Chapter 10
Oh no!
Parang nahihilo ata ako. @_@ Tumayo ako at umupo sa may hagdan at umubob ako.
"Huy hala sorry Liya." nakaubob lang ako at nagthumbs up. Nahihilo ako shemay.
"Liya, uy paharang harang ka kasi e. Sorry nagmamadali lang din kasi ako" ako pa daw humarang.
"Sira ok lang sige na. Kaya ko 'to." tapos tinry ko tumayo. Parang nanghihina ako.
"Teka, namumutla ka e. Halika nga tsk dadalhin na kita sa clinic" sabay hinawakan ako sa braso.
"Hindi hindi pupunta na kong room. May klase na ko e." hindi ko maalis kamay ko. Nanlalata ako."Uy kamay mo".
"Hindi ka ok oh. Ayst! Namumutla ka na teka wag kang magagalit ah. Bubuhatin kita."
"AYAW!" sabi ko sa kanya.
"Sumisigaw ka na niyan?" bwisit naman tong yabang na 'to.
"Wag na ayoko pumunta sa clinic Loyd. Nagmamadali ka hindi ba? Mawawala din 'to tsupi na. Maya na utang ko sayo. Umiikot yung paningin ko e" sabay umupo ulit at umubob. Pumikit ako para makaipon ng lakas tumayo.
"Oyyyy" nabingi ako sa sigaw ng bwisit na ito. Hindi ko na lang pinansin kasi talagang umiikoy ang paningin ko kahit nakapikit ako
"Oooooy tomboy." salita naman 'to ng salita.
"Tsk sabi na hindi ka ok e. Lika na" tae naman 'to binuhat ako ni Loyd yabang amp ang kulit. Nakakahiya naman.
"Alam mo bang nakakahiya yung ganito?" mahinang sabi ko sa kanya.
"Ingay mo. manahimik ka na lang diyan pwede? dadalhin kita sa clinic sa ayaw at ayaw mo. Wala kang choice kasi ako ang may buhat sa 'yo. Namumutla ka na oh. Ang lamig kaya ng kamay mo."
Oo tama nga siya. Pero ayoko magpakitang weak. Umiwas na lang ako at nanahimik. Ito ang unang beses na hindi ako sumagot pabalik sa kanya. Pero nailang ako bigla. Ewan ko kung bakit. Nagtitinginan yung ibang tao. Baka akala nila, nagtataping kami dito ng project. Sino ba naman ang hindi mapapatingin kapag nakakita ka ng lalaki na buhat buhat ang isang babae? Sa palabas lang yun hindi ba? Napapapikit ako sa hilo. Para akong inaantok ang lamig ng pakiramdam ko.
"Uy wag ka nga pumikit diyan" epal talaga 'to bahala ka diyan.
"Hoy Aliya."
"Parang inaantok ako" napapapikit talaga ako.
BINABASA MO ANG
Can't Be In Love [ONGOING]
RomanceSi Aliya ay isang simpleng babae na masayahin, mabait at alam lahat ng romantic movies at kung anu-ano pang tungkol sa love. Ano kaya ang mangyayari kung matagpuan niya ang lalaking magmamahal sa kanya? Magiging success at nakakakilig kaya ang love...