Chapter 31
"Liya, n-nahihiya ako, natotorpe a-ako sayo. Pasensya na. Pero talagang mahal na kita."
Mahihimatay yata ako sa nararamdaman ko ngayon. Alam mo yun? Ito ba yung butterflies in the stomach?
"Loyd, mahal din kita." Kilig kong sabi sa kanya.
Grabeee as in! Ganito pala ang feeling hays. Bakit ngayon ko lang kasi naramdaman 'to. Parang ako na ang pinakamasayang tao sa mundo. Ok lang na maging corny.
Nagulat ako nung naramdaman ko yun kamay ni Loyd na mahigpit na hawak yung kamay ko. Napakagat labi ako sa pagpipigil ko ng ngiti ko pero balewala kasi nakawala pa din sa akin ang isang malawak na ngiti. Arghh haha.
"LIYAAAAAAAA!" Si papa? Teka bakit nandito si papa? Nakita kong bumaba ang tingin niya sa kamay namin siguro siya nakatingin kaya napabitaw ako kay Loyd.
"LIYAAAAA! HOY ANONG ORAS NA BUMANGON KA NA."
AMMP -.- panaginip lang pala yun? Tss. Kinabahan ako dun ah. Sinabi ko kay papa na susunod na ako. Lumabas na din naman siya ng kwarto. Ako naman, naiwang nag-iisip. Paano kaya ang reaksiyon ni papa kapag ganun na si Loyd at ako na nagmamahalan. Approve kaya?
"Haaaaaays ano ba yan wala akong ka-ide-ideya." Napasabunot ako sa buhok ko. Nakakastress 'to ha. Haha charot lang.
Kumain na ako kasabay sila papa. Yung kapatid ko naman tanong ng tanong ng nangyari sa fieldtrip as usual. Naligo na ako at pumasok na ng school. Habang nasa byahe ako at malayo pa naman ay lumilipad na naman ang isip ko. Buti pa yung sa panaginip ko. Nasabi ko kay Loyd na mahal ko din siya. Samantalang nung isang araw na nagtapat siya sa akin ay hay nako. Nakakahiya -.-
*flashback*
"Liya, n-nahihiya ako, natotorpe a-ako sayo. Pasensya na. Pero talagang mahal na kita."
Mahihimatay yata ako sa nararamdaman ko ngayon. Alam mo yun? Ito ba yung butterflies in the stomach?
Nakatitig lang ako sa mata niya. Gusto ko din magsalita pero walang lumalabas. Bigla niya akong niyakap. Mas bumilis ang tibok ng puso ko. Wew. Sasabog na yata ang puso ko putek.
"Ok lang kahit wala kang isagot sa sinabi ko. Masaya ako at sa wakas nagkaroon ako ng lakas ng loob para masabi ko ang nararamdaman ko para sa'yo. Ikaw na kaaway ko dati tapos ngayon ikaw na yung mahal ko. Gagawin ko lahat ng kaya ko para maipakita sa'yo ang pagmamahal ko."
Shemssssss! Nagwawala na ako sa loob loob ko. Parang naghaharlem shake na. Waaaaaaa! Pero istatwa lang ako ngayon. Hirap mag-sink in lahat ng sinabi niya sakin. Aww.
"Ehem? Pinapabalik na po nagtext na sakin tayo na lang dalawa ang hinihintay Liya." Binasag ni Mary ang moment namin ni Loyd.
Ayoko man matapos ang araw at ang moment na ito pero kailangan na namin maghiwalay dahil uwian na. Parang gusto ko pa siya kasama. Bitin sa moment? Haha. Graaabe pala ang epekto talaga ng love.
Nang makapasok kami sa bus ay pinagsabihan kami na ang tagal daw namin. Ginala ko ang mata ko sa bus pero hindi ko natanaw si Ace.
"Teka, hindi pa kumpleto wala pa si Ace." ginala ko muli yung mata ko para masigurado.
"Namiss mo ba ako? Nag-cr lang ako hinanap mo naman agad ako." tss. Pasalamat siya good mood ako ngayon kung hindi nako baka nabara ko na siya.
Pagod na pagod ako nang makarating ako sa bahay.
*end of flashback*
"Miss hindi ka pa ba bababa? Pabalik na ako." napa-'ha?' pa ako sa driver at nang tumingin ako kung nasaan na ako.
BINABASA MO ANG
Can't Be In Love [ONGOING]
RomanceSi Aliya ay isang simpleng babae na masayahin, mabait at alam lahat ng romantic movies at kung anu-ano pang tungkol sa love. Ano kaya ang mangyayari kung matagpuan niya ang lalaking magmamahal sa kanya? Magiging success at nakakakilig kaya ang love...