Chapter 23

14 0 0
                                    

Chapter 23

Mabilis na lumipas ang bakasyon at ito pasukan na naman. Kung tatanungin niyo kung kamusta ang bakasyon ko, masasabi kong naging masaya naman :D kasi walang pasok. Haha! Wala namang masyadong kakaibang nangyari. Sa nagdaang New Year ay hindi ko alam kung anong nangyari XD

Wanna know why?

Kasi naman e nakatulog ako :/ sayang nga at hindi ko man lang nakita ang fireworks. Panigurado ako at napakaganda ng mga iyon. Kakauwi ko lang galing sa klase :) 

Nandito ako kung saan ako nagsusulat ng sama ng loob at kung anu-anong matripan ko XD. Naalala ko bigla si loverboy. Dali-dali kong tinignan kung mayroon ba siyang sulat este vandal sa pader. Kaso wala. 

Nagsulat ako at umalis. Sana sa susunod na pagbalik ko ay may vandal na mula kay loverboy. 

Tinuloy ko pa din yung trabaho ko pero tuwing weekends na lang kasi hindi ko kinakaya lalo kapag madaming order. Nakakastress!  Charot lang. Minsan nagagawa ko ng matulog sa klase :D

Ok na kami kahit papaano ni Ace. Bagong taon na kaya bagong buhay. Charot lang. Hahaha. Sila pa din ni Leila. Inuupdate ko lang kayo. Hanggang ngayon nga hindi pa din nagbabago ng ugali si Leila -.- buti napagtitiisan yun ni Ace. Dapat ang new years' resolution niya ay maging mabait at hindi magmaldita haha! Sipain ko ovary niya e tsk! 


OO NGA PALA! Alam ko na kung bakit panay ang sorry ni Ace at Loyd. Palibhasa sinadya ni Ace yun na utos daw ni Loyd tssss. Sabi yun ni bestie >.< para daw maibigay sa akin ni Loyd yung damit na si bestie pa ang nagsabi ng size ko. Waaa! So planado pala yun. Advance gift daw. Nang malaman ko yun nagbago na naman yung pagtibok ng puso ko. 

Napansin ko lang. Parang nag-iimprove ata ako? Kasi hindi ganoon yung stress at takot na gaya dati. Ewan ko lang ha? Pero may times pa din na parang gusto kong lumayo. Lalo na kapag nakikita ko silang dalawa ni Macy. 


Hindi ako nagseselos. Epekto yun ng phobia ko wag kayong ano. >.

Next week na yung prelims namin sa P.E. Papunta naman ako ngayon sa ewan ko kung anong pangalan pero isa siyang bahay. Maganda. Ito yung binigay na address ni bestie kung saan kami magkikita.

To: bestie

Asan ka na ba? 

May humintong sasakyan sa harap ko at isang buntis ang bumungad haha.

“Kanina ka pa?” umiling naman ako.

“Dito nakatira yung nakausap ko dati.” sabi niya at kinabahan ako bigla. Ito yung sinabi sa akin ni bestie nung birthday ko.

*Flashback*

Ang dami kong tanong pero gusto kong i-cherish ang moment na ‘to. Sa sobrang saya nayakap ko tuloy si Loyd. Shet lang ang saya at gaan sa pakiramdam. 

Can't Be In Love [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon