Kabanata 4

28 3 0
                                    

Hapon

Nakita ko sa mata ng lalaki ang pag aalala at agad lumakas ang kabog ng puso ko na tila kakawala sa dibdib ko, dahil siguro sa kaba dahil masiyado kaming malapit sa isa't isa

"Bitawan mo'ko" tinignan ko siya ng ma awtoridad, dagli dagli naman niya akong binaba, inayos ko ang nagusot kong damit at hinahaplos ang aking balat dahil ramdam ko pa din ang kuryenteng dumadaloy dito

"Bawal ang lampa dito" narinig ko ang mahina niyang tawa habang palayo siya sa pwesto ko

Agad ko siyang inirapan at suminghap ng hangin, nawawalan na ako ng pasensya sa lalaking ito, konti na lang masasapak ko na siya

Bumaba ako sa putikan, naramdaman ko ang paa ko na unti onting lumulubog sa putikan, pahirapan ang paglakad dahil kailangan mo pang tanggalin ang bota na nakalubog sa putikan

Sawakas nasa gitna na ako malapit na ako sa lalaking busy na nagtatanim

Nakita ko ang braso niya na tuloy-tuloy sa pagtatanim, nag gy-gym kaya siya hubog na hubog ang katawan niya, ang braso at ang likod niya and his broad shoulder, siguro dahil sa pagta trabaho sa bukid kaya ganito na lamang ang built ng katawan niya, bakit ko ba naiisip 'to dapat itong pagtatanim yung iniisip ko nang matapos na 'to, hindi pa ako nagsisimula pero pagod na ako

Nang maramdaman niya ako sa likod niya, agad siyang lumingon saakin

"Bilisan mo, madami pa ito" sabi niya habang naka salubong ang kaniyang dalawang kilay

"Teka lang ha? Mahirap kasi lumakad boss" inirapan ko siya ng dalawang beses

Nakapwesto na ako sa tabi niya at lumingon agad siya saakin

"Ang init!" reklamo ko habang nagpapaypay gamit ang kamay ko, agad nagsi agusan ang mga butil ng pawis saaking noo at leeg

"Here" inabot niya sa harap ko ang salakot na walang pag aalinlangan

Dahan-dahan ko itong kinuha at sinuot

"Salamat" tumingin ako sakaniya na seryosong nagtatanim at pokus na pokus

"Ano pang tinatayo mo diyan, kumilos ka na" nahimigan ko ang pagsusungit niya saakin, dahilan para mainis ako dahil

"Paano ako magtatanim e hindi mo pa ako tinuturuan?" pinagtaasan ko siya ng kilay at dahan dahang sumilay ang ngiti niya na pilit habang kumakamot sa ulo na tila may makati

"Oo nga pala" nag peace sign siya at lumapit sa gabundok na palay at kumuha at inabot saakin

"May third steps para sa pagtatanim ng palay"

"First, tingnan mo muna yung string na nasa tapat mo, yan ang magiging guide mo upang maging straight ang pagtatanim mo" he said while looking at me

"Second, hawakan mo ang dulo nito para pag tinusok mo ito magiging malalim" tinaas baba ko ang ulo upang tanda na naiintindihan ko ang sinasabi niya

"Third, itusok mo na at dapat sure ka na talagang nakatanim ng maayos kung hindi patay tayo sa papa mo" natawa ako ng bahagya sa sinabi niya

"Okay i get it, mag iistart ako dito?" tinuro ko ang espasyo na hindi pa natataniman

"Yes, mag start ka na, papanoorin kita" agad kong sinunod ang tinuro niya saakin at agad ko naman itong nasundan at tuloy tuloy na ito

"Hey, hindi na pantay ulitin mo!" sigaw niya habang nakaupo at nagpapahinga

Tinanggal ko ang anim na nakatanim dahil nawala na ito sa linya, tinignan ko ang string at pantay-pantay ko itong tinanim

"Yan good" sabi niya habang nakangiti habang kumakain ng rebisco

Shadows Of Doubt (Shadows Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon