Kabanata 6

21 2 0
                                    

Stranger

Inayos ko ang sarili ko sa salamin upang mawala ang atensyon ko kay Gio at sa babae na sobra ang pagigising clingy sa lalaki, ayan parehas pala sila ng love language, mag cuddle sila magdamag

"Who's that girl?" bakas sa babae ang irita sa boses niya

"She's the daughter of Mister Ferrer"

"Oh, ang may-ari ng isa mga pinakamalawak na lupain" rinig ko ang masungit niyang boses, siguro naiinis siya na nakita niyang may kasamang babae sa kotse si Gio and maybe isa sa mga ka fling ni Gio

Wala namang issue 'to, sumama lang ako dito dahil mag papa enroll ako, nilabas ko ang cellphone ko at binuksan ang Facebook upang maging update ako sa mga nangyayari sa mga kaibigan ko

"Hoy babae, kamusta ka na" nag pop up bigla ang message ng kaibigan ko sa Quezon city na kaklase ko din

"Hi Hillary, how are you?" nagulat ako ng nag pop ang isa sa mga ex ko na si Kio, ang kapal ng mukha na mag chat saakin, pagkatapos niya akong iwan sa ere, mag cha chat na lang bigla-bigla, nahuhulog na ako sakaniya, nililigawan niya ako then nakita ko na may ineentertain ng ibang babae, diba ang kapal ng mukha

Nakita ko kung ang pag beso ni Gio at ang babae at agad na umalis ang babae na masungit akong inirapan, aba matindi, tusukin ko kaya mata nun

Pumasok ng kotse si Gio at agad naman akong nagkunwareng may kausap sa cellphone dahil sa ngayong oras ayokong makausap siya, naiinis ako sakaniya, i don't know the reason pero naiinis ako sakaniya

Tinapat ko ang cellphone sa tenga ko

"Hi ma, yes ma nandito na ako, magpapa enroll na po ako" nakita ko sa peripheral vision ko kung paano tumitig saakin si Gio ng maigi

Narinig ko ang mahina niyang paghagikgik sa gilid ko at agad na bumaling sakaniya gamit ang matatalim kong tingin

"Can you please stop laughing?" inirapan ko siya at agad na tinapat ang cellphone sa tenga ko

"Yes ma, mag-iingat po ako" binaba ko ang telepono ko at tumingin sa diretso

"May kausap pero baliktad yung cellphone?" tumawa siya ng malakas at humahampas sa nobela sa sobrang kasiyahan

Napalubog ako sa inuupan ko dahil sa hiya, hindi ako makatingin sakaniya ng diretso at agad na nakaramdam ng hiya sa katawan

"Are you hungry na?" agad na pambabasag niya sa katahimikan

Hindi ko pinansin ang tanong niya bagkus lumabas ako sa kotse at nagsimulang maglakad lakad upang maghanap ng makakainan

Naramdaman ko ang lalaki na sumusunod saakin habang ako ay patuloy pa rin sa paglalakad para makakita ng lugar kung saan ang pwedeng makainan

"Are you mad?" malamyos na sabi niya saakin

Humarap ako sakaniya at tinaasan siya ng kilay

"Huh, why would i?" tumingin ako sa mga mata niya habang ako ay nakatingala dahil sa katangkaran niya

Bakit ako magagalit sakaniya? Wala akong pake kung ano ang gawin niya ngayon kasama ang babae na yun, kahit maghalikan pa sila sa harap ko habang naglalampungan

Shadows Of Doubt (Shadows Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon