Chapter 15

8 0 0
                                    

Chapter 15

Akala ko aabutin ng 1 year bago magsalita 'to. Oa mode on ako. Haha :D

"Magdate tayo." siniko ko siya ng malakas.

"Aray! Ito naman hindi mabiro. Joke lang yun wag ka masyadong serious." pasalamat siya at nakatali tong kamay ko.

"Ano ba kasi talaga?" seryoso ako habang may kadaldalan pa si Clay.

"Wala dali na. Follow the leader. Ikaw leader ngayon. Dinig mo? Ngayon lang." owwwwkie dowks!

"1,2-go" ang hirap pala ng ganito amp!

Tae! Ang bilis umatras ni Loyd!

"Dahan dahan mapatid mo ko." sabi ko kasi mahirap na lalo ako ang susubsob sa amin bale ba kung siya. Hehe :)))

"Dahan dahan na nga 'to e." sumasagot ka pang mayabang ka ah.

"Ayan na kanan ahh. Tatago tayo.". Kumanan ako kaso amp!!! Ang gulo naman nito. "teka teka Loyd dito hindi diyan. Wag kang kumaliwa, sa kanan nga ang liko e." mahina ba to sa directions??

"Kaya nga kanan! Amp nakatalikod kaya ako sa'yo. Sa part mo, kanan yan pero sa akin kaliwa." ano daw?? Bahala ka diyan hinatak ko na nga. Ang hirap ng ganito. Nakatago kami.

"Psssssst ate! Tulong po." sabi ko sa isang estudyante.

"Ano ba yan! Wag mo naman takutin yung tao" ha? Tinatakot ko ba? Ang gulo nito.

"Eh di ikaw ang tumawag ng tulong." sige tutal diyan ka magaling.

Siya yung humarap at kumakausap sa mga dumadaan. May babaeng tumulong kaso hirap tanggalin. Sobrang buhol daw. Wala siyang gunting. Arrrggghhh! Sumasakit na yung wrist ko.

"Puntahan kaya natin sina Ace?" wow nagsusuggest ang mokong. Pumayag na ako kasi gusto ko ng makawala dito. Haha parang nakakulong lang e ano ;D?

Kaso, pagdating namin sa hagdan, napanganga ako. Oo nga pala, 4th floor wew!!!!! Nagtalo pa kami kung paanong akyat ang gagawin namin. Heto kami ngayon walang leader leader. Pantay lang kami. Bumibilang kami para may coordination. Hahaha! Left foot ko ang magsstep tapos right naman yung kanya. Pero sabay yun. Mahirap ma-out of balance. Nakakabali ng buto yun XD

Can't Be In Love [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon