Chapter 20

12 0 0
                                    

Chapter 20

What's happening to me?! Why I'm always like this whenever I see him? Ayst!

"Kita na lang tayo sa room Clay ah. Na-c-cr ako." yun lang ang napakababaw na excuse na nasabi ko. Ang alam ko lang kailangan ko iwasan itong tao sa harap ko. Natataranta ako.

"Wala man lang good morning din Liya?" yung last word na sinabi niya ay biglang nag-echo sa utak ko. Tinawag niya ako.

"Morning din" yan lang ang lumabas sa bibig ko. Ni hindi ko siya nilingon ng kahit konti. Ayokong makita yung mukha niya. Pero shemay. The fact na biglang nag appear sa utak ko yung mukha niya pagkasabi ko na ayaw ko makita ko ang mukha niya. Magulo ang sinabi ko pero madali nyong magegets yun. Tae!! Napailing na lang ako sa pakikipag-away ko sa isip ko.

The more na ayaw mo tsaka naman gusto ilapit sa'yo ng tadhana. At the more na ayaw mo siyang isipin, kabaligtaran ang nangyayari. >.< I tried to reverse na kapag sinabi ko na iisipin ko ang mukha niya baka sakali na kabaligtaran ang mangyari pero tae lang... Hindi. Amp! Naiisip ko nga talaga at super clear pa. Badtrip lang!

I really need someone right now to have some advice. 

Nagawa ko na pakalmahin ang utak at puso ko kaya nakapunta na ako ng room. Nadatnan ko na wala na doon si Clay.

"Liya, kinuha na namin ni Clay yung sa amin. Pati ito na din yung bayad." inabot sa akin yung paper bag kasama yung bayad.

Sinabi din ni Ace na madami sa mga kaklase namin ang may gusto umorder.

Nilista na pala niya yung mga pangalan sa maliit na papel. 

"Oo nga pala Liya uhm ako din pa-order ng cookies mo ha." mahiya hiya niyang sabi. Ang cute lang ni Mary. 

"Sure!" mukhang madami dami akong gagawin ngayong araw na 'to.

Bestie calling...

Wow si bestie tumatawag. Nung sinagot ko e bigla akong sinigawan at pinagalitan. Sakit sa tenga pramis  waaaa! Nagalit sa akin kasi hindi ko sinabi sa kanya na patay na si mama. Hay. Pinaliwanag ko naman sa kanya. Sinabihan ba akong loner at emo. Tss. Pero ok lang namiss ko talaga ang bestie ko. Dumaan sa room namin si Loyd. Shet! As in ngayon putik. Bumilis na naman ang tibok ng aking puso. At sinabi ko kay bestie na may mahalaga akong ikukwento sa kanya.

Can't Be In Love [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon