Kabanata 10

18 1 1
                                    

Navy Blue

Bumaba ako sa kotse na ngayon ay sira dahil huminto na lang bigla ito sa gilid ng kalsada

"Ano'ng nangyari?" tanong ko sa lalaki na ngayon ay busy na tinitignan ang ilalim ng kotse niya

"Umusok na lang bigla" napahilamos siya sa inis at napabuntong hininga na lamang

"Wait, i'll call my dad" kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at agad na pumunta sa contact upang tawagan si papa

"Go inside" makatuwirang utos sa 'kin ni Gio, sumunod naman ako agad dahil maraming kumakagat na lamok sa binti ko na ngayon ay kinakamot ko na

"Dad! Oh my gosh, thank you for answering!" narinig ko ang inaantok na boses ni papa sa kabilang linya, nagising ko yata siya

"Dad, nasiraan kami dito sa Arimal, hmm malapit sa bridge" mahinahon kong sabi habang nakatingin sa side view mirror

"Okay, papunta na anak" narinig ko ang pagmamadali ni papa na lumabas, agad ko ding pinatay ang tawag dahil alam ko na sa ilang minuto ay nandito na si papa

Napabuntong hininga ako at nabunutan ng tinik sa dibdib dahil ayoko ang aura ng paligid namin ngayon

"Gio, calm down, papunta na si pap-" nasilip ko ang side mirror ng kotse na may nakatayong lalaki na nakasuot ng hoodie jacket sa likod ni Gio

Tumindig ang balahibo ko dahil ito nanaman ang lalaking laging nagpapakita sa 'kin, ang lalaking ginagambala ako tuwing gabi

"Chelsea wake up!" napadilat ako bigla at habol-habol ang hininga na nagising

"Are you okay?" nakita ko si Gio na ngayon ang minamaneho na ang kotse niya

"Yes, i'm okay" napalunok ako at taas kilay ko siyang tinignan

Napansin naman niya ang dagliang reaksyon ko na ngayon ay alam niya na ang iniisip ko

"Thanks to your dad, pinaayos niya itong kotse ko pero babayaran ko din, i will work 24 hours para mabayaran ko" tumama ang paningin niya sa 'kin na iniwasan ko agad, dahil alam kong hindi ko kakayanin ito

"You don't need to do that" hindi niya kailangang gawin ang sinasabi niya, alam ko kasing bukal sa loob ni papa na tulungan si Gio dahil malaki din naman ang pasasalamat namin sa Papa niya

"Kanina akala ko umalis ka na sa sobrang takot, but i saw you na nakanganga na natutulog" agad niyang pinakita ang picture ko sa cellphone niya

What the fuck, ang pangit

"Gago ka! Kinukuhanan mo ako ng litrato ng walang paalam sa 'kin, privacy act yan!" sigaw ko sakaniya na ngayon ay tumingin siya sa 'kin ng nakakaasar

"May nag i stolen pic ba na nagpapaalam?" tumawa siya ng nakakaasar at pinagsasapak ang braso niya

Nakarating kami sa bahay namin ng alas otso na, hindi na nakapag paalam si Gio kila papa at mama dahil gabi na din at hinahanap na siya ng papa niya

Agad bumusina sa gate namin ang kotse ni papa

"Pa, nakalimutan ko hehe ikaw pala yung nagpagawa ng kotse ni Gio" napakamot na lamang ako sa ulo dahil sinara ko ang gate namin ng wala pa si papa

"Naku anak, uminom ka na ng MX3, mukhang ulyanin ka na" sigaw ni papa sa bintana ng kotse niya na kulay puti

"Papa naman!" napahagikgik na lamang ako sa biruan namin

"Thank you nga pala pa, nasiraan kasi kami kanina" bumaba ng kotse si papa na ngayon ay nakangiti siya

Kaya siguro nahulog si mama kay papa dahil sa mga ngiti niya, pag ngingiti si papa ay kasama ang kaniyang mga mata na tila ba nagiging singkit, may kahawig si papa na artista yun ay si Ian Veneracion na singkit version

Inakbayan ako ni papa habang papasok kami sa pintuan ng bahay

"Walang anuman anak, para sa sainyo ng boyfriend mo" tumingin ako ng masama kay papa

"Papa, hindi ko boyfriend si Gio, he's a good friend" agad kong paliwanag kay papa na ngayon ay nakaupo sa sofa

"Why not, pogi si Gio, he's smart and kind, bagay kayo" napakamot na lamang ako sa ulo ko

"Ano nanaman yang biruan niyong mag ama, aba baby princess ko pa yan, hindi pa 'yan mag jojowa" dahan dahang lumapit sa 'kin si mama na ngayon ay nakayakap na sa 'kin

"Aba'y honey, damulag na yan, nineteen na yan, tumatanda na" napasimangot ako sa pang-aasar ni papa sa 'kin

Mahigpit na niyakap ko si mama, wala pa ding makakatalo sa pagmamahal ng isang ina

"By the way anak, kailan mo ako bibigyan na apo?" bulong ni mama sa 'kin

"Mama naman!" kumalas ako agad sa pagkakayakap ko kay mama na ngayon ay sabay na silang tumatawa, tuwang tuwa talaga sila kapag naaasar ako

••••••

Mga huni ng ibon at lagiswis ng hangin ang bumungad sa pandinig ko, agad kong tinignan ang orasan sa gilid ko

6:36 am

Napabalikwas ako sa hinigaan ko at agad na may dumagan sa 'king mabalahibo at malaki

Isang malaking aso

"Maaaaaaa, may halimaw!" ramdam ko ang malambot na dila na dumadampi sa mukha ko

Tinulak ko ang nasa harapan ko at agad kong nakita ang malaking aso na golden retriever na nasa harapan ko ngayon

"Arf arf"

"Psh nandito ka lang pala milo" pawis na pawis na sabi ng lalaki na nasa harapan ko ngayon

Gio.

Nakita ko ang paghingal niya dahil sa paghahanap sa aso niya

"Pwede ba, itali mo yang aso mo" sabi ko habang pinupunasan ang basa kong mukha dahil sa laway ng aso kanina

"Oh sorry for that, nilalambing ka lang ng aso ko" sinandig niya ang kamay niya sa door knob ng pintuan ko na ngayon ay may tali na siyang hawak hawak sa kamay niya

"Pwede bang umalis ka na, this is my bedroom, trespassing ang ginagawa mo" bumaba ako at tinulak siya ng tinulak pero bigo ako, masiyado siyang mabigat para itulak ko

"Arg nakakainis ka" tumawa lamang siya ng mahina at tinulak ako sa kama ko

"Ayan, naiinis ka na ba lalo, o gusto mo pang mas inisin kita?"  napaupo ako sa gilid ng kama ko, dahan dahan niyang tinukod ang dalawang kamay niya sa magkabilang gilid ko

Napalunok ako ng malaki sa ginawa niya

"My favorite color now is navy blue"  nakita ko na gumalaw ang mata niya tungo sa dibdib ko and i saw the color of my bra

It was navy blue....

"You perver-"

"Shhh" tinakpan niya ng hintururo niya ang bibig ko dahilan para mapatigil ako sa pagsasalita

Tanging mabigat na paghinga ko lamang ang namumutawi sa aming dalawa, hindi niya alam na ang bawat pagkilos niya ngayon ay unti unti na akong nahuhulog

"Maghanda ka na, we're late, maghihintay ako sa labas" mahinahon niyang bulong sa tenga ko na ngayon ay nanindig ang balahibo

Nakita ko ang pag-alis niya kasama ng aso niyang si Milo

Wtf just happened....

Shadows Of Doubt (Shadows Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon