae, sa lahat ba niya 'to ginagawa, kung gayon napaka friendly naman niya

"Ohh, stalking huh?" napaigtad ako sa nagsalita sa likod ko

"Hindi ah, napadaan lang sa newsfeed ko" napa iwas ako ng tingin sakaniya dahil pagdating sa mga tingin niya, tila nang aasar ito.

"Sus! You like him?"

"Psyche."

"What? Just asking Chel" nag kibit balikat na lamang siya at sinimulan na naming kumain dahil ilang minuto na lamang ay male late na kami sa klase.

Naghiwalay na kami ng patutunguhan ni Psyche dahil sa kabilang building pa siya samantalang ako ay malapit lang sa Cafeteria.

Nag discuss at nag short quiz lamang kami sa subject namin ngayon, hindi naman ako nahirapan dahil nakinig naman ako sa discussion, wala na akong class ngayon dahil puro vacant. Kaya napag desisyunan ko ng umuwi

Papalabas na ako ng classroom ng biglang sumalubong sa 'kin ang nakangiting si Gio

"Let's go home?" he said with baritone voice

"No, kaya ko na" nilagpasan ko siya sa kinaroroonan niya at nagtuloy tuloy maglakad

"I heard something, sumali ka ng pageant?" sabi niya habang naglalakad sa likod ko

"Hindi ako sumali, aksidente ang pagpasok ko doon" hinahawi ko ang buhok kong nalalaglag sa pagkaka ipit

"Congrats, official candidate ka na daw" nagulat ako at napahinto sa paglalakad

"No, i don't want Gio, cancel it" nakatingala kong sabi habang hawak hawak ang strap ng bag ko

Nakita ko kanina kung paano ako maliitin ng mga tao, sa nakikita nila para akong isang basura na kahit sa anong anggulo hindi ka aya ayang tignan.

"Why not, you are be-beautiful Chel" hinawi niya ang buhok at pinunta sa sulok ng tenga ko

"I-im not" naluluha kong sabi habang nakayuko

"You are" he said with so much adoration

"You are lying, look at my body, is it beautiful? Look at my face, is it beautiful?! Tignan mo ako ng kabuuan, maganda ba ako? Now tell me!" kasabay ng pagluha ko tila nakiramay ang ulan sa sakit na nararamdaman ko.

"Lahat ng sayo, gustong gusto ko" tila may humaplos sa puso ko sa sinabi niya.

Hindi ko akalaing ang estrangherong lalaking nakilala ko sa taniman ng mirasol, kaharap ko na ngayon at pinapataas ang kumpyansa ko.

"Ikaw ang estrangherong hindi ko pinagsisisihang nakilala" dagli akong yumakap sakaniya habang ang mga patak ng ulan ay dumadaloy sa 'ming katawan, at hindi alintana ang lamig ng ulan dahil mas nangingibabaw ang init ng yapos naming dalawa.

"Salamat Gio" bulong ko sa kawalan habang nakaguhit ang ngiti sa aking mga labi.









Shadows Of Doubt (Shadows Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon