Kabanata 20

10 2 0
                                    

Sulat

Sabi ko sa sarili ko, hindi ako susugal sa isang tao, dahil sa ngayon walang mapagkakatiwalaang tao pagdating sa pagmamahal.

Maraming mga artista ang natapos ang relasyon, pogi at magaganda na yun, iniiwanan pa rin eh paano naman ako na hindi na nga kagandahan hindi pa ka pursue pursue.

Dati, naiinggit ako sa mga babaeng makikinis ang balat, maganda ang katawan.

Umiiyak pa ako sa harap ng salamin at kinekwestiyon kung bakit ganito lang ako, bakit hanggang dito lang ako?

Pero ngayon may lalaking nagpaparamdam sa 'kin kung gaano ako kaganda sa araw-araw.

Ngayon, nakatitig ako sa mata ni Gio na puno ng pagmamahal at totoo.

"Tara na sa loob, malamig na masiyado" binasag ni Gio ang katahimikan.

Nakahinga ako ng maluwag dahil kanina pa ako kinakabahan sa mga sinasabi niya.

Hindi ko namalayang bumagsak na ang katawan ko sa passenger seat at pumikit na ang mga mata, dahil sa pagod at lamig ng panahon.

****

"Chel, we're here, wake up" naramdaman ko ang banayad na pagyugyog ni Gio sa 'kin, minulat ko ng dahan-dahan ang aking mga mata at kinusot ito.

"Nandito na tayo?" tinignan ko si Gio at tumango ito, malalim na ang gabi, tanging hangin sa paligid lamang ang maririnig.

Mabilis na bumaba ng kotse si Gio at binuksan ang pintuan na nasa harap ko at inalalayan ako pababa.

"Salamat" napayuko na lamang ako at ngumiti.

"Mag-ingat ka sa pag-uwi" akma na akong papasok ng gate ng hilain niya ako dahilan para mapayakap ako sa kaniya.

"Good night, Chelsea"  malalim at madiing sabi niya, ramdam ko ang mainit na hininga sa tenga ko.

Dahan-dahan kaming kumalas sa pagkakayakap at nakita ko ang hindi niya mapakaling mata at pamumula ng tenga niya.

"Sor- ah eh good night, mauna na ako" agad siyang umalis sa harap ko at nakita ko ang pagkamot niya sa ulo niya.

Cute.

Hinintay ko munang makaalis ang kotse ni Gio at bumusina ito ng tatlo bago umalis.

Bubuksan ko na sana ang gate namin ng makita ko ang nakasiksik sa butas ng gate.

Binuksan ko 'to at nakita ko ang kulay kayumanggi na papel at may bakas ito na parang itim na dugo at nakasulat ito sa nakakatakot na paraan.

Binuksan ko 'to at nakita ko ang kulay kayumanggi na papel at may bakas ito na parang itim na dugo at nakasulat ito sa nakakatakot na paraan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Te arrepentirás de lo que hagas"

Ano'ng ibig sabihin ng sulat na 'to, nagmamadali kong binuksan ang gate at pumasok na sa bahay na halos habol ang hininga.

Shadows Of Doubt (Shadows Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon